Tambayan

74 5 5
                                    

Hell's POV

"sa dating tambayan!tara!"sabi ni Paulo at umakbay saakin

Hindi ko itatangging masyado akong malapit sa mga kaybigan ko.pinababayaan ko silang akbayan at hawakan ang kamay ko.pero hindi ako nagpapabuhat o yumayakap sakanila.

Nagsimula na kaming maglakad at pumunta sa "tambayan" ng barkada.Nang malapit na kami sa hagdanan ay biglang huminto si Darell

"Uiy!yung tokayo mo Pau oh!tara sama natin!"sabi ni Darell kay Paulo habang tinuturo ang lalakeng naka talikod

Bahagya naman akong inuga ni Paulo para makuha ang atensyon ko"okay lang ba?"tanong nya at silang lahat ay tumingin sakin

"Kayo bahala"sabi ko at tumingin palayo

Inalis na ni Paulo ang akbay saakin at pinauna na kami sa tambayan

Nagsimula  na ulit kami sa paglalakad nang lumapit saakin si Clarence.

"Pssst"sabi nya at kinalbit ako

"Oh?bakit Doraemon?"tanong ko sakanya.Doraemon ang tawag ko sakanya mula nung grade 8.

Hindi naman dahil kamuka nya si Doraemon.Hindi ko alam pero pag nakikita ko sya,si Doraemon ang naaalala ko.dahil siguro sa chuby cheecks

"Wala lang.libre mo ko dali!!"sabi nya at itinulak ako sa may tindahan.naka labas na kasi kami ng school

"Wala akong dalang pera uiy!"saway ko sakanya at tinapik ang mga kamay nyang patuloy akong tinutulak

"Sige na!!"pagpilit nya.patuloy sya sa paghatak at pagtulak saakin nang biglang may narinig kaming mga usapan

"Landi talaga"

"Sya lang ang babae pero sumasama pa sya"

"Oo nga actually sometimes Im wondering if virgin pa sya?hahahaha"

Hindi nalang ako kumibo matapos marinig iyon.Tumigil na si Clarence sa pagpilit saakin at nagtuloy na kami sa paglalakad

Sandaling tumahimik ang mga kaybigan ko,pero maya maya lang ay ayan nanaman sila at gumagawa ng kani kaniyang kalokohan

Masayang makipag kaibigan sa mga lalake,
Pero wag mong asahang ipagtatanggol ka nila,kung ang kaaway mo ay babae

Ganito ang buhay ko pag kasama ko sila.puro kalokohan,at tawanan.May mga oras na aapihin ka pero hindi sila makikialam.

Hindi lahat ng wattpad characters buhay prinsesa.May mga katulad kong reyalidad parin ang ipinapakita

Ilang sandali pa ay narating na namin ang "Tambayan"

Huhulaan ko kung ano ang iniisip mo,

Tambayan na parang bahay,
Maganda pero makalat,
Madaming pagkain,
May mga instruments at kung ano-anong mamahaling gamit na pakalat-kalat
At higit sa lahat,may ACU...
























Sorry kung di namin na reach ang napaka high mong expectations pero hindi ganon ang tambayan namin.

Ang tinutukoy naming "Tambayan"ay sa may gilid ng kalasada,na ang kaharap ay tindahan.may mga upuan na gawa sa kahoy at may lamesa sa gitna.may bubong din panangga sa ulan at init ng araw

Pumasok na kami at isa isang naupo.pero dahil sa dami namin ay naka tayo lang ang iba.

"Sinong taya?!"tanong ni Raf

"Sino bang taya?"Jericho

"Gago!inulit mo lang!"sabay batok sakanya ni Clarence

"Asan na  ba si Paulo?" Si Lloyd

Kung hindi ko nga pala nababanggit eh,yan ang lalakeng may malalim na mga salita. Kung pakikinggan ay parang ma-drama sya. Pero kung iisipin mo ang mga sinasabi nya,tama sya

"Parating palang ata"si Carl

"Oh sige sige ako na taya"prisinta ni Mark

"Oh?ano pang hinihintay mo?!bili na don!!"si Neil sabay tulak sakanya

"Oo!!eto na!eto na!!"si Mark habang nagkakamot ng ulo

Ilang minuto lang ang lumipas at agad din namang dumating si Merks.(Merks madalas ang tawag namin kay Mark) May dala syang mga in-can cokes and snacks

"Neil pa abot nga ng coke"sabi ko sabay turo sa softdrinks

"Ayoko nga! lumuhod ka muna! Tapos sabihin mong ang gwapo ko!"

"*smirk* Oh sige. Gagawin ko. Basta ba babasagin ko yan" sabi ko at itinuro ang maselang bahagi nya

Nagitla naman sya at bahagyang natigilan

"Bwisit talaga tong babaeng to" tanging sambit nya at nagsitawanan naman ang mga kasama namin

"Oh ayan na si Paulo!" Biglang singit ni Vince habang kumakain

Nagsi tinginan naman kami sa direksyong itinuro nya

Anak ka ng..

Paulo's POV

I was about to go home when a man suddenly called me

"Hey!!"

"Oh Mr Santos?" Paulo Santos

"Oh,tokayo!tara sama ka sakin!"

"Where?and... ano yung tokayo?"

"Sa tambayan namin. And tokayo,yun yung tawagan ng mga magkakapareho ng pangalan"

"Should I call you tokayo?" I confusedly asked

"Hindi naman kaylangan. Oh ano? Sama ka?"

"Okay I'll go with you.wala naman akong gagawin"


Dating This Girl With A Dirty Mind DTGWDM(On-going)Where stories live. Discover now