Chapter 5: Complications

49 1 0
                                        

After the very unexpected na pagkikita nila they decided to eat dinner together once the film ended. Almost 7pm na ng matapos ang documentary marathon, they went out the cinema at dahil waka ng masyadong kainan ay napunta sila ng Mcdo. May kakaibang titigan si Jai at Anne, may kung anong happiness at glow sa mukha nila. Napansin ito ng mga kaibigan nila, Sarah one of Anne's friends said "Baka magkatunawan kayong dalawa sa sobrang titigan niyo ha? Pero in fairness you two look good together." Nagkatawanan sila but everyone agreed na talagang may kakaibang chemistry ang dalawa, may kakaibang aura of ease pag tinignan mo.

Tuloy ang kwentuhan at asaran ng lahat pero pansin din na hindi masyadong nag-uusap ang dalawa dahil na din siguro sa nagkakahiyaan sila. 11pm na ng mag-aya si Zyril na umuwi, pumayag naman ang lahat dahil may mga klase pa sila kinabukasan at malalayo din ang uuwian nila. Jai asked Anne and her friends kung pwede na siya na lang ang maghatid sa kanya pauwi, they agreed and so did Anne.

On the way kila Anne, Jai kept smiling while driving at ng magstop sila due to traffic hinawakan niya ang kamay ng dalaga at sinabi "I'm the happiest guy tonight Sunshine, I know everything is still complicated but trust me, hold on, itatama ko ang lahat para sa ating dalawa." Anne was so shocked kaya hinawakan niya din ang kamay ng binata, tumingin siya at ngumiti habang naiisip niya ang pagdating ng panahon para sa kanilang dalawa.

Dumating na sila sa bahay nila Anne, binuksan ni Jai ang pinto ng sasakyan at hinatid siya sa may gate. "I had so much fun Sunshine, uulitin natin to di ba? Sige na, Pasok ka na we both need rest kasi maaga pa pareho ang pasok natin bukas." Anne smiled, held Jai's hand and said "It's very unexpected but fun. I'll see you again soon. Goodnight Koko." Akmang hahalikan ni Jai si Anne sa cheeks ng tumunog ang cellphone pero di niya ito pinansin kaya tumunog ulit ito. Sinabihan na siya na Anne na sagutin na dahil baka importante ito. Jai took the call at base sa facial expression niya hindi magandang balita ang binigay ng tumawag. Binaba ng binata ang telepono, binitawan si Anne and went straight to his car.

Di alam ni Anne ang gagawin kaya lumapit siya dito at sinabi "Koko, what's wrong? Alam mo na andito lang ako if may problema. Please be safe on your way home." Tinignan siya sa mata ni Jai habang unti-unting sinasara ang bintana at sinabi "Whatever happens Anne you will always and forever be my Sunshine. The one who gives light to my day. I love you." and he left.

Di alam ni Anne kung ano ang nangyari kaya sinundan lang niya ng tingin ang papalayong sasakyang ng binata habang dahan-dahang pumapasok sa pinto. Di niya naramdaman ng husto ang kilig sa mga huling sinabi ni Jai dahil pakiramdam niya ay nagpapaalam ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

InfinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon