Araw ng Sabado ngayon kaya nagpasya si Callix na bisitahin ang girlfriend nito.Balak niya sanang ilabas si Raffy, ngunit hindi daw pwede sabi ng doctor nito.
Siya mismo ang nagluto ng mga pagkaing dadalhin niya sa ospital. Pili lamang ang mga pagkaing dadalhin niya dahil naalala niya na maselan ang kalusugan ni Raffy.
"Mama sa tingin mo magugustuhan lahat ito ni Raffy?" Nahihiyang tanong ni Callix sa ina. For the lat time nilingon niya ang madaming pagkain sa mesa
Tinulungan ng ginang ang anak para maghanda ng mga pagkain.
Ngumiti ang ginang at tumango "o siya anak ako na ang maglalagay sa bag ng mga ito, magbihis ka na" dahil sa sobrang excited, pumunta na siyang banyo at naligo.
-----
Pagpasok ni Callix sa kuwarto ni Raffy, nadatnan niyang natutulog pa si Raffy at nagaayos naman ng mga gamit gamit ang kanyang ina.
"hijo magandang umaga sayo" napansin ng ginang na maraming dalang bag si Callix "dami mo namang dala hijo"
"Uhm tita balak ko po kasing dalhin sa hardin ng ospital si Raffy mamaya tita"
Believe ang ginang dito dahil sa kabila ng nangyari sakanila, hindi pinabayaan ni Callix si Raffy.
Kahit na sigawan at paalisin ni Raffy si Callix, hindi nawawalan ang binata ng pagasa.
"Balak mo bang mag-picnic sa hardin hijo?" Tumango ang binata rito "o siya tulungan na kita. Ako na ang magaayos ng mga gagamitin niyo sa hardin. Antayin mo nalamang ang anak kong gumising at antayin ko nalang kayo sa hardin"
Nagpapasalamt rito si Callix dahil mabait ang pamilya ni Raffy rito. Nang ipakilala ni Raffy si Callix, agad na tinanggap ng pamilya ni Raffy si Callix.
Matagal ng magkakakilala ang pamilya nila, dahil na rin sa magkaibigan ang mga magulang ng mga ito at bestfriend ni Callix ang kakambal ni Raffy na si Raffa.
Habang hinihintay ni Callix si Raffa na magising, hindi niya maiwasang mapatitig sa maganda nitong mukha.
Kahit na walang buhay ang mga mukha nito, makikita parin ang ganda ng dalaga.
"I'm so lucky to have you love" bulong ni Callix kay Raffy.
Unti-onting nagising si Raffy at nagtama agad ang nga mata ng mga ito.
"Ca-callix?" Tinulungan ni Callix na makabangon si Raffy. Kinuha ni Callix ang suklay ng dalaga sa cabinet at dahan dahang inaayos ang buhok ng dalaga.
"Can I invite you in a date love?" Nagangat ng tingin si Raffy at sumilay rito ang matamis na ngiti.
Matagal na silang hindi nakakapag-date sa kadahilanang may sakit ang dalaga.
"Yes! Thank you" napasigaw pa ang binata ng pumayag si Raffy na maki pag-date sakanya kahit na sa hardin lang ng ospital "love sandali lang ha? Kukuha lang ako ng wheelchair"
-----
"Niluto mo lahat ito?" Tanong ni Raffy kay Callix. Namangha ang dalaga sa daming dala na pagkain ng binata kahit na puro gulay ang mga ito.
"Yes love. Nagpatulong ako kay mommy sa paghahanda ng mga pagkain. And guess what? Ang mommy mo ang nagayos ng mga ito" natuwa naman si Raffy dahil sa nalaman.
Masayang kumain ang dalawa ng biglang napahinto si Raffy.
"Callix, thank you for everything. Kahit na pinagtatabuyan kita minsan. Kahit na sinisigawan kita. You never leave my side. I love you Callix" hindi napigilan ng dalaga ang pagtulo ng mga luha nito.
"I love you more Raffy. Gusto kong habang gumagaling ka, nasa tabi mo lang ako. Hinding hindi kita iiwan kahit na anong mangyari. So Love huwag kang mawawalan ng pagasa ha? Gagaling ka pangako iyan"
YOU ARE READING
Time
Teen FictionPrologue A story of Love, Faith and Hope. "Ganun nalang yun Raffy? Sa tono ng boses mo ngayon parang nawawalan ka na ng pagasa para mabuhay. You care about my dream? Wala rin namang kwenta para saakin yung mga pangarap ko kung di rin naman kita ma...