The other side of her life

63 4 3
                                    

"Hell!!!!!!!!!"

Malakas na sigaw ni Vince habang inis na inis na naka tingin sakin
Mabilis Kong pinaandar ang motor ko at
Kaagad akong nagdrive at nang makarating ako sakanya ay inilabas ko ang dila ko. Sabay sigaw ng 'bleh' dahilan para lalong matawa ang mga kasama namin na naka dagdag naman sa pagkainis nya

Haha wala ka pala eh

Nagmadali na ako pauwi dahil siguradong mapapagalitan nanaman ako

At hindi nga ako nagkamali. Pagdating ko sa bahay ay galit na muka ng aking ama ang sumalubong saakin

Bumaba ako sa motor at inayos ang pagkakaparke nito

Tsk kaylangan kong umayos dahil ako nanaman ang pagagalitan neto

Pagkapasok ko sa bahay ay inalis ko ang aking sapatos. Ipinagpag ko ito at sinigurong maayos ang pagkakasalansan sa lagayan. Tuluyan na akong pumasok at itinabi sa aking kwarto ang aking bag. Dali dali na akong nagbihis at nagligpit ng mga kalat. Isinalansan ko ang mga gamit sa loob ng bahay at nagwalis mula sa mga kwarto hanggang sa sala. Matapos nito ay kaagad akong nag lampaso. Matapos non ay nagtungo naman ako sa kusina upang magsaing at maglinis. Pagkatapos ay naghugas ng plato at nagluto ng sinigang

Ganito ang buhay ko araw araw
Pagod man o hindi galing sa eskwela, kaylangan mo muna maglinis at magpaka kuba sa trabaho pag uwi sa bahay

Masarap na sana akong mauupo sa matigas naming upuan at hindi masyadong mapayapang makapagpahinga nang bigla naman akong tinawag.

"Hell!!! Magwalis ka nga dito sa labas!! Ikaw talaga kahit kaylan wala kang kwenta! Hindi mo ma trabaho lahat! Sa twing mag tatrabaho ka kulang! O kaya naman may mali!!" At dyan na nga nagsimula ang pagkukwento ng nanay ko sa aking 'Hell's Diary of Mistakes since birth'

Ganyan sila mag utos with matching ratatatatatat mag uutos--pagagalitan ka---ikukwento ang mga kamalian mo simula nung wala ka pang muwang.

Sarap magbigti

Lumabas na ako at kaagad na dinampot ang walis. Winalis ko ang lupa sa loob at labas ng aming bakuran at sinigurong maayos ang itsura ng lupa bago ko ito iwan.

Lumapit na rin ako sa motor ko para punasan at ayusin Ito.

Halos ala sais na nang matapos ko ang lahat ng kaylangan gawin. Kumuha na ako ng twalya pumasok sa banyo para maligo

Pagkatapos ng mga kinse minutos ay natapos na rin ako

Paglabas ko ng bahay ay kaagad Kong nakita Si Heaven na prenteng nakaupo at kinakalikot ang cellphone nya.

Sya ang kapatid Kong MABAIT
SOBRANG BAIT sarap sakalin. Heaven yan ang pangalan nya. Obvious ba ang favoritism sa pamilya? Haha oh well no need to mention. Sya lang naman ang 'Perfect' daughter ng parents ko. Mabait daw sya, masipag, responsable, maalaga, at matalino. Well para sakin,maganda lang sya.

Bibilugin ang mga mata nyang mapupungay, matambok ang mga pisngi, maganda ang hugis ng labi, mahaba ang mga pilikmata at morena. Bagay na bagay sa itsura nya ang kanyang pangalan.

Hindi naman talaga ako naiinis sakanya dahil lang sya ang paborito. Ang ayaw ko lang ay madalas nya kong ipahamak at lagi syang nagmamaldita.

Dumiretso na ako sa kwarto ko at doon nagpatuyo ng buhok. Matapos non ay natulog na ko. Tinatawag pa ko ni Mama para kumain pero nawalan na ko ng gana.

Matutulog na ko

Manunuyo pa ko ng Bentong bukas

Dating This Girl With A Dirty Mind DTGWDM(On-going)Where stories live. Discover now