Chapter 01

426 17 0
                                    

Nag-unat ako ng aking katawan kasabay ang paghikab. Kakagising ko lang. Yung sikat ng araw ay tumatagos bintana ng aking kwarto. Alas otso na ng umaga. Isinuklay ko ang aking kamay sa aking itim na buhok at tumayo na ako sa aking kama. Pumunta ako sa kusina para maghanda ng almusal. 

Sumalubong sa akin ang aking asong si Kunewho. Lumuhod ako at hinaplos ko ang kanyang ulo sabay bati ng "Good Morning"

Nagtatatalon si Kunewho na parang gusto niyang maglalakad-lakad. Pati ang kanyang buntot ay nag wi-wiggle. Dinidilaan niya ang aking mukha.

"Okay, Okay!" sabi ko habang patayo. "I get the hint. Magbibihis lang ako at dadalhin kita sa dog park para makapaglaro."

Natuwa si Kunewho ng marinig niya ang salitang walk. Pumunta na siya sa may pinto para hintayin ako. Napa nigiti ako sa ka-cute-an ng aso ko. 

10 mins after nakaligo at nakabihis na ako ng Nike na dri-fit shorts at sando at Nike FlyKnit na sapatos at Nike na cup. Kinabit ko ang tali ni Kunewho. Naglakad kami papunta sa dog park sa malapit sa tinitirahan ko.  Isa tong maliit na park na pwede makapag laro ang mag aso. Tinanggal ko ang tali ni Kunewho para pwede siyang magtatakbo.  

Habang nalalaro si Kunewho ako naman ay umupo sa bench to think. Ako si Marc Carlos Francis De Leon, McCoy for short. Hindi katangkaran pero gwapo pa rin. Ako ang panganay sa tatlong magkakapatid. Isang akong 3rd year college student studying civil engineering sa isang sa malaking university dito sa Manila. Kahit hindi katangkaran magaling ako maglaro ng basketball. Varsity player ako. Ako rin ang captain ball ng team. Kaya sikat ako hindi lang sa school pati narin sa buong bansa. 

My school, NorthEastern University ay isa lang sa pagmamay-ari ng pamilya De Leon. Ang lolo ko ang president at nagpapatabok ng eskwelahan. Buong angkan ata namin sa NEU nag aral o nag aaral. Pero kahit na kami ang may-ari ng school wala special treatment na binibigay saamin. Pantay pantay lang. Kaya lagi akong nag aaral at nag pra-practice ng mabuti para walang masabi ang ibang tao.  

Ang rival school ng NEU ay ang SouthWestern University o SWU. Hindi ko nga alam kung kailan nagsimula ang rivalry nato. Siguro nuong panahon pa ng mga kalololohan ko. Laging nagpapagalingan ang dalawang school. Academics man yan o sports. 

Nang pabalik na kami ni Kunewho sa condo. Malapit lang naman ang condo ko sa school. Ang mga magulang ko at kapatid ko sa mansyon sila nakatira. Eh medyo malayo ang bahay amin sa school kaya binilhan ako ng unit.  Dumaan muna kami sa isang coffee shop na pinapatakbo ng school. 

"Goodluck sa game bukas." sabi na isang binatang lalaki na mukhang sa NEU din nag-aaral. "Talunin niyo ang mga mayayabang na SWU Raiders."

Kung kami kasi ang mananalo bukas kami ang mag-uuwi ng trophy at tatanghaling champion sa basketball. Lamang kami ng isang panalo sa best of 3 match up.

"Salamat. Araw-araw kaming nagpra-practice para manalo. Tayo ang mas magaling this whole season. Natalo natin sila ng 2 beses sa 3 times na naka-laban natin sila. Hindi ako papayag at ang buong team na mae-uwi nila ang trophy. Hindi na namin papakawalan ang championship bukas. Mag fo-four peat tayo!" ang sagot ko.

"Mas maganda kung matalo niyo sila bukas para wala ng game three. At tama four peat na pala." sabi na isang matandang lalaki na professor ko noong first year ko.

"Opo. Para mawalan na rin sila ng pag asa. Hinding hindi namin papayagan na mag ka game three pa." pag sang-ayon ko.

"Road to four peat!" sabi ng isa pa.

"Nakipag pustahan ako ng 5k na kayo mananalo. Hindi ako pwede matalo." sambit ng isa. "Kaya galingan mo De Leon."

"Lets go NEU Vikings." sabi pa ng isang estudyante. Sabay taas ng kanyang T-shirt na may logo ng school.

Nginitian at sumang-ayon ako sa mga opinion nila. There is nothing better than basketball bringing a group of people together. Alam ko na nakakaisa kami para sa aming pinakamamahal na eskwelahan.


Author's Note:

Thank you for reading. Please review and comment para ma improve pa yung story. Love lots sa mga McLisseans FanMily! Hopefully makapag update ako this monday. 


Forever and Ever McLisse.

------mclissewriter


Blue & Green (McLisse)Where stories live. Discover now