Continuation of chap thirteen

44 7 1
                                    

Hell's POV

umupo nalang ako at tumingin sa labas. Daming tao

"Hey!! "Tawag pansin ni Javelona. "Tara, sa chowking na tayo kumain"aya nya sakin kaya tumayo na ko

"Bat dun pa? "Tanong ko bago makatayo. Muli naman nya akong inakbayan nang magsimula kami sa pag lakad

"Gusto ko lang" buang din to eh

Tahimik lang kaming naglakad hanggang dun. Mabuti naman at hindi puno. Naghanap muna kami ng bakante doon at umupo.

"Kain ka muna ng doughnut dyan. Order lang ako"

"Sige"hindi na ko nagsabi pa ng madami dahil kaagad ko nang binuksan ang karton ng doughnut. Sya naman ay naglakad na paalis. Pero bigla syang bumalik

"Ano nga palang gusto mo kainin? "Tanong nya

"Ikaw ang magbabayad? " paniniguro ko. Aba mahirap na baka paghugasin ako ng Plato dito.

"Haha of course"naka pamulsang aniya

"Pananghalian na ba natin to? "

"Yes"Aniya at tumingin sa relo "It's one pm already"

Grabe kaya pala nagugutom na ko

"Sakin siopao at halohalo"naka ngiting sabi ko

Syempre kaylangan magpaka anghel ako. Libre to eh

"Your drink? "

"Bahala ka na"pagtalikod nya ay kaagad kong isinubo ang hawak kong doughnut

Habang ngumunguya ay pa tingin tingin ako sa paligid. Susubo na sana ako ulit nang makita ko ang batang kumakain ng halo halo. Mga nasa walong taon ang edad. Hindi ako maarte pero nakakadiri talaga sya. May halo halo sa harap nya na hinaluan nya ng pansit. Tapos ay nilamutak nya ang siomai at saka din isinama dun. Pagkatapos ay hinalo halo nya ang kanyang main dish for the day, at isinubo sa kanyang kapatid na mga nasa dalawang taong gulang. Napa laki ang kagat ko sa doughnut nang dahil sa nakita. Grabe ang tanga ng mga magulang nila. Palibhasa busy sa paglalandian eh. Sarap batuhin ng doughnut at sabihan ng "lamporeber"

"What's with your face?" Biglang sulpot ni Javelona the kabute at nilingon din ang mga bata

"Sa tingin ko pwede syang maging chef at pwede syang magtayo ng sarili nyang restaurant. Ano sa tingin mo? "Kaagad naman nya akong nilingon

"Sa tingin ko kaylangan nya munang matutunan ang proper manners sa pagluluto" sa sinabi nyang yon ay nagtawanan kami

"Oh here's our food. Thank you"yun lang ang sinabi nya at tinulungan nya ang waiter sa paghapag ng mga pagkain namin. Ako? Wala kain parin ng doughnut. Bahala sila dyan

"Here's yours"inabot nya ang pagkain ko. Tinignan ko ang kanya at parehas lang kami

"Bat magkapareho tayo? " masama ko syang tinignan

"Oh wag kang ganyan tumingin. Nakakatakot"hindi ko pinutol ang masamang tingin sakanya at nanatili lang sa ganong pwesto. "Eh hindi ko naman kasi alam kung ano ang kakainin. Dalawang beses palang ako nakakapunta dito mula nung dumating ako sa Pilipinas"

"Ah okay"sabi ko na para bang walang nangyaring pananakot kanina hahaha

"Bakit ba ayaw mo na parehas tayo? "Tanong nya sabay kagat ng siopao. Kinuha ko naman ang akin at kumagat din

"Kasi pag magkaiba tayo, makakahingi ako sayo. Mas madami akong option"

"Haha wise"

"Nga pala, sabi mo hindi ka rich kid? Eh bakit parang ang yaman mo? "

Dating This Girl With A Dirty Mind DTGWDM(On-going)Where stories live. Discover now