Chapter 4

0 0 0
                                    


Habang nakaupo sa kama, nakasandal ang noo ni Raffy sa paborito nitong libro. Ang libro na binili ni Callix para sakanya ng mga nakaraan taon. Ngayon niya lamang nabasa ito at nagustuhan niya agad.

Naramdaman ni Raffy ang pagdating ng kung sino. Ramdam niya ang tingin nito.

"Love, gusto mo bang humiga at matulog?"

Hindi siya tumingala, alam niya agad kung kaninong boses iyon. Binuksan ni Raffy ang kanyang mga mata pero nanatiling nakasandal ang noo sa kanyang libro.

"Binabasa mo na pala ang librong binigay ko sayo love. Sana nagustuhan mo"

"Callix, nasabi saakin ni kuya noong isang araw na hindi ka raw umaattend ng mga practices ninyo? Is it true?" Nanatiling nakatitig ang binata kay Raffy.

"Callix please naman ayaw na ayaw kong pinapabayaan mo yung mga bagay na ginagawa mo noon ng dahil lang saakin. Alam kung pangarap mo ang maging sikat na basketball player just like your dad. Ayaw kong napapabayaan mo yung pangarap mo ng dahil lang sa taong mawawala na "

Umiwas ng tingin ang dalaga at tumulo na ang kanyang mga luha.

"Ganun nalang yun Raffy? Sa tono ng boses mo ngayon parang nawawalan ka na ng pagasa para mabuhay. You care about my dream? Wala rin namang kwenta para saakin yung mga pangarap ko kung di rin naman kita makakasama sa darating na mga panahon"

"Cant you see Callix?! I'm dying binubuhay nalang ako ng dextrose. Ni hindi ko man lang magawang maglakad ng walang kasama. Di ko man lang magawang kumain magisa. Wala na Callix" niyakap ni Callix si Raffy.

Hindi naiwasang umiyak ng binata dahil sa mga salitang kumawala kay Raffy.

Nasasaktan siya para rito. Nakikita niya kung gaano kahirap yung sitwasyon ni Raffy ngayon.

Time Where stories live. Discover now