Chapter 04

276 8 6
                                    

After one week ng pagkapanalo ng Vikings, medyo nag lie low ang mga fans. Nagkayayaan kaming mag mall ng mga kabarkadang kong sina Nikko, Paulo, Tom, Ronnie, Jon, Jimboy, Ryle, Luke, Zeus at Jameson. 

Si Ronnie, Zeus, Paulo at syempre si Nikko ay kasama ko bilang parte ng basketball team ng NEU Vikings. Sila Jon at Tom naman ay matagal na kaming kaibigan ni Nikko. Simula pa lang nung kinder kami magkaka klase na kami sa NEU. Si Luke, Jameson, Jimboy at Ryle mga maging ka klase ko ngayong college.  

"Pare, wala bang pa libre dyan?" tanong ni Jimboy. "Nanalo kayo last week. Baka naman."

"Itong si Jimboy lagi na lang nag papalibre. Hindi na mahiya. Pero oo ng McCoy wala bang pa libre dyan? Kahit sa fast food chain lang," sabi ni Jon.

"Aba, ililibre na nga tayo ni Nikko ng sine, gusto niyo may pakain pa. Iba din kayo eh." sagot ni McCoy.

"Nasaan na ba kasi sila Luke?" tanong ni Nikko. "Sabi nila titignan lang nila yung bagong store ng mga damit. Baka malate pa tayo sa showing ng movie." dagdag pa niya.

"Ewan. Basta pag wala pa sila pasok na tayo sa loob. Nasa kanila naman na yung tickets nila." sagot ni Jimboy.

"Oo nga." sabi ni Jon. "Pero mabalik tayo, ano McCoy manlilibre ka ba? o manlilibre? hahahaha."

"Oo na. Sige na matigil ka lang." sabi ni McCoy.

"Yes!" sabay sabay na pasigaw na sinabi nila Jon, Jimboy, Nikko at Tom.

"Ay! nandito pala si Tom, kasama pala natin siya. Hahahaha" sabi ni Nikko sabay tingin kay Tom "Tahimik kasi. Hindi marunong magsalita." 

"Iba kasi ang may hacienda hindi marunong magtagalog." panunukso ni Jon kay Tom.

"Ano ba kayo? Marunong ako magtagalog no. Tsaka tahimik talaga ako." sagot ni Tom.

"Wala pa ba sila? Ang tagal naman." naiinip na sinabi ni Nikko.

"O! Ayan na sila." tinuro ni Jimboy ang mga parating na kasamahan. " Bakit ang tagal niyo?" tanong dito.

"Bagal kasi manili ni Luke eh!" sagot ni Ryle. "Hindi naman pala bibili."

"Naghahanap ng naman ako na pwedeng mabibili. Hindi ko sinabi na bibili ako. Hay naku." sambit ni Luke.

"Tama na yan. Pumasok na tayo sa sinehan." sabi ni Ronnie "Baka hindi pa natin maabotan yung mga trailers eh."

"Oo nga naman, yung trailers yung binayaran natin dito." sabi ni Jameson.

"Ano paki ulit sino nagbayad?" patanong ni Nikko sabay mahinang batok kay Jameson.

"Sabi ko nga ikaw ang nagbayad. Tara na ano pa hinihintay natin." sagot ni Jameson sabay bulong sa sarili "Ang sakit non ha."

"Tara na nga. Pasok na tayo." sinabi ko sa kanila.

Pagkatapos ng movie, kailangan na daw umuwi nila Luke at Zeus. Hinahanap na siguro sila ng mga girlfriends nila. Nakisabay na rin sina Jameson, Ryle at Paulo. 

"Ano pare san tayo?" tanong ni Jimboy sa akin.

"McDo na lang tayo. Hahahaha." sabi ko sa kanila.

"Ano ba yan McDo? Kuripot" pabulong na sinabi ni Jon.

"McDo o wala? Lilibre na nga kayo ayaw pa?" pabiro kong sabi.

"Oo na McDo na tayo." sabi ni Jimboy habang nauna ng naglakad papunta sa McDo.

"Hanap na kayo ng mauupuan. Ako na o-order sa inyo. Burger McDo meal ok na sa inyo yun di ba?" sabi ko sa kanila pagkadating namin sa McDo.

Medyo crowded yung lugar pero pumila ako sa likod ng isang babae. Medyo mas maliit siya sa akin. Habang naghihintay sa pila may parang tumulak sa akin. Natamaan ko tuloy yung babae.

"Dahan-dahan naman dyan." mahina kong sinabi sa likod ko. Hinarap ko yung babae para mag sorry. "Miss, sorry ha. Nabangga kasi ako. Pasensya na."

Napalingon siya sa akin. Grabe ang ganda as in. Parang may angel na bumaba sa langit. Nginitian ko siya. Tinignan niya ako pero humarap ulit siya sa harapan para umorder. Pagkatapos niyang sabihin ang order niya. Nginitian ko siya at inunahang magbayad sa cashier.

"Ako na magbabayad yang pagkain mo. Bilang sorry sa pagbangga ko sayo."

Ni-roll niya ang eyes niya sakin. Grabe ang ganda talaga niya.

"No need. Hindi ako nagpapalibre sa hindi ko kakilala kahit pa bilang sorry." sagot niya na pataray. 

"Marc Carlos Francis de Leon. McCoy for short." sabi ko sa kaniya. "Ayan alam mo na pangalan ko. Kilala mo na ako. Ako na magbabayad niyan." dadag ko pa sabay bigay ng pera sa cashier. "Ayan wala ka ng magagawa tinanggap na ni ms. cashier yung pera." 

"Ok fine. Salamat." sabi niya habang kinukuha yung kanyang order at papunta sa table niya.

"Miss, ako na magbubuhat niya." sambit ko habang sinundan siya.

"Hindi. Ok na dito lang naman ako." sabay baba ng kanyang inorder at umupo na siya. "Hindi ka na bibili? Wala ka na sa pila oh."

"Ay, oo nga. hihihi. Baka pwede ko makuha number mo?" nahihiya ko pang tinanong.

"I don't thinks thats a good idea." aka niya.

"Bakit naman? Pasensya na medyo straight forward ata" sabi ko. "Sige baka pwede matanong ano pangalan mo?" dagdag kong tinanong

"Pangalan ko ang problema" sabi niya.

"Bakit naman? Sa ganda mong yang bagay lahat ng pangalan sayo" tukso ko sa kanya.

Gusto ko talaga malaman pangalan niya.

Tinignan niya ako sa mata. Pinagmamasdan niya siguro kung seryoso ako.

Inopen niya ang kanyang labi.

"My name is Maria Chriselle Elisse Joson."

Joson?! Oh Shit!

_______________________________________________________________________________

Author's Note:

Thank you for reading. Please review and comment para ma improve pa yung story. Love lots sa mga McLisseans FanMily!

Pasensya na po sobrang tagal ko mag update.

Forever and Ever McLisse.

------mclissewriter

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 27, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Blue & Green (McLisse)Where stories live. Discover now