Chapter 4

475 84 7
                                    

Chapter 4. Love Moves

Kea Valerie Curtis

Humahagulgol ako ng iyak sa tinuran na mga masasakit na salitang binitawan ni Rens sa akin. He just concluded na malandi ako at walang kwenta. And because of that ay tuluyan na itong nakikipaghiwalay sa akin. Okay, I'm just tired of my explanation na hindi naman siya nakikinig.

He was so bad. Sobrang babaw ng mga reasons niya. Wala naman sana akong masamang ginawa pero I accepted it na lang. I told him everything about Daryl. He felt so bad for himself. Pakiramdam kasi niya, hindi ko siya minahal. He insisted na siguro rebound lang siya but that is not true. Minahal ko naman siya kahit papaano.

It's okay. Pipilitin kong maging okay. I'm strong kaysa naman na ipagpatuloy pa namin. I'm bothered since Daryl cameback. Until now, hindi naman siya nawawala sa puso ko. I'm sorry, Rens.

"Kea?!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Kassy! Dali-dali kong pinunasan ang mga luha ko at hinarap siya. She's wearing an anger emotions and suddenly she slaps me.

Ouch!

Sapol ang kaliwa kong pisngi. Nagulat ako at syempre hindi ako nakailag.

"Problema mo?" galit na galit kong tanong sa kanya. Siguro alam na niya ang nangyari pero wala naman syang karapatang sampalin ako.

"Ang landi mo talaga, Kea! May boyfriend ka na, hindi ba? Ano ba?! Till now ba si Daryl pa rin ang gusto mo? Alam ko, simula mga bata pa lang tayo ay gusto mo na siya. " sigaw niya sa akin. Nanlilisik mga mata niya sa galit at dinuro niya ako.

"Ano ba, Kassy? Wala akong inagaw sa iyo. Pinagsasabi mo diyan! Umayos ka nga?!"

"Wala? Wala nga ba? Inaahas mo si Daryl sa akin. Traydor ka talagang kaibigan! Lahat na lang inaagaw mo sa akin!" pagkasabi niya ay aakma na sana niya akong sabunutan nang biglang dumating si Daryl.

"Kassy, tama na. Ano ba?! Hindi ba't sabi ko huwag na huwag mong pakikialaman si Kea?" matapang na sabi nito at hinawakan ako sa kamay.

Kaagad naman akong nabitawan ni Kassy nang hinawakan ako ni Daryl. Naramdaman ko talaga ang sakit ng buhok ko. Muntikan talaga niya akong isubsub sa putikan.

"Huwag mo nga siyang kampihan, Daryl. Ako ang girlfriend mo kaya dapat ako ang kampihan mo." matapang na asik ni Kassy.

"Sumusubra ka na, Kassy. Hindi ko naman inaagaw si Daryl sayo. Simula pa noong mga bata pa lang tayo kahit na alam kong gusto ko siya ay iniiwasan ko siya. Oo, gusto ko sya noon pa. Iyan ang gusto mong marinig, di' ba? At saka alam mo ba kung bakit ko siya iniiwasan noon? That's because of you! You are my bestfriend and a sister. You know what I feel that time? Kung meron mang ahas ay ikaw iyon dahil pilit mong inaagaw ang atensyon ni Daryl sa akin na alam naman natin pareho na ako ang gusto niya!" matapang na sagot ko rin sa kanya. Isang katotohanang sinampal ko sa buong pagkatao niya at natigilan si Daryl sa narinig. Diretso syang napatingin sa akin.

Iyon naman ang totoo. Mas pinili ko noon na umiwas para lang sa kanya. Halos mangiyak-ngiyak si Kassy sa narinig. Natameme siya at napalunok. Nakita ko kung paano siya nasaktan.

"I'm sorry, Kassy. Si Kea pa rin ang mahal ko at hindi magbabago iyon. Siya pa rin ang gusto ko. I'm sorry." Daryl confess infront of us.

Tumakbo papalayo si Kassy at naiwan kami na Daryl. Gusto ko sana siyang habulin but Daryl stopped me.

"Kea, huwag na. Hayaan mo na siya at maiintindihan din ni Kassy na hindi lahat ng gusto niya ay makukuha niya. I know she'll be okay." Yes, I know that thing. Pinaraya ko na sarili ko noon siguro naman it's time for me to let myself happy.

Kassy is still my friend and I need to talk to her. Pupuntahan ko siya sa kanila. Ayoko naman na masira ang friendship namin.

"Tayo na at nakakahiya na rito. Pinagtitinginan na tayo ng mga studyante. Halika na." at hinawakan na ni Daryl ang aking kamay.

"Daryl, thank you." sabi ko.

Ngumiti siya at hinawakan ang kaliwa kong pisngi. "Alam mo Kea, kahit na ginugulo na ni Kassy ang buhok mo ay maganda ka pa rin. Then, walang bawian, ha? I heard you saying you like me since then." at kinindatan niya ako.

Pinagmulahan ako ng pisngi sa sinabi niya.  Nasabi ko, eh. Haha!

--

Park.

Daryl  brought two cones of icecream. Inabot niya ang isa sa akin at umupo siya sa tabi ko.

"Favorite ko ito." sabi ko habang nilalantakan ang ice cream na bigay niya.

"Ang takaw mo talaga, Kea."

"Bumili ka pa kasi, eh. Ayan tuloy." reklamo ko sa kanya na nag-smile ng kaunti.

" Pero gusto mo naman, di'ba?" natawa pa siya.

While tinitigan ko si Daryl, I found him so cute and because of his presence ay nagkaroon ako ng peace of mind. Thank you for making me smile, Daryl.

"Huwag mo nga akong matitigan ng ganyan. Hindi mo pa ako boyfriend. Kung makatingin ka naman." panunukso niya sa akin.

"Bakit, bawal ka na bang titigan ngayon, huh?" I asked him at bigla ba naman siyang nag-wacky

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Bakit, bawal ka na bang titigan ngayon, huh?" I asked him at bigla ba naman siyang nag-wacky.

"Oo, bawal. Aakyat pa ako ng ligaw sa'yo, eh." sabi nito at kinindatan pa ako.

"Oo alam ko. Haha! Teka nga, ano bang nangyari sayo sa loob ng anim na taon?"

"Marami. Hindi ko na nga mabilang, eh. Pero sa anim na taon na iyon, palagi ka sa isip ko. Hindi kita nakalimutan." he narrates.

"Talaga? Bakit hindi mo magawang kontakin ako?

Umiling siya at hinarap ako, "Pina-focus ako ng parents ko sa pag-aaral. So, hinayaan ko lang. Alam ko naman talaga na isang araw, magkikita tayong muli. Kaya heto ako, umuwi rito sa atin. Una nga kitang hinanap. Nagpunta ako sa bahay ninyo Kea at sabi ng mama mo nasa school ka."

"Ang buong akala ko talaga, isang biro lang iyong sinabi mo sa akin noon. Hindi ako nangako sayo noon but my heart does." sabi ko at tumawa siya. Haha, kinilig ba naman.

You'll Always Be [Revise-COMPLETED]Where stories live. Discover now