"Raffa, how was Callix in school?" Tanong ni Raffy sa kakambal nito.Ngayon lang nakabisita ang kakambal niya dahil sa daming ginagawa sa school kung saan siya nagaaral.
"Well, he's doing good naman. Kaya lang minsan hindi siya pumupunta sa mga practices namin"
Na-guilty bigla si Raffy dahil sa nalaman. Malamang dahil sa pagbisita niya rito araw araw, hindi na siya nakaka attend ng practices nila.
Parehas silang basketball player ng university kung saan sila nagaaral.
Sa pagkakaalam ko everyday ang mga practices nila dahil malapit na ang championship.
"Kakausapin ko nalang siya mamaya. Raffa paki abot naman yung libro. Thank you"
-----
"Bro, inuman tayo mamaya." Nagkayayaan ang barkada ni Callix na mag-inuman dahil na rin sa birthday ni Jouquin ngayon, isa sa mga kaibigan ni Callix.
"Sorry bro hindi ako pwede ngayon. Bibisitahin ko pa si Raffy sa ospital"
Kapag niyayaya siya ng mga kaibigan niya, simpleng sorry lang ang sinasabi nito.
"Bro lagi nalang bang tatanggihan mo kami?" Na-guilty naman ang binata. Sa tinagal tagal na pagiimbita ng mga ito, hindi pa niya pinauunlakan ang mga kaibigan niya.
"Fine just this one" tatawagan ko nalamang si tita mamaya.
-----
Hindi makakapunta ngayon si Callix rito sa ospital dahil nagpaalam siya kay mommy na nagkayayaan ang mga kaibigan niya.
"Mabuti na rin yung sumasama siya sa mga kaibigan niya mommy. Ayaw ko naman pong lagi siya dito sa ospital ng dahil saakin"
"Mahal na mahal ka talaga ni Callix no anak? Bihira ka nalang makakahanap ng ganoong klaseng lalaki sa panahon niyo ngayon Raffy"
Maswerte nga talaga si Raffy kay Callix. Bukod na sa sobrang maalaga nito, gwapo at matalino rin ito. Lagi siyang nakakasama sa Dean's Lister ng university nila.
-----
Kahit na kasama ngayon ni Callix ang mga kaibigan niya, di niya maiwasang isipin si Raffy. Namimiss niya na agad ito.
Maraming alak at ibat ibang mamahaling wine ang nandito ngayon sa bahay ng kaibigan niya.
Ganito sila lagi kapag nagkayayaan, hindi mawawala ang alak.
"Bro kamusta naman si Raffy? Matagal na namin siyang hindi nakikita a" tanong ng isa sa mga kaibigan ni Callix na si Luke.
Malapit ang mga kaibigan ni Callix kay Raffy dahil every practices nila noon, pumupunta ang dalaga.
Nakatitig lang sa iisang bagay si Callix habang kinukwento niya ang kalagayan ni Raffy ngayon
"Bakit kailangan si Raffy yung bigyan ng ganun klaseng sakit? Bakit hindi nalang ako? Masakit para saakin na nakikita siya lagi na halos di na siya nakakalabas ng kuwarto niya sa ospital. Ang sakit lang sh-t diko kayang nakikita siya na ganun kahit 2 years niya ng nilalabanan yung sakit niya" sa unang pagkakataon makikita ng mga kaibigan ni Callix na umiyak ito.
Kilala nila si Callix bilang masayahing tao, hindi nawawalan ng joke.
"Tangina diko kayang mawala siya saakin"
YOU ARE READING
Time
Teen FictionPrologue A story of Love, Faith and Hope. "Ganun nalang yun Raffy? Sa tono ng boses mo ngayon parang nawawalan ka na ng pagasa para mabuhay. You care about my dream? Wala rin namang kwenta para saakin yung mga pangarap ko kung di rin naman kita ma...