Chapter 19: Bloodbath

824 28 0
                                    


⚫ The Author ⚫

Nakita lahat ni Hilarion ang mga ginagawa ni Luis sa isang malaking water basin. Alam na din niya na may spirit itong kasama, si Seraphina. Hawak ang fury ng phoenix, sinabihan niya ang kanyang taga-sunod na mag balita sa ibang gods na magpapatawag siya ng pagpupulong.

"Wala din naman palang silbi si Luis. Oh well, may naiisip pa naman akong ibang paraan. Something that will make him very useful." Sabi ni Hilarion sakanyang sarili. Pinagmasdan naman ni Hilarion ang fury na hawak niya.

"Hindi din naging madali ang pagkuha ko dito. Kinailangan ko munang galitin ng todo ang phoenix, bago niya mailabas ang fury. Isang natatanging balahibo na lumalabas lamang dahil sa tindi ng galit." Kumurba ang isang ngiti sa mga labi ni Hilarion. Hanggang sa bumalik na ang kanyang taga-sunod. Sinasabi na nandoon na lahat ang gods. Tumango si Hilarion, at lumipad patungong Seraphim Tower.

"Ano na naman ito, Hilarion?" Si Horos ang unang nagsalita, halatang naiinis sa prisensya ni Hilarion. Ngunit walang pakialam si Hilarion sa nararamdaman nito, pinasadahan niya ang matanda ng isang mapang-asar na ngiti.

"Gusto ko lamang ibahagi sainyo ang aking mga plano para sa Atmus World." Gumuhit sa mga mukha ng mga gods ang pagtataka. Kahit kelan talaga, hindi nila mawari ang takbo ng isip ni Hilarion.

"Mga plano? Natutunugan ko na ang ibig mong sabihin. Ngunit sinasabi ko lang sa'yo, naka depende parin ang desisyon ng nakararami bago mo maisakatuparan ang sinasabi mong plano. Huwag kang magsalita na para bang ikaw dapat ang masusunod." Mataray na wika ni Venice, na sinang-ayunan naman ng lahat.

"Hindi pa nga ako natatapos magsalita, pinangungunahan nyo na agad ako." Sabi naman ni Hilarion at napatawa ng bahagya.

"Ano pa bang aasahan mo? Sa simula palang ay wala kanang iminungkahi kundi puro kahibangan!" Si Fuego naman ang nagsalita. Sa senaryong iyon, tila pinagkakaisahan ng lahat si Hilarion.

"Maayos akong nakikitungo sainyo, kaya huwag nyong sagarin ang pasensya ko!" Umalingawngaw sa buong paligid ang sigaw na iyon ni Hilarion. Wala na, galit na talaga siya sa mga sandaling iyon. Natahimik ang lahat ng mga gods. Nasindak sa boses ni Hilarion. Matapos nun, tumikhim si Hilarion at muling nagsalita.

"Gusto ko na maghiwa-hiwalay kayo. May grupo ng mga anghel ang balak magpunta rito upang kunin ang turniquete. Gusto ko na pigilan nyo sila." Panimula ni Hilarion. Natawa si Fuego, nasinundan ni Horos. Hanggang silang lahat na ang tumawa. Nagtiimbaga na lamang si Hilarion. 'Sige lang. Dahil mamaya iisa-isahin ko kayo.' Sabi ni Hilarion sakanyang isipan.

"At bakit naman kailangang kami pa? Madami namang mga Otsura ang nakapaligid. Bakit tayo matatakot sa simpleng grupo lamang?" Tanong ni Horos na may halong pangungutya. Nagsimulang maglakad si Hilarion, simula kay Horos hanggang sa madaanan niya ang lahat ng gods habang nagsasalita.

"Because this group, is no ordinary. The one who is on the lead, holds the power of Lunaria." Huminto sa paglalakad si Hilarion. "I'm telling you, if you won't follow me. Then they will succeed."

"Hindi ako susunod sayo. Sino ka ba para utusan kami?!" Sigaw ni Horos.

"Horos, you're doing a very big mistake. Huwag ka ding magmagaling. Sa ating lahat, ikaw ang pinaka-duwag!" Doon na tuluyang nag-alburoto sa galit si Horos. Lumitaw sakanyang kamay ang sword niya. Agad niyang itinutok kay Hilarion habang inaawat siya ng ibang gods. Nanlaki na lamang ang mata ni Horos ng biglang naglaho si Hilarion sa harap niya. Hanggang sa may naramdaman siyang matulis na bagay ang bumaon sa tagiliran niya. Dahan dahan siyang lumingon at nandoon si Hilarion, nakangiti ng nakakaloko.

"Ikaw ang una kong buburahin sa mundong 'to. Dahil ikaw ang pinaka-walang kwenta sa lahat. Dapat hindi kana naging god. You're nothing but a piece of trash." Nag-init ang tenga ni Horos. Manlalaban pa sana siya pero bigla na lamang siyang napaluhod. Naramdaman niya din ang paghugot ng matulis na bagay na bumaon sakanyang katawan. Hindi niya magalaw bigla ang kanyang kamay o paa. Nahiga na lamang siya ng walang kalaban laban. Tanging mata at pandinig nalang ang gumagana sakanya ngayon. Agad namang nilapitan ni Glinther si Hilarion. Hinawakan ng goddess ang balikan ng lalake.

"Hilarion! Anong ginawa mo sakanya?" Nag-aalalang tanong ng goddess. Hindi sumagot si Hilarion. Nanatili lamang ang ngiti sa mga labi nito na ikinatakot ni Glinther. Napatingin ang goddess sa hawak nito. Nagliliwanag ang bagay na iyon sa ginto at pulang liwanag. Umuusok pa ito at kumikislap din. Napaatras si Glinther.

"A-Ano ang bagay na iyan?" Nauutal na tanong ni Glinther. Maging ang ibang gods ay napaatras nadin. Dahan dahang tiningnan ni Hilarion ng matalim ang mga anghel na nasa harap niya.

"Ito, ang fury ng Ancient Phoenix." Tinaas niya ang hawak niya at pinagmasdan ito.

"Ito ang kaisa-isang bagay na tatapos sa buhay ng isang god. Hindi nyo ba alam? Hahaha. Malamang, dahil isa kayong mga hangal. Akala nyo na kapag napatulog nyo na si Lunaria, tapos na ang lahat. Hindi. Dahil parating na ang descendant ni Crone para iligtas siya. At hindi ko kayang pigilan mag-isa 'yon. Kaya ko kayo ipapababa para pigilan sila. Ngayon, ang sino mang tutol sa gusto kong gawin ay isusunod ko kay Horos!" Galit at may diin ang bawat salitang binitawan ni Hilarion. Sa mga sandaling iyon, tuluyan ng binaiwan ng buhay ang Agaile God na si Horos. Hindi na napigilan ni Fuego ang galit niya, sinugod niya si Hilarion. Gayundin ang ginawa ng ibang gods. Muling naglaho si Hilarion.

At sa isang iglap, isa-isang binawian ng buhay ang mga gods na pumalag kay Hilarion. Tumalsik, kumalat at nadungisan ng dugo ang makintab na sahig ng Seraphim Tower. Hindi nila napantayan ang bilis ni Hilarion. Wala din silang laban sa hawak nitong Fury. Kahit gasgas lamang ang matamo ng isang god mula sa Fury, nakakamatay parin ito. Sigaw at tinig ng nahihirapan ang maririnig sa buong silid. Walang pakundangan na pinapaslang ni Hilarion ang kapwa god niya. Tanging apat na gods na lamang ang natira. Si Glinther, Venice, Myera at Fuego. Out of 12, apat na lamang ang naiwang buhay.

Nakayuko si Hilarion sa gitna ng nagkalat na dugo. Ang magara nitong damit na may mga palamuti ay nabalot din ng dugo. Habang ang Fury na hawak niya ay sariwa at tumutulo and dugo na galing sa mga pinaslang niyang gods.

"Anong gusto mong mangyari, Hilarion?" Seryosong tanong ni Fuego. Nanatiling tahimik ang tatlong goddess na nasa tabi ni Fuego. Iniangat ni Hilarion ang ulo niya at tiningnan isa-isa ang gods na natira.

"Pigilan si Khalil at mga kasama niya ang makapunta dito. Habang pinapakanta ko si Lunaria para sa tagumpay ko. Simula ngayon, kayo ay susunod saakin. Kung hindi, kayang-kaya ko kayong paslangin sa pinakamabilis na paraan." Ngumiti si Hilarion, at pinunasan ang Fury gamit ang parte ng damit niya na hindi pa nadudumihan ng dugo. Pagkatapos ay lumabas na si Hilarion ng silid. Napahagulgol na lamang si Venice. Kanina pa tulala ang goddess hanggang sa tuluyan na nyang maunawaan ang nangyayari. Hindi kinaya ng isipan niya. Ang katarayan niya kanina ay naglaho na parang bula. Pinatahan naman siya ni Glinther.

"Linisin nyo ang kalat." Utos ni Hilarion sa mga Otsurang nakabantay sa labas ng silid. Nangatog naman ang tuhod ng mga Otsura ng makitang duguan ang buong katawan ng god. Saka sila yumuko at pumasok na sa silid.

At that very moment, Hilarion is going to do his next move.

Everything has gone terribly wrong.




End of Chapter 19

🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸

A/N : Sana nasagot ng chapter na ito ang ilan sa mga katanungan nyo. 😁😁

Piercing SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon