Chapter 5

0 0 0
                                    

"Good morning anak" nakita niyang kumpleto silang pamilya sa kuwarto niya ngayon.

Meron ang kakambal niyang nagaayos ng makakain sa lamesa, ang mommy niyang inaayos ang mga balloon sa paligid, ang daddy niya inaayos ang mga upuan. Where's Callix?

"Mom, what's the occasion?" Tanong nito.

"Ouch Raffy, talaga bang hindi mo matandaan ang araw kung kailan tayo pinanganak?" Damn. Birthday pala nila ngayon. Mismong birthday nilang dalawa hindi na niya matandaan.

"Right. Happy Birthday Raffa" yumakap rito ang kakambal niya at nagbatian sila ng Happy Birthday.

Nilingon niya uli ang paligid. Bawat sulok may mag lobong nakasabit. Maraming pagkain ang nakahanda sa hapag. May mga ilang regalo rin na nakalagay sa tabi ng kama niya.

Bumukas ang pintuan ng kuwarto niya at nakita niyang pumasok ang taong kanina niya pa gustong makita.

Dumiretso agad si Callix kay Raffy, niyakap niya ito ng sobrang higpit at hinalikan sa noo.

"Happy Birthday Raffy. Sana hindi ito yung huling birthday na makakasama kita. I love you" inabot nito ang dala dala niyang bouquet of flowers na sobrang bango at isang paper bag na sa tingin niya at regalo rin nito.

Debut sana niya ngayon. Ang matagal nang pinaghahandaan ng pamilya niya. Naaalala niya pang gusto niyang ganapin ang debut niya sa isang engrandeng hotel sa lugar nila. Pero obviously, sa ospital niya ngayon ise-celebrate ang debut niya.

Ok na rin ito, atleast kasama ko ang mga taong importante saakin.

Tumabi sakanya ang kakambal niya at nakita niyang hawak hawak nito ang satingin niya at cake nilang dalawa.

"Make a wish Raffy and Raffa" saad ng kanilang ama. May hawak itong camera at sa palagay niya'y nagvi-video ito.

Ang hiling ko lang naman ay sana gumaling na ako at mawala na itong sakit ko.

-----

Masayang kumakain ang pamilya ni Raffy including Callix na masayang nakikipag kwentuhan sa mommy at daddy niya.

Sana ganito nalang lagi, masaya at tila walang problema

Napatingin si Callix kay Raffy at nagngitian ang dalawa. Maya maya ay lumapit si Callix kay Raffy.

"You ok love?" Marahang tumango ang dalaga.

Habang kumakain si Callix ngayon niya lang ulit natitigan ang kanyang boyfriend.

Callix is handsome. His skin is fair and tan. His whole face is too flawless. His nose is pointed and I could see his sharp jaw na mapapansin ko kahit na nasa malayo ako.

"Raffy, baka naman matunaw si Callix sa katititig mo sakanya" bigal namang pinamulahan ng mukha si Raffy.

"Raffa!" Nahihiyang sambit ng dalaga.

"Tita, tito pwede po ba kaming maglakad lakad ni Raffy kahit sandali lang po?" Magalang na paalam ni Callix.

"Oo naman hijo" kumuha ng wheelchair si Callix at tinulungan niyang sumakay rito si Raffy.

Habang papunta sila sa kung saan "love, can you wear this for awhile?" Nakita niyang hawak ng boyfriend niya ang isang panyo. Unti-onting inayos ni Callix ang panyo at ginawa niyang panakip sa mata.

"Sure." Kahit nagdadalawang isip ang dalaga, pumayag parin ito dahil kung ano man ang plano ng kanyang boyfriend siguro naman hindi iyon makakasama sakanya.

"Trust me love. Hinding hindi kita papabayaan" bulong ni Callix sa tenga ni Raffa.

Naramdaman ni Raffa na nakasakay sila ng elevator dahil na rin sa paggalaw nito.

"Where are we going Callix?" Cirious na tanong ng dalaga.

"Its a surprise love" simpleng sagot nito.

Tumigil ang elevator at naramdaman niya nang tinutulak ni Callix ang wheelchair kung saan nakasakay siya.

Tumigil ang pagtulak ni Callix, at napansin niyang wala na si Callix sa likod niya.

"Love pwede mo nang tanggalin" unti-onti niyang tinanggal ang panyong nakalagay sa kanyang mataa. Iminulat niya ang kanyang mga mata at nakita niyang nsa rooftop sila ng ospital.

Its been a while ng makalanghap ako ng sariwang hangin at makalabas ako ng kuwarto ko.

Nakatayo si Callix sa hindi kalayuan at may hawak itong gitara.

"Raffy Amanda Sandoval. The girl I love the most. This song is for you"

Time Where stories live. Discover now