Aevy's Point of View
Monday 1:00pm
Tumayo ako mula sa sahig ng banyo at dahan-dahang naglakad papunta sa may lababo. Binuksan ko ang gripo at hinugasan ang aking mukha. Napasapo ako ng noo. Ilang araw ng masama ang pakiramdam ko. Pabalik-balik ako sa banyo dahil palagi akong nagsusuka. Wala naman akong nakain na panis.
Panandalian akong pumikit habang hinihilot ang sentido ng aking ulo. Napadilat na lamang ako nang may masamang bagay na sumagi sa aking isipan. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at pabulong na sinabi ang salitang imposible.
Kinuha ko agad ang aking cellphone sa bulsa at binuksan ang kalendaryo. Isang buwan. Paano ko ito hindi napansin ? Alam kong marami kaming ginagawa ni Rustin para sa art exhibit niya pero hindi ko naman ata dapat nalimutan na magkakaroon na dapat ako. Isang buwan nang late yung period ko.
Napatitig ako sa screen ng cellphone. Hindi naman ako magpapanggap na inosente at walang kaalam-alam dito. Oo, may nangyari na sa amin ni Rustin pero tandang-tanda ko na gumamit siya ng proteksyon.
Incoming Call
Shelina
"Hello? Aevy asan ka? Bakit hindi kita nakita ngayon sa campus? Masama parin ba pakiramdam mo? Mag-iilang araw na ah?". agad na bungad ni Sheli
"A-ayos lang ako". pabulong kong sagot
"Wow sa dami nang tanong ko yan lang sagot mo. Nasaan ka ba? Kasama mo ba si Rustin--
"Sheli kailangan ko ng tulong mo." sabat ko sa kanya. Saglit siyang nanahimik dahil nagulat siya sa lakas ng boses ko at pati na rin sa sinabi ko
"Ano bang klaseng tulong?".pabiro niyang tanong at napaismid ako. "Basta pumunta ka muna dito sa bahay"
"Okay sige"
Call Ended
"Oh my gosh! Buntis ka?!" agad kong tinapkan ang kanyang bibig at agad niya itong inalis. Ipinatong niya ang laptop sa aking higaan at naglakad ng pabalik-balik."Eh lahat ng symptoms mo naglelead sa pregnancy"
Umiling ako. "Imposible yun. Baka may nakain lang talaga ako"
Nanahimik siya ng panandalian ng biglang nanlaki ang kanyang mga mata kaya napaatraas ako. Dinuro-duro niya ako ng kanyang daliri. "Hindi siya gumamit ng condom noh?!!"
Umiling ako. "Sigurado akong gumamit siya ng condom"
"Baka hindi kinaya nung condom? Pumutok siguro". sinabi niya ito ng nakangisi kaya agad ko siyang sinimangutan. "Posible ba yun? S-so buntis nga ba ako?"
Napabuntong siya ng hininga. "There's only one way to find out"
(knock knock)
"Uyyy Aevy!!! Buhay ka pa ba?"
Hawak-hawak ko ngayon ang pregnancy kit. Hinihintay kong lumabas ang pulang guhit. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi kapag nalaman kong ako'y buntis. Mahal ko si Rustin pero mahal ko din ang pag-aaral ko. Bata pa ako, sigurado ba akong ito ang gusto ko?
Kung sabagay parte sakin ay ginusto na ito dahil sa una palang hinayaan ko nang may mangyari samin ni Rustin. Napakatanga ko nalang siguro na hindi ko inisip ang mga magiging posibilidad. Posibilidad na magkakaroon ng bunga ang aming pagsasama.
Dalawang pulang guhit.
Umiiyak akong lumabas ng banyo kaya agad akong niyakap ni Sheli. Nang tignan niya na ako ay namumula na rin ang mata niya, para bang pinipigilan niyang umiyak. "Ano na ang balak mo?"
"Hindi ko pa alam pero may nabubuhay na sa loob ng sinapupunan ko at isusumpa ako ng langit kapag hindi ko ito tinanggap."sabi ko habang pinupunasan ang aking mga luha
"Sasabihin mo na ba agad ito kay Rustin?". tanong ni Sheli, hindi ko maintindihan ako gusto niyang ipahatig. Nagkunot ako ng noo. "Bakit naman hindi?"
"Eh diba may art exhibit siya? Kung pwede after na nun kasi baka hindi siya makapagfocus?". mapait niyang ngiti
Bigla nalang sumagi sa aking isipan ang mga pangarap niya, ang mga pangarap naming dalawa. Hindi naman siguro magbabago ang mga bagay-bagay kahit pa magkaroon kami ng anak? Hindi ba?
End of Flashback
Saturday 2:15pm
"Alice eto lang ba gusto mong bilhin?". tanong ko habang dala-dala ang mga dinampot niyang mga bond paper, paint, yarn at kung ano-ano pang may kinalaman sa sining
"Mommy, books oh!". nakangiti niyang inabot sakin ang isang libro. Yumuko ako at kinuha ito; Our Stars by Anne Rockwell
Parang kinurot ang puso ko sa sakit. Siya nalang palagi. Natatandaan ko siya halos sa lahat ng bagay. Sinubukan ko noong maghanap ng iba kaso naisip ko rin agad na masyado na akong maraming prayoridad sa buhay. Hindi na nakalimot ang damdamin ko. Siguro karma ko ito dahil ipinagkait ko sa kanya si Alice. Nakita kong nakatitig sakin si Alice. Ang kanyang tila kulay-dagat na mga mata ay sinusubukan akong intindihin. Binuhat ko siya at niyakap.
Ramdam ko ang maliit niyang kamay na humahaplos sa buhok ko. "Mommy, bakit ka po naiyak?"
"Wala may naalala lang si mommy". ngiti ko at mukhang naduga ko naman siya dahil kumalas na siya sa pagkakayakap ko at bumalik na sa pagdampot ng mga bagay na gusto niyang bilihin.
Binuklat ko ang mga pahina ng librong kinuha niya. Puno ito ng mga guhit ng buwan at mga bituin. Masyado ata akong nawili dahil hindi ko napansin na nawala na pala si Alice sa paningin ko. Bilang isang magulang ramdam ko na ang pagpapanic at kaba. Agad ko siyang tinawag at tumakbo sa kabilang aisle."Alice?"
Nanggigilid na agad ang mga luha sa aking mga mata. Lumakad ako ng mabilis habang tumitingin sa kaliwa at kanan. "Alice!"