Monday, 7:30 am
"Who lives in a pineapple under the sea?Spongebob Squarepants! Absorbant and yellow and porous is he! Spongebob Squarepants! If nautical nonesense be something you wish. Spongebob - " . nakatulalang nakatingin si Alice sa telebisyon na kakamatay lamang. Tumingin ito sa kanyang likuran at nakita ang kanyang ina, si Aevy na hawak-hawak ang remote. Sandali itong bumuntong ng hininga at inilapag ang remote sa lamesa.
"Alice, let's go. You'll be late for school". mahinahong sabi ni Aevy habang sinisintas ang kulay pink na sapatos ng kanyang anak. Malungkot na tumango ang kanyang anak at hinawakan ang kamay niya. Tahimik silang sumakay nang sasakyan.
Pasulyap-sulyap si Aevy sa rear view mirror para makita kung ano ang ginagawa ni Alice. Kumirot ang puso niya ng makita niyang malungkot na nakapangalumbaba ito habang nakasandal sa upuan ng sasakyan.
"Gusto mo bang umupo dito sa harap? Sa tabi ni mommy?". nakangiti niyang tanong ngunit sumimangot at umiling lamang si Alice
Itinigil ni Aevy ang sasakyan sa may kanto, itinaas niya ang handbreak at nilingon ang bata. "Masama ba pakiramdam mo anak?"
"Hindi po ". bulong ng bata
Nabalot lalo ng katahimikan ang loob ng sasakyan. Lumipas ang ilang sandali at biglang napasimangot si Aevy. "May nambubully ba sayo sa school?"
Yumuko si Alice at humikbi habang tinatakpan ang kanyang mukha. Tila nabasag ang puso ng kanyang ina, binuhat siya papunta sa harap at ikinalong. Nauutal na nagsalita ang bata. "S-sabi nila f-freak daw ako kasi w-wala akong d-daddy"
Hinalikan ni Aevy si Alice sa pisngi. " Hindi ka freak. Hindi totoo ang mga sinasabi nila"
"Pero totoo pong wala akong daddy." iyak ni Alice
"You might not have a daddy anak pero you still have a mommy. And isn't mommy enough? Mommy is your best friend diba? I love you Alice and you're a smart and brave girl kaya huwag kang magpapadala sa sinasabi nila okay?". ngiti niya
"Okay mommy! I love you too!"
________________
Monday, 10:30 pm
"Eh asan ba kasi yung ama ng bata? " tanong ng katrabaho niyang si Jax. Sinamahan siya ng lalaking ito sa isang bar upang pakinggan ang mga hinaing niya tungkol sa buhay. Magkatapat silang dalawang nakaupo. Nakapangalumbaba ang kaliwang braso ni Aevy habang abala ang kanan niyang kamay sa pag-inom ng alak. Tahimik na pinagmamasdan ni Jax si Aevy, ang kanyang mga kulay-kapeng mata ay nanunuri. Nilalaro ng kanyang mga daliri ang kanyang kulay-rosas na labi, sinusubukan niyang tayahin ang prinoproblema ng babaeng kaharap niya.
Ibinaba ni Aevy ang basong hawak niyang may laman na alak at tumawa ng malakas."Wala, ewan, malay!"
" Wala ka bang balak na ipakilala si Alice sa tatay niya? ".
Tinignan ni Aevy si Jax ng matalim at umismid. " Wala. Akin lang ang anak ko. Ako nagpakahirap na buhayin siya, akin si Alice."
Tinitigan lang ng mga mapang-akit na mata ni Jax ang namomroblemang si Aevy. Umigting ang kanyang panga at napalunok. "Kailan ba kayo huling nagkita? "
Ipinagdikit ni Aevy ang kanyang dalawang kamay at nag-isip ng malalim. Nagkibit balikat siya. " I don't know? Hmm, I don't remember and... I don't care?"
Mahinang tumawa si Jax. "Iniingles mo na ako, lasing ka na ata"
"Hindi pa! " sinok ni Aevy
"Tara na Aevy, susunduin mo pa anak mo kila Shelina". pagpapaalala ni Jax