Tapos na ang klase ni Anne, excited na siyang umuwi, mag-ayos at mag handa para sa dinner nila ni Jai at Jonas. Dali-dali siyang nag-ayos ng gamit sa bag, bumaba ng NHM Building ng CEU at nagsimulang maglakad at bumyahe pauwi. Masaya niyang nginingitian ang bawat taong makasalubong niya. Di iniisip ni Anne kung mukha na siyang baliw basta ang alam niya masaya siya.
Nasa LRT pa lang siya ng magtext si Jai, bumilis ang tibok ng puso niya at napangiti siya na abot tenga pero unti-unti itong naglaho ng mabasa ang text ng binata. "Anne sorry but the dinner is cancelled. I'm not in the mood to go out. I'm really sorry. Bawi ako sayo, promise. Thanks. Take Care." Anne is very disappointed, di niya napigilang mapaluha, pakiramdam niya biro lang ang lahat ng inamin at sinabi ni Jai about his feelings for her pero wala siyang magawa kaya sinagot na lang niya ito. "It's ok. I understand. May problema ba? Don't hesitate to tell me. Ingat din, there's always a next time. =)"
Alam ni Anne na kasinungalingan lang yung text niya, na di naman talaga ok ang lahat pero pinalabas niya na ayos lang dahil yun ang alam niyang tama. Medyo napangiti si Jai ng mabasa yung text ni Anne, alam niya sa sarili niya na galit ang dalaga pero pinilit ipakita na ok lang kahit na alam niyang may tampo ito, sinagot niya ang text at sinubukang magpaliwanag. "Thanks for understanding. Ai and I had a huge misunderstanding. I'm so pissed i don't feel like going out. I'm really sorry. I'll make it up to you next time, Promise!"
Ilang beses ulit silang nagplanong magkita, ilang beses nilang sinubukang puntahan kung nasaan ang isa't-isa pero ni minsan ay walang natuloy na plano at walang pagkikitang nagaganap. Kapwa na nila natatanggap na baka nga hanggang online, text at tawag na lang silang dalawa. Tanggap na nila na ang lahat ay malabong maging reality. Hanggang dumating ang isang araw na di nila inaasahan, di planado pero nangyari. Eto na siguro yung tama at nakatakdang panahon at pagkakatong para maging reality ang meron silang dalawa.
Inaya ni Zyril ang best friend niya na manuod ng documentary showing sa Gateway dahil mahaba naman ang vacant period nila. Walang hilig si Jai dito pero dahil wala din siyang gagawin at parang eager din siyang pumunta ay sumama na siya. Nag LRT silang dalawa dahil ayaw ni Jai mahirapan sa parking, saktong pababa sila sa Araneta Center Cubao station ng mapansin ni Zyril na familiar yung mukha ng babae sa unahan nila. "Pare, tignan mo yung nasa harapan yung naka CEU uniform parang si Anne. Di ba sabi mo dito sa station na to siya bumababa?" Nagulat si Jai sa sinabi ng best friend niya, na curious siya kaya pinilit niyang mapatabi sa babae pero sadyang madami yung tao na bumababa."Di ko makita pre, malabo din matabihan natin ang daming tao dito. Baka kahawig lang niya." Bumaba na ang magkaibigan, dumiretso sa may sinehan at humanap ng pwesto para makanuod, medyo madami na ang tao kaya bandang gitna na sila nakahanap ng pwesto.
"Nasaan na ba kayo? Kanina pa ako andito. Sakit na ng paa ko saka puno na to oh!" Mainit na ulong text ni Anne sa mga kaibigang nangako na sasama sa kanya. "Sorry sis, can't make it on time super traffic kasi. Una ka na susunod kami mga 30 minutes pa to." Anne is so pissed pero dahil gusto niya talaga panuorin ang film kaya pumasok siya mag-isa. Dahil na din sa dami ng tao pinili niya umupo kahit malapit na sa screen, sa tabi ng dalawang lalaking abala sa pag kwewkwentuhan siya nakaupo. Itatanong pa sana niya kung pwedeng umupo doon pero dahil sa abala sila sa pagkwekwentuhan ay umupo na lang siya basta at nagpalipas ng inis niya habang nag-aantay sa mga kaibigan. Nagbigay na ng hudyat na malapit na magsimula ang film at pinatay na din ang mga ilaw kaya umupo na ng maayos si Anne, tumigil na din sa pagkwekwentuhan ang dalawang katabi niya.
Wala pa sa kalahati ang unang film pero nararamdaman ni Anne na naiihi siya saktong tatayo na siya ng magkasabay sila ng katabi niya, nagkatinginan sila ng matagal. May kung anong pakiramdam na bumalot kay Anne habang nakatitig sa lalaking nasa harapan niya, di siya makapaniwala pero totoo nga ata. Hindi makapag salita o makakilos ang binatang nakatitig kay Anne gusto niyang magsalita pero di niya magawa, gulat at saya ang nararamdaman niya. Di inaasahan ni Anne na si Jai pala ang lalaking katabi niya,di nila alam na nasa iisang lugar lang sila at halos 30 minutes ng magkatabi.
Nagsalita na lang si Zyril para mabasag ang titigan ng dalawa. "Hello, may film po na pinapalabas pero parang kayong dalawa yung pelikula diyan. Sabi naman sayo pre si Anne yung nakita ko sa LRT kanina. Halika kayong dalawa dito at mag-uusap kayo." Hinila ni Zyril si Jai at Anne papunta sa may exit at saktong papasok naman ang mga kabarkada ni Anne. Lahat sila ay palipat-lipat ng tingin, di makapaniwala na dito sa loob ng sinehan magkakatabi at magkikita ang dalawa. Bigla na lang napansin ni Anne na magkahawak pala sila ni Jai ng kamay kaya bumitaw siya at nagsalita. "Koko? Ikaw talaga yan?" sumagot naman ang binata ng may buong saya "Oo, sunshine ako nga. Dito lang pala kita makikita."