Chapter 03

215 10 4
                                    

Tensyon ang nadarama sa dug out ng MOA Arena, kinabukasan habang hinihintay namin na tawagin kami. Halos tahimik ang lahat. Umupo ako sa tabi ni Paulo, ang small forward ng team, ang braso nia nasa tuhod niya at naka headphone siya para mag ready sa game. Si Nikko naman nakatayo sa sulok at patalon talon para matanggal ang tension. Ang iba naman ay hinihintay matapos ang tv program na pinapalabas bago mag start ang laro. Naririnig ko na ang mga hiwayan ng mga fans sa labas ng dug-out na hinihintay ang pag sisimila ng laro.

Bago kami pumunta sa MOA arena, nagkaroon muna na misa sa campus. Makikita mo lahat ng dumalo at naka blue para suportahan nag ang team. Pagkatapos ng misa, habang hinihntay ang coaster na magdadalawa sa amin sa venue na pagmasdan ko masigla ang atmosphere sa buong ekwelahan. May viewing party doon para sa mga hindi naka bili ng tickets o para sa may mga pasok. Makikita mo talaga ang suporta ng mg schoolmates ko sa team namin. Nakaka enganyong maglaro at manalo para sa kanila.

Ang excitement din sa loob ng Arena ay madadama mo rin. Ipinatong ko ang aking ulo sa pader sa likod ko at isinara ko ang aking mga mata para makapag- focus. Huminga ako ng malamin para mawala ang kaba na aking nararamdaman. I-nabsorb ko ang mga sigawan sa labas para magkaroon ng energy at matanggal ang kaba.

Tinawag kami ni coach para magdasal at sa huling pep talk. 

"Alam nating kung paano sila maglaro. Pisikalan. Susubukan nila na mamisikal sa loob ng court pero mas mabilis tayo mas matalino. Meron tayong style at verve para manalo." sabi niya.

Tumingin sa akin si coach para i-encourage ang team mates ko. Naniniwala kasi sa akin ang mga team mates ko. Ginagamit ko naman ito para ma- motivate sila. 

"Mas uhaw tayo manalo kesa sa kanila. Mas gusto natin manalo. Tandaan niyo ang feeling ng manalo ng silang championship. Ang sarap di ba? Kaya kung gusto natin ito maramdaman ulit kailangan manalo tayo ngayon. Gamitin natin sa advantage natin yun. Isa pa, gusto natin manalo ng tatlong sunod-sunod, di ba?" sabi ko. Tumingin ako sa pinto ng dug-out.

"Naririnig ninyo yun?" sabay turo sa pinto. Nag nod ang buong team. "Yang mga sumisigaw na yan. Yan yung mga taong naniniwala sa mga kakayahan natin. Naniniwala sila na tayo ang mananalo. Naniniwala sila na kaya nating talunin ang Raiders. Hindi ako papayag na matatalo tayo ngayon at ma disappoint sila. Tayo ang mag- uuwi ng trophy at tatanghaling champion ng season na ito." 

Tinignan ko ang mga team mates ko na tumu- tungo tungo. Kitang  kita sa mga mata nila ang determinasyon na manalo. Hindi na kailangan dagdagan pa ang pag motivate sa kanila. Kita naman na gusto gusto talaga nilang manalo. At naniniwala ako sa kakayahan ng mga ka team mates ko. 

Ipinatawag na kami para lumabas sa court. Ginalaw galaw ko ang aking mga braso para matanggal ang aking kaba. Lumabas na kaming dug-out para maka pag warm-up.

Pinatawag kami ng head referee para kausapin na sana magkaroon ng mailinis na laban.  Lumapit sa akin ang team captain ng Raiders na si Jerome Ponferada, nginisian niya ako. Sarap niyang suntukin. Unti lang ang naman ang nagpapa-init ng ulo ko, isa na siya dun lalo na pag ang ngiti niya ay panay yabang. 

"Ready ka ng matalo ngayon?" sabi niya.

Grabe ang galit sa akin ng taong ito. Ako kasi ang nanalong MVP this season. Akala niya na siya ang mananalo. Pinagyabang pa niya sa social media accounts niya. Pero ng dumating ang awarding ceremony natalo ko siya. Lagi pa natatalo ang team niya sa team namin. 

Bumalik na lang ako sa mga team mates ko at hindi siya pinansin. Pinagpatuloy ko nag pag warm up at shoot around. 

Super intense ng laro 1st quarter pa lang dikitan na ang laban. Kami ang unang nakapuntos sa laban na ito. Ako ang point guard ng team kaya ako nag bibigay ng bola at ng play na gagawin namin. Natapos ang 1st quarter na laman kami ng 2 puntos.

Pagdating ng 2nd quarter maganda ang shooting ni Nikko. Nakakuha sia ng 10 sunod sunod na puntos. At gumanda ang depensa namin sa kanila. Halos lahat ng mag tinitira namin pumapasok. 

Ng nag 3rd quarter, sila nama ang gumanda ang shooting at depensya. Tabla ang laban pagkatapos ng 3rd quarter. Parang nawalan kami ng gana. 

Sa 4th quarter halos nag papalitan lang kami ng puntos. Ng marinig ko ang last 2 min. warning nabuhayan ako. Bumalik ang kagustuhan kong manalo. Lahat ng plays ay sinisigurado kong ma execute ng maayos. 

Ng maubos ang oras lamang kami ng tatlong puntos. Tuwang tuwa ang mga sumusuporta sa amin. Laking pasasalamat ko ata kami ulit ang nanalo.


Author's Note:

Thank you for reading. Please review and comment para ma improve pa yung story. Love lots sa mga McLisseans FanMily!

Medyo hindi ganun kaexciting yung game. Sensya na. Hahahaha.

Si Elisse pala next chapter na papasok. 

Forever and Ever McLisse.

------mclissewriter

Blue & Green (McLisse)Where stories live. Discover now