Chapter 5. You'll Always Be
Kea Valerie Curtis
Hindi tumitigil si Kassy sa panggugulo sa amin ni Daryl. I tried to talk to her pero ayaw niya talaga. Naging "kami" na rin at sobrang mahal namin ang isa't isa. Nang isang araw ay nagulat na lang ang lahat ng pagkakuha ko ng zero score sa exam.
How it happened? Tamang-tama naman iyong mga sagot ko. Nawindang talaga ako kung papaano nangyari iyon? First time kong ma-zero sa exam.
"Ano ito Miss Curtis? You got zero in the exam? Anong nangyari? Nasa deanslister ka pa naman." galit na sabi sa akin ni maam sa akin.
"Maam, hindi ko po alam. I answered the exams correctly and ---"
"Better get out of this room!" utos nito at pinagtitinginan ako ng mga kaklase namin lalo na si Kassy na napalingon sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay and she smiled so fake.
"Better luck next time, Kea! Next time kasi mag-iingat ka." Kassy added.
Gustuhin ko mang sumagot sa kanya pero ayoko ng gulo. Kinuha ko ang bag ko at tuluyan na akong lumabas na may lungkot ang mukha ko.
Pagdaan ng mga araw, mas lalo akong nalunglot nang malaman kong nasa top 3 na ako, at si Kassy na ang nangunguna. Di bale na, makakabawi pa ako.
Siyanga pala, ibang course ang kinuha ni Daryl kaya hindi kami magkaklase. Sinusundo niya lang ako after ng klase ko. Maayos naman ang flow ng relationship namin. Si Rens naman, he apologized me for what happened. Mabait naman ako kaya pinatawad ko siya. Okay na din siya ngayon.
--
This is it. Our fnal exam and thank you Lord because I made it. I've got a perfect score in math subject. Pinaimbestigahan pala ni Maam Cindy Laudato ang nangyari noong nakakuha ako ng zero sa exam at nalamang si Kassy pala ang may gawa.
Binigyan ng three weeks suspension ang kaibigan ko. I feel pity for her. Pero kasalanan din naman niya, eh. I've tried to talk to her but hindi naman niya ako kinakausap. Iniiwasan niya ako.
I have my sweet smile today guess what? Bumalik na ako sa rank number 1 sa department namin. At dahil time flies so fast, tapos na ang suspension ni Kassy ng three weeks. Nagulat ako nang makita ko siya sa sala namin.
"Kassy, your here." kaswal na sabi ko.
Yumuko siya at ilang sandali pa bago niya ako tiningnan ng deritso.
"Kea, I'm sorry." she said and she hugs me. Nagulat man ako sa ginawa niya pero naramdaman kong yumakap na rin ako sa kanya.
"Kassy, pinapatawad na kita. Ako rin, sorry. Sorry kung pakiramdam mo ay inagawan kita."
"Ako naman ang may kasalanan, eh. Alam ko naman na noon pa lang ay gusto na ninyo ang isa't isa. Okay na ako, Kea. Thank you dahil napatawad mo ako. Na-miss kita." paghihikbi niya. Okay lang naman atleast aminado siya sa mga mali niya. Parte naman ng buhay iyon, eh.
Nagyayakapan kami ulit at niyaya ko siyang magmeryenda. Na-miss ko lang kasi ang ganitong bonding namin. Habang kumakain kami ay nanonood kami ng tv. At ikinuwento niya sa akin na bago pa siya pumunta rito sa amin ay humingi na siya ng tawad kay Daryl.
Masaya na ako para sa kanya. Bakas naman sa hitsura niya na okay na siya. Ganoon siguro talaga ang mag-bestfriend.
--
Kassy Cruz
Ayoko ng maulit pa ang mga maling nagawa ko noon. It's part of life. Natuto tayo sa mga pagkakamali natin. Kea is a good friend. Nagkataon lang na iyong taong mahal niya ay ang taong mahal ko rin. Okay lang, alam ko makaka-moveon din ako. Masaya ako na nakikitang masaya ang bestfriend ko.
Nagpapasalamat ako sa kanya dahil despite of all the barriers we had, she still there and stayed.
Thank you, Kea. Youre such a great friend.
--
Kea Valerie Curtis
Time flies so fast. Here we are again. Our graduation ceremony. At dahil pasok pa rin ako sa deanslist for consecutive four years, isa ako sa mga cumlaude na gagaradweyt. Si Kassy naman ay pasok din. Cumlaude rin siya gaya ko.
Daryl also graduated with flying colors. He successfully finished his engineering course. And syempre, were both happy now. Lastly, e-enjoy muna namin ang vacation habang maghahanap kami ng stable job para na rin sa mga pangarap namin.
"I love you so much, Kea. You'll always be in my heart."
"I love you too, Daryl."
And after that we kissed. Alam namin na sa darating na future magiging strong ang foundation ng pagmamahalan namin. There will be road to forever.
Wakas..
YOU ARE READING
You'll Always Be [Revise-COMPLETED]
Short Story#1 KYRU as of April 01,2024 #9 KYRU as of March 06,2024 #14 in Oneshotstory as of March 06, 2024 #14 in WattpadPhilippines as of March 09,2024 #161 in Short Story (06/09/17) BEST IN SHORT STORY (2nd Place) in Honey's Writing Contest as of 06/02/17 F...