eight

58 4 1
                                    

Hell's POV

lumabas na kaming lahat sa kubo at pinuntahan ang aming mga sasakyan.

Oh ano nanamang iniimagine mo?
Na nagmamay-ari kami ng tigiisang kotse?

Wag kang ambisyosa

Sumakay na ko sa motor ko at pinaandar ito. Ang iba samin ay naka bike, habang anim saamin ang may gamit ng motor

Aalis na sana ako nang biglang sumulpot itong si Javelona sa harapan ko

"Ano?!" inis nang tanong ko sakanya

"Im sorry for that question earlier. I didn't----" hindi nya na naituloy ang sasabihin nang pinaharurot ko na ang  motor ko.

Mula sa primera ay dinagdagan ko ito hanggang kwarta upang mas lalong bumilis

Okay na sana...kaya lang bakit ganon ang tanong nya?

Nagiinit ang ulo ko pag naaalala ko ang tanong nyang yon. Para syang nangiinsulto,naninita na para bang ang laking kasalanan ng ginawa ko

Ito minsan amg dahilan kung bakit ayokong nakikisalamuha sa iba

Masyado silang mapanghusga

Tuloy tuloy lang ako sa pagd-drive hanggang sa mapansin ko ang pwesto nung mag jowa na nadaanan ko

Naka upo sa bench ang lalake habang naka upo ang babae sa harap nya  sa may bandang ibaba

Saktong sakto yung bibig nung babae sa 'tooot' nung lalake

What the hell?

Alam kong nagkukwentuhan lang sila pero ano ba namang klaseng pwesto yon??!

Hindi ko alam kung ako lang ba talaga o sadyang matindi yung pwesto nila. At base sa edad nila dapat alam nila na awkward yung pwesto nila!! Sa tingin ko ay nasa line of 20s na ang dalawang yun! San ba naman napunta ang utak nila?!!

Sa sobrang pagiisip ay hindi ko namalayang itinigil ko pala ang motor at tumitig don sa dalawa. Aalis na sana ako nang may biglang sumigaw

"Sir ang ganda ng pwestong yan!!" Sigaw ni De Guzman habang dumadaan dito. Magkakasabay silang mga naka bike

"Pag tumanda ako gusto ko ring gawin yan!! Ang galing mo idol!!!" Sigaw naman ni Alnad habang nagd-drive sa motor nya

"Si Hell oh!! Nilulumot nanaman ang utak!!!" Biglang singit naman ni Vince at nagtawanan silang lahat

Wala akong nagawa kundi mamula nalang sa hiya

Tinuro pa talaga ako ng gago

Pa-aandarin ko na sana ang motor nang may bigla akong naisip

Asaran pala ha?

Hindi ko mapigilang mapangisi habang sinasabi ang mga salitang yon sa isip ko

Kinuha ko ang susi ng motor at binuksan ang compartment nito. Pagbukas ko palang ay kaagad na akong natuwa nang makita ko ang isang maliit na pako sa loob

Kinuha ko ito at pinaandar na ang motor

Pumwesto ako sa may bandang kanan ni Vince upang makatyempo sa aking binabalak

Ang pako ay nasa kaliwang kamay ko habang ang kanan naman ay nagbabalanse sa motor

Nang maabutan ko ang likod ni Vince ay bahagya akong yumuko upang maabot ang likod ng bike nya

Nang maabot ay kaagad kong ibinaon ang pako. Siniguro ko muna na malalim ang pagkakabaon nito bago ko binunot

Nang mapansin nya ako ay kaagad nyang iniliko ang manibela ng bisikleta nya sa ibang direksyon,pero huli na ang lahat. Unti unti nang nauubusan ng hangin ang gulong nya sa may likuran at nawawalan na rin sya ng balanse

Dinig ko ang impit na tawanan ng mga barkada naming nakakita sa ginawa ko. Habang kita ko naman ang galit na tingin sakin ni Vince

Dating This Girl With A Dirty Mind DTGWDM(On-going)Where stories live. Discover now