Aevy's Point of View
Monday 8:15am
"Good morning class! Welcome to Section St. Clair. Homeroom niyo lang ito kaya after ng first subject ay maari na kayong pumunta sa iba't iba ninyong mga klase!". punong-puno ng enerhiya at galak na sinabi ni Miss Macapinlac
"So may iilan na mga estudyanteng lumipat sa section na ito". balita niya at kinuha ang isang dilaw na papel mula sa kanyang desk. Umubo muna siya ng malakas."Maia Bautista from Section Roman"
Nagtaas nang kamay ang babae sa pinakaunahan na row. Nginitian siya ni Miss Macapinlac
"Jayson Garcia from Section Bell?"
Walang sumagot o nagtaas ng kamay.
"Rustin Wilder from Section Bell?"
Halos mabali ang leeg ko sa biglaang pag-angat ko ng ulo. Nagulat si Sheli sa reaksyon ko. Bumulong siya."Kilala mo ba yun?"
"Hindi".pagsisinungaling ko
"So mukhang absent din si Mr. Wilder-".napahawak sa dibdib si Miss Macapinlac ng biglang bumukas ang pinto.
At doon ko nalaman na isang mahiwagang nilalang si Rustin. Basa at nakababa ang kanyang kulay itim na buhok. Pero kahit magulo ito nagawa padin niyang magmukhang kaakit-akit. Ang kanyang mga malalalim na asul na mata ay tila kulay langit. Parang natatakpan ito ng mga maninipis na ulap. Nakatupi hanggang sa gitna ng kanyang mga braso ang kanyang mahabang puting polo. Nakasabit sa kanang balikat niya ang isang kulay-abong bag na madaming pins at guitar stickers. Kinagat niya ang kanyang namumulang labi at nahihiyang bumati.
"Good morning Miss Macapinlac. I'm sorry for being late. I had to run some errands". pagpapaliwanag niya ngunit parang wala namang pakialam si mam dahil busy siya sa pagtitig kay Rustin
Para bang kinikilig na nagsalita si mam."It's okay Mr. Wilder, please take a seat."
Umupo siya sa harap ng row ko ngunit di niya ako pinansin. Nakaramdam agad ako ng inis sa aking loob. Pumangalumbaba na lang ako sa aking upuan at tumulala.
Pakiramdam ko'y parang may nakatitig sakin. Bumalik ako sa realidad at tumigil sa pagkatulala. Si Rustin ay nakatingin sakin, umigting ang kanyang panga at mabilis na lumunok. Wala akong nagawa kundi tignan na lang din siya. Kumaway siya at bumulong."Hey"
Bumibilis nanaman ang tibok ng puso ko."Hi Rustin"
"You look very beautiful today". nakangiti niyang sabi bago tumingin ulit sa harap at umupo na ng maayos. Mabuti nalang at hindi niya nakita ang aking nangangamatis na mukha.
Bakit ba ganito?
Nagulat ako sa hitsura ni Sheli. Hindi ko maipinta ang kanyang mukha. Pabulong siyang sumigaw."Akala ko ba hindi mo yan kilala ha?!"
"Shh! Mamaya ko eexplain". bulong ko
Monday 12:00 noon
Mag-isa ako ngayong kumakain ng burger sa canteen. Wala pa si Sheli, nag-extend siguro yung teacher niya sa biology. Maya-maya pa ay nagsidatingan na ang ibang mga estudyante sa canteen.
Asan kaya si Rustin?
Napakagat ako ng labi sa bigla kong naisip. Talaga bang dito nag-aaral yun? Kahit naman malaki itong school ay imposibleng hindi ko siya nakasalubong kahit minsan. Imposible ding hindi ko siya mapansin, sa gwapo't tangkad niya--
Argh. Masyado na kong halata.
Napatingin ako sa gawi ng may vending machine kung saan may mga estudyanteng nagtatawanan ng malakas. Napansin ko agad yung lalaking naglalagay ng pera sa may machine. Matangkad, malapad ang balikat, moreno. Si Rustin. Kunot-noo niyang pinukpok yung vending machine at lumabas na yung lata ng coke sa may butas. Napakurap ng ilang beses ang kanyang makakapal at mahahabang pilik-mata. Sa kilos niya ay parang pakiramdam niya'y may nakatingin sa kanya kaya agad akong nag-iwas ng tingin.
Dinig ko ang malalakas na lakad papalit sakin, huminga ako ng malalim. May umubo sa bandang kanan ko."Hey, mind if I join you?"
Hindi ko na kailangang alamin pa kung sino yung nagtanong. Agad na akong umiling at tumingala para matignan ang mga mata niya.
Nginitian ko siya."S-sige lang, upo ka"
Inilapag niya muna ang kanyang bag sa lamesa bago umupo sa tapat ko. Pinatong niya ang dalawang lata ng coke sa lamesa, inilapit niya ang isa sakin at ngumiti." I bought one for you"
"Salamat".
Hindi na siya nagsalita ulit matapos kong magpasalamat. Kinuha niya ang isang itim na notebook at lapis mula sa kanyang bag. Pasulyap-sulyap lamang siya sakin kaya naintimidate ako. Pakiramdam ko'y wala nang iaawkward pa ang nangyayari kaya tinanong ko nalang siya."So bakit ka nga pala lumipat ng homeroom?"
Ibinaba niya ang lapis na kanyang hawak at napangisi."I don't know? just a gut feeling"
Halos malusaw ako sa malagkit niyang titig at nakakapanghina niyang ngiti. Umiwas ako ng tingin at sumandal sa aking upuan. Napagtanto ko na ingles lang siya palagi sumagot at halos maubos na dugo ko sa ilong sa pag-intindi sa kanya. Pero naisip ko din na tagalog ko lang siya kinakausap at baka nauubusan na din siya ng dugo sa ilong sa pag-intindi.
"What's so funny?". tanong niya habang busy padin sa pagsusulat, umiling lang ako. Kagat-kagat niya ang dulo ng lapis at sumulyap ulit sakin.
Medyo creepy na. Pero nagawa ko pading kiligin. Halatang wala na ko sa sarili ko. "Kung naiintindihan mo mga sinasabi ko bakit hindi ka nalang mag-tagalog?". bigla ko nalang naitanong
"I can understand tagalog because my mom's Pinay.... but I can't speak tagalog. And my mom says that I'm very barok". namumula niyang sabi kaya napahalakhak ako
"Bago ka lang ba dito sa Pilipinas?".tanong ko
Napakamot siya ng ulo. "My sister and I moved here in the Philippines last year. I started studying here at SA when I was already a junior "
"Ahh. Eh paano yan dapat matuto ka na magsalita ng tagalog, mag-cocollege ka na next year".
"Yeah, I know". simangot niya
Kawawa naman ito. Paano kaya grade neto sa patriotism? Kung sa bagay di naman talaga siya Pilipino.
Turuan ko nalang kaya?
"Really?". nagulat ako sa histura niya, para bang mapupunit ang labi niya sa laki ng kanyang ngiti."H-ha?"
"You said that you'd teach me how to speak tagalog". masyadong excited tono ng boses niya, parang batang may birthday lang
Kabado akong tumawa."He-hehe. Sinabi ko ba yun?"
"Mm-hmm. Thank you so much Aevy". nakangiti niyang sabi at sabay naman ng tumunog ang bell. Sinabi niyang bukas daw simulan ko na agad ang pagtuturo sa kanya
Tumayo ako at nagpaalam."Sige see you tomorrow"
(End of Flashback)
Friday 8:30pm
"Out ka na diba? Mag-oovertime ka pa? Gabi na oh". sundot ni Jax sa tagiliran ko, inirapan ko siya at patuloy na nagtype ng progress report ko. "Alam ko may orasan ako"
"Ang sunget naman. Tara kain tayo, or baka diet ka Aevy?". nanunuksong tanong ni Jax
Napahilamos nalang ako ng mukha at kinuha na ang bag ko."Sige na sasamahan na kita"
Matapos naming kumain ni Jax ay nagpasya akong pumunta sa grocery store para bumili ng mga babaunin ni Alice sa school. Tulak-tulak ni Jax ang cart habang binabasa ko ang listahan ng mga bibilhin. Nandito kami ngayon sa aisle ng mga sabong panlaba at panghugas ng pinggan.
"Jax". tawag ko sa kanyang abalang-abala sa pagbasa ng Nutrition Facts sa hawak niyang biscuit. Hinagis niya ito sa loob ng cart."Oh?"
"Nakalimutan ko kumuha ng gatas. Pakuha naman ako ng dalawa please?". tumango lamang siya at iniwan ang cart sa tabi ko
Abala ako sa pagpili ng fabric conditioner ng may marinig akong pamilyar na boses. Kinuha ko nalang yung pink na bote ng fabcon.
"Antagal mo". sabi ko bago humarap kay Jax
At dumulas mula sa aking kamay ang kulay-roses na bote.