Chapter 02

210 10 0
                                    

Sakay ng aking sasakyan na isang Toyota smoky blue FJ Cruiser. Oh di ba pati sasakyan ko blue pa din. Huminto ako sa parking lot ng school gym. Pinatawag kami ng team manager namin kaya ako nandito. May isang yellow Nissa Juke na malakas magpatug-tug. Rinig na rinig ang kanta ng BaiLona na Oh Pag-Ibig. Tinanggal ko ang  aking suot na sunglasses iligay sa taas ng aking ulo. Kinuha ko rin ang bag ko sa likod ng aking sasakyan.

Bumaba ng sasakyan ang may ari ng Juke at lumapit sa akin. Kinuha niya ang sunglasses sa ulo ko at isinuot. May katangkaran siya na ka-unti sa akin at medyo mahaba ang kanyang buhok kaya ito ay nakatali.

"McCoy, salamat sa pagpapahiram sa akin ng shades mo. Naiwan ko kasi yung akin sa Hong Kong n'ont bakasyon. Wala pa akong oras para maka-bili ng bago." sabi ni Nikko.

Nginitian ko siya at napa iling na lang.

"Isa ka sa pinaka mayamang tao sa Pilipinas. Hindi mo kailangang mang dekwat ng mga gamit ko." sanabihan ko siya habang papunta kami sa locker room.

"Pero iba kasi ang taste mo sa fashion. Tignan mo yang suot mong pink na polo shirt." sagot ni Nikko sa akin sabay taas ng shades ko at kinindatan pa ako ang loko.

Binatukan ko siya at na pa iling ulit ako. Wala na kasi akong malinis na shirt kaya sinuot ko ang polo na binigay nila na pang prank sa akin. Pero ang dami na kaya na dekwat sa kin yang si Nikko. Shirt, shades at kahit pabango o deodorant kinukuha niya. Masyado siyang tamad para mamili ng gamit niya. Mas gusto pa niyang mag laro ng video game kaysa sa mamili.

"Pasensya na pala pare ha. Hindi ko na sagot yung text mo kagabi. Lam mo na may kasama ako kagabi." sabi niya sabay siko sa akin. "Iba talaga pag sikat ka maraming magagandang mga babae ang lumalapit sayo.  Sa susunod isasama kita."

"Ayoko nga magkasakit pa ako. Tsaka mabait ako no" sabi ko.

Tumaas ang kilay ni Nikko. "Ikaw mabait? Kailan pa?"

Magkakilala na kami ni Nikko simula bata pa kami. Magkaibigan ang mga magulang namin. Nagkasundo kami kaag kasi parehas kami mahilig maglaro ng basketball. Yan ang bonding naming magkaibigan. Sabay kami natuto at nagtraining. Pareho pa kami nakuha para maglaro sa varsity ng team.

"Hoy, kayong dalawang magjowa. Bilisan nio. Hindi ko pinapunta dito para mag harutan lang." sabi ni coach Lordy.

Nagtawanan ang buong team. Tuwang tuwa sila sa bromance namin ni Nikko. Lagi kasi kaming magkasama at nag uusap. Barahan din paminsan minsan. Best friend kasi namin ang isa't isa.

Binati namin yung iba pa naming mga team mates. Nakipag kwentuhan ng kaunti sa kanila. Umubo si coach Lordy para makuha ang atensyon namin. Natauyan kami at lumabas ng locker room para mag practice sa gym.

Pagkatapos ng ilang oras na drills at pag aaral ng plays. Lahat kami ay pagod na pagod na.  

"Mag si-tayo na nga kayo dyan. Bukas na ang laban. Alam kong ayaw niyo magpatalo sa mga Raiders bukas. Gusto ko mag focus kayo. Walang magpupuyat, walang magpa-party at walang mga girls..." nakatingin siya kay Nikko pag-kasabi niya nito. "At huwag makipag arutan sa mga players at fans ng Raider sa social media. Focus tayo. Focus!"

Sumang ayon naman kami kay coach. Dati siyang PBA player si coach Lordy. Dalawang beses siya nanalo ng championship habang naglalaro pa sa sa PBA. Magaling saying player ngunit laging na-iinjure. Dahil sa injury niya na pag isipan na lang niya na mag retire after 12 years na player. Ilang taon din siyang nag pahinga sa basketball. At 3 years ago kinuha siya ng school para mag coach ng team.

Sabay kami, ako si Nikko at si coach pumasok ang team 3 years ago. Maraming nagdududa sa kanya dati. Na kung kaya ba niya na ibalik ang glory days ng school namin pag dating sa basketball. Two out of two kami sa championship simula ng pumasok kami sa team. 

Siya ngayon ang pinakasikat na collegiate basketball coach. Kwela naman din yan si coach. Nakikipag biru-an sami yan. Marami na din siyang values na naturo sa amin na kahit sa labas ng basketball ay pwede namin magamit.

"We are a better team than them. Tayo ang mag cha-champion bukas. Tayo ang mag uuwi ng trophy. Mag three- three- peat tayo. Three straight win guys. Para sa mga gragraduate ngayong taon. Tayo ang manalo bukas." sabi ni coach para ma- motivate kami para bukas.

Lahat kami nag cheer sa sinabi ni coach. Lahat kami ay na motivate para manalo. Lahat kami nag agree sa mga sinabi niya. 

Hinding hindi ako papayag na matalo bukas. Hinding hindi ako papayag na matalo ng Raiders.


Author's Note:

Thank you for reading. Please review and comment para ma improve pa yung story. Love lots sa mga McLisseans FanMily! 

Forever and Ever McLisse.

------mclissewriter

Blue & Green (McLisse)Where stories live. Discover now