⚫ Lunaria ⚫Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na tulala dito. Nanatili lang akong nakaupo sa kristal na higaan na'to. Naiinis din ako kasi wala akong magawa. Limitadong limitado lang ang kapangyarihan ko. Ni-hindi ko masira ang pesteng kulungan na'to. Nagpasya akong tumayo at muling sinilip ang parte kung saan may pumapasok na kaunting sinag ng araw. Baka may lagusan doon na pwede kong daanan upang makatakas. Pero paano ko nga naman gagawin yun kung sa kulungan palang na'to ay hindi na ako makaalis? Nasipa ko na lang yung bakal kaya tumunog ito ng malakas dahil sa suot kong sapatos na yari din sa kristal. Sa sobrang pagkainis ko din ay tinanggal ko ang kung ano-anong palamuti na nakasabit sa buhok ko. Hindi ko din gusto ang kulay puting dress na pinasuot sakin ng Hilarion na 'yon. Hanggang tuhod ko ang haba ng dress at may mga excess pang tela ang nakalambitin sa braso at bewang ko. Disenyo ata. Pero hindi ko talaga ito gusto.
"Bakit mo sinisira ang mga palamuti? Hindi mo ba alam na mas gumaganda ka diyan?" Napalingon ako dahil narinig ko na naman ang boses ni Hilarion. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Wala kang pakialam," matigas kong sagot sakanya at tinalikuran siya. Ayoko mag-aksaya ng panahon para kausapin siya. Wala siyang mapapala sakin. Kada-oras ay pinagpipilitan niya sakin ang kumanta. Paulit-ulit din naman siyang umaalis na bigo. Minsan sa sobrang galit niya ay gusto na niya akong patayin. I just laugh at him at the back of my mind. He's not capable of killing me. I'm no ordinary angel, remember?
Isang ngisi lang ang tinugon sakin ni Hilarion. Maya-maya pa ay may limang babaeng anghel ang pumasok sa bird cage. At alam ko na kung ano ang gagawin nila. Aayusan na naman nila ako.
"Make her the most beautiful angel in Atmus World. " Napairap nalang ako. Hindi ba siya nagsasawa? Kasi ako sawang sawa na sa pagmumukha niya. Nakita ko namang pinulot nung isang babae ang palamuting tinapon ko kanina.
"Wag niyo na pong itapon ang mga ito, Turniquete. Tama po ang mahal na Hilarion. Gumaganda kayo dito. Ano po ba ang hindi niyo nagustuhan dito?" Wika naman saakin ng isa. Kumunot ang noo ko.
"Hindi ako nandito para magpaganda lang. At kung kayo ang nasa posisyon ko, na nakakulong at hindi kayang ipaglaban ang sarili--magugustuhan niyo ba?" Inis kong sagot sakanya kaya napayuko nalang siya at humingi ng tawad. Pagkatapos nun ay ginawa na nila ang dapat nilang gawin.
"Natalo nila si Fuego, Hilarion. Patuloy parin ba tayo sa ganitong stratehiya? Hihintayin nalang ba natin silang ubusin tayo?" Dahil nakatalikod akong nakaupo mula kay Hilarion, hindi ko kita kung sino ang kausap niya. Pero base sa boses ay kilala ko kung sino ito. Siya si Myera, isang Avseil Goddess. Ang Goddess of War.
"Hindi mo kailangang mag-aalala Myera. Kahit na makatuntong sila mismo dito sa Seraphim Tower ay hanggang doon nalang sila."
"How can you be so sure, Hilarion? Mind telling me a piece of your plan? Because it is quite an insult for a goddess of war lacking some knowledge." Ano na naman kayang balak ni Hilarion? Nagtataka din ako kasi hinahayaan niya lang na tapusin nila Khalil isa-isa ang mga gods. Hanga din talaga ako kay Khalil. Napangiti ako ng palihim dahil dito. Nasa kanya ang kalahati ng kapangyarihan ko. Half of me is inside his soul. Kaya yung mga sakit na nararamdaman ni Khalil ay nararamdaman ko din. Pati kalungkutan niya, ramdam ko. Sa tuwing umiiyak siya, umiiyak din ako. He's longing for my existence. And so I am.
"I'm not telling you Myera. The only one I trust here is myself." Kaswal na sagot ni Hilarion. Natapos na ang pag-aayos sakin ng ng limang anghel at umalis na sila. Doon ko sila tiningnan. Nakakunot ang noo ni Myera at halatang inis na inis na siya. Pati ang kulay pula niyang buhok ay para bang nagsisigaw din sa inis. Kung titingnan mo ang kanyang postura at kasuotan, halatang sanay ito sa anumang labanan. May kulay ginto siyang headdress sa noo na parang hugis V. Habang ang suot niya namang armor ay magkahalong ginto at itim. At ang mga pakpak niya ay kasing puti ng mga ulap. Magkaiba ito sa pagkaputi ng pakpak ko. Ang saakin kasi ay nahahaluan ng kulay pink, at may glitters lalo na kapag nasisinagan ng liwanag. Parang mga diyamanteng kumikislap.
BINABASA MO ANG
Piercing Skies
Fantasy[BOOK 2 OF DISENCHANTED] The rage of gods has gone too far. They will do anything, everything, just to rule the world that doesn't belong to them. How absurd it is to think that these gods are supposed to take care of the world, not to take over it...