Aevy's Point of View
Monday 6:45pm
"Happy Birthday to you, Happy Birthday to you, Happy Birthday dear Rustin, Happy Birthday to you!". agad na hinipan ni Rustin ang mga kulay lila na kandilang nakatusok sa kanyang cake.
Nagpalakpakan ang lahat. Ibinaba ni Ate Rachel ang cake sa lamesa. Tumingin siya sa gawi ko at sumitsit. "Come over here"
Agad naman akong sumunod sa kanya at lumapit sa kanilang gawi. Mahina niya akong tinulak para tumabi ako kay Rustin. Ngumisi siya. "Picturan ko kayo. "
May kaunting espasyo parin sa pagitan namin ni Rustin na ikinainis ng kaniyang kapatid. "C'mon Rustin, don't be such a baby. Put your arm around your pretty girlfriend."
"Ate". gigil na sambit ni Rustin
"Say cheese!". nakangiting sabi ng kapatid nya bago kami kunan ng litrato. Hinalikan ni Rustin ang pisngi ko at bumulong."Wala kang regalo sakin?"
Nginisian ko siya."Anim na buwan na kitang tinuturan ng tagalog barok ka parin"
"Iniiba mo topic". hirap niyang sabi at pinisil ko nalang pisngi niya."May regalo ako siyempre"
Mag-aanim na buwan na ang relasyon namin ni Rustin. Masaya at ayos lang naman ang lahat. Nakakapagfocus naman kami sa aming pag-aaral. Hindi ko pinagsisisihan na hinalikan ko siya noong gabing iyon sa ilalim ng mga bituin. Alam kong mabuti siyang tao at totoo ang nararamdaman niya para sakin. Mas lalo akong nabighani sa kanya noong nalaman ko ang mga gusto at pananaw niya sa buhay. Mahal niya ang sining habang ang pagmamahal ko naman ay nasa musika. Noong una ang strand namin ay may relasyon sa pera at negosyo. Pero pareho naming ayaw iyon, ginagawa lang namin ito dahil sa kagustuhan ng aming mga magulang. Kami ay nagsilbing inspirasyon sa isa't isa upang kumuha nang mga dagdag na pag-aaral sa musika at sining. Siguro talagang konektado lang aming mga pangarap. Pinagdugtong na ng mga bituin ang aming landas.
Lumipas ang ilang oras at nagsi-alisan na ang mga bisita ni Rustin. Nakaupo kaming dalawa ngayon sa sofa, abala sa pagkain ng cake. Palihim akong ngumisi, nilagyan ko ng icing ang aking daliri. Tinawag ko ang atensyon niya."Rustin"
"Aevy". gaya niya sa aking boses at ibinaling ang kanyang tingin sakin. Ipinahid ko ang icing sa kanyang pisngi. Kaagad niyang kinuha ang aking daliri at sa aking gulat ito'y isinubo niya sa kanyang bibig. Ang kanyang mga asul na mata'y nanunukso.
"Rustin!". tili ko at hinila ang daliri mula sa kanya, humalakhak siya. Ramdam ko na ang pamumula ng aking mga pisngi. Kinurot ko ang kanyang braso. "Kadiri ka talaga"
Hinalikan niya ang aking pisngi. "Kinilig ka lang eh"
Inirapan ko siya."Whatever, barok ka padin"
Isinandal niya ang kanyang baba sa aking balikat at iniyakap ang kanyang mga braso sa aking baywang. Tinitigan niya ako ng mabuti habang ako ay abala na ulit sa pagkain ng cake.
"Doll". malambing na bulong niya habang ang pinapaikot niya sa kanyang daliri ang dulo ng aking buhok. "Bakit?"
Umiling siya."Nothing, it's just that I'm excited to introduce you to my parents"
Agad na bumilis ang tibok ng aking puso. Bakas sa aking mukha ang kaba. "B-baka hindi nila ako magustuhan"
Bumitiw siya sa pagkakayakap sakin at umupo ng maayos. Hinalikan niya ang kanan kong kamay."That would be impossible. They'll love you"
"Kelan ba sila uuwi dito?"
Nagkibit balikat lamang siya."Probably before graduation"
End of Flashback
Saturday 9:50 am
"Mommy". angal ni Alice habang niyugyog ang balikat ko. Mugto ang aking mga mata at ang sakit ng aking ulo. Wala akong balak bumangon dahil ang sama ng pakiramdam ko sa kaiiyak kagabi.
"Please bangon ka na mommy". pagpapacute niya. Hinalikan niya ang aking pisngi. "Sabi mo po pupunta tayo ng mall"
Isinubsob ko ang aking mukha sa unan nang nagsimulang tumalon si Alice sa higaan ko. "Please mommy, you promised diba?"
"Five minutes baby please". mahina kong sabi at umubo. Tumigil siya sa pagtalon at umupo agad sa aking tabi. Nagulat ako ng biglang hawakan ng kanyang dalawang maliit na kamay ang aking mukha. Tinitigan ako ng kulay dagat niyang mga mata, naluha ako dahil naalala ko nanaman ang kanyang ama.
"You're sick pala mommy. I'm sorry please don't cry". paiyak niyang sabi habang ang aking mga luha ay pinupunasan niya gamit ang dulo ng manggas ng kanyang minnie mouse na sweater
"Mommy's just tired". niyakap ko siya at ihinele sa aking bisig. Hinalikan niya ako. "Let's stay here nalang po. I won't be naughty anymore"
Ngumiti ako at hinalikan ang kanyang pisngi. "Hindi, pupunta padin tayo sa mall at bibilhin natin yung gusto mo. A promise is a promise diba?"
"Pero may sakit ka po." malungkot niyang sambit."Sinong may sakit? Hmm?". ngumisi ako at kiniliti ang kanyang tiyan
Saturday 1:30pm
"Isa nalang mauubos mo na pagkain mo oh". inilapit ko sa bibig niya ang kutsara pero ayaw niya na itong isubo
"Busog na po ako". sibangot niya at inilapit sa kanya ang baso ng softdrink. Agad kong ito kinuha at inilayo sa kanya. "Kainin mo muna ito"
Isinubo niya agad ang kutsara. Para talaga siyang si Rustin, gagawin lahat ng paraan kapag may gustong makuha.
Hinaplos ko ang pisngi ni Alice at napabuntong na lamang ng hininga, she's a spitting image of his father.
"Tara na mommy punta na tayo sa craft store ". yaya niya