Felix lei Cortez, 1st yr palang may crush na sya sa isang girl na si Bianca na nasa kabilang classroom lang nila. Nagdaan ang ilang taon at nagging 3rd yr na sya. Pero hanggang tinggin parin si felix sa kanya. Alam kasi nya na hindi sya ang tipo ni Bianca.
Si Bianca kasi medyo sikat sa campus nila, maganda kasi kaya maraming tagahangga at kaibigan. Si felix naman matangkad pero na sobrahan ata sa payat sikat lang sa mga quiz bee at iba pang mga contest na may kinalaman sa talino, kaya nga sya ang # 2 sa section A. alam naman lahat ng classmate nya na crush nya ito si Bianca pero palaging payo nila dito ay humanap nalang ng iba.
Hindi naman sa panget si felix, kundi magkaiba sila ng IQ level, section A si felix last section si Bianca at dalawang ulit sya sa 1st yr, at ang matindi sa lahat playgirl sya at masama ang ugali. Kaya mas mabuti na daw na sa iba nalang si felix.
“psst… felix si Bianca o may bago nanamang boyfriend”
“asan!! Hahaha nakakatawa”
Tiningnan lang ng masama ni felix ang kaibigan/classmate na si van na tawa ng tawa. Best friend nya ito at kauna unahang nag sabi na wag na si Bianca.
“van, punta tayo ng canteen nagugutom ako”
“sige ba! Basta libre mo”
Sa canteen nakita nila felix si Bianca na nagaaral ata kasama ang mga kaklase.
“felix felix.. lapitan mo! Tulung mo, pagkakataon mo na para mag pa pogi points”
Dati lang ang sabi humanap na lang ako ng iba ngayun binubuyo ako para mag pa pogi points, mas mahirap pa I spell sa fuchsia ang ugali nito. Tss*
Hinila ni van si felix at tinulak sa nagkakagulong classmate ni Bianca, sabay tulak dit. Sa lakas ng pag tulak ni van sa payat na si felix.
Namud mud sa table nila Bianca si felix.
“aray ano ba”
“mag ingat ka nga”
sabi ng mga kaklase ni Bianca sa natulalang si felix.
“excuse me, matutulala ka na lang ba jan, hello may ginagawa pa kami dito”
Sabi ni Bianca na nakataas na ang kilay kay felix.
Agad agad naming tumayo si felix at lumingo kay van na tawa ng tawa. Inanggat lang nya ang kamao niya para sabihin kay van na
Lagot ka sakin mamaya
“ah.. so.sorry, amm. Gusto nyo tulungan ko nalang kayo”
At dahil nan doon na sya sa position na yun grab the chance na si felix, nanahimik naman ang groupo nila Bianca sa sinabi nya. Pero si Bianca naka taas parin ang kilay. Pero parang hindi kombisido ang groupo nila kaya nag isip agad si felix kung pano nya mapapayag sila Bianca.
At napansin ni felix na hindi pala sila gumagawa ng assignment, kumokopya pala sila ng assignment, sa isa sa mga kaklase nila. at napansin na kumokopya na nga sila, mali pa!
“sorry… may answer nakami”
Kinuha agad ni felix yung papel na kinokopyahan nila at tinuro ang mga maling sagot nito.
BINABASA MO ANG
Alam mo crush kita.. =^_^=
Teen Fictiona compilation of shorts story, about crushes......... lahat naman siguro tayo may crush, so its just about different moments of different people to their crushes... ^____^