Chapter 1

0 0 0
                                    

"Bakit ka nandito Callix? Hindi ba may pasok ka ngayon? Ayaw kong nakatuon lang saakin ang attention mo. Ayaw kong pinapabayaan mo ang pagaaral mo ng dahil saakin. " Everyday niya akong binibisita sa ospital kung saan naka confine ako ngayon dahil sa sakit ko. Simula ng ma-confine ako rito sa ospital, walang araw na hindi niya ako binibisita. Minsan nga nakikita ko pang dito na siya dsa ospital gumagawa ng mga requirements niya sa school, minsan di na siya umuuwi para lang mabantayan ako.

2 taon na ang nakakalipas nang ma-diagnose akong may sakit. Gumuho ang mundo ko that time. Marami pa akong gustong gawin sa buhay. Pero parang hindi ko na magagawa ang mga iyon dahil bahay at ospital lang ang pinupuntahan ko.

Marami akong hindi nagagawa simula nang malaman kong may Chronic Leukemia ako. Hindi na ako nabigyan ng pagkakataon na magaral.

"Bakit love sawa ka na ba sa pogi at cute kong mukha?" Nagpogi sign pa siya sa harap ko. Hindi ba halata na naiirita ako? Na naiinis ako?

"Pwede ba Callix! Magseryoso ka naman!"

Callix is my boyfriend for 3years. Bestfriend siya ng kakambal ko kaya kami nagkakilala. Masasabi kong masaya ang relasyon namin ni Callix, wala siyang ibang ginawa kundi mahalin ako ng puro at totoo. Pinadama niya saakin na mahal na mahal niya ako.

Noong panahong na-diagnose akong may sakit, siya ang unang nakaalam. Wala siyang ibang ginawa kundi punasan ang mga luha ko noon nalaman kong may sakit ako.

Never niya akong iniwan noong mga panahon na kailangan ko ng taong masasandalan.

Mahal na mahal ko si Callix kaya hanggat maaari gusto kong pagtuunan niya ang pagaaral niya kaysa saakin. Gusto kong matupad niya ang mga pangarap niya sa buhay.

Nagseryoso bigla ang mukha ni Callix pero napalitan rin agad iyon ng isang matamis na ngiti. Alam kong nasasaktan rin si Callix dahil sa sitwasyon namin ngayon. Pero di niya iyong pinapakita saakin.

Tumayo si Callix at nagpaalam kay mommy at daddy na nakatayo malapit sa kama ko. Bago siya lumabas ng pintuan, nilingon niya muna ako and he said I love you.

Tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. At iyon namang Lumapit saakin si mommy.

"Anak, bakit mo naman sinigawan si Callix?" Tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina ko pa gustong pakawalan. Ayaw kong umiyak sa harap ng boyfriend ko. Ayaw kong maawa siya saakin. Tama na yung nakikita niya akong ganito.

Hindi ko sinagot si mommy at pinahid nalang ang mga luhang nasa pisngi ko.

Humiga nalang ako at pinilit kong matulog kahit na marami akong iniisip.

Time Where stories live. Discover now