CONTRACT THREE: Saan ako pupunta?
“Good morning, Jai.” Argh. Ano’ng ginagawa nito dito? Ang aga aga nambubuwisit.
“Walang good sa morning, nakita kita eh.” Inis na sabi ko. “Tsaka ano bang ginagawa mo dito? Ang aga aga eh.”
“Sinusundo ka, sabi ni Lolo sabay na daw tayo pumasok, para daw matour mo pa ako sa school.”
“Ayoko kitang kasabay.” Iniwanan ko na siya sa salas namin, tapos dumiretsyo na si sasakyan namin.
“Jai! Galit ka pa sa akin? Kahapon pa yun ah?”
“Eh ano naman kung kahapon pa yun? It doesn’t matter. Basta galit ako sa iyo.” Gusto niyo malaman kung bakit?
*FLASHBACK*
“NO WAY!!!” Ano’ng pinag sasabi nito? Makipagbreak ako sa boyfriend ko? Ayoko 'no! Mahal na mahal ko kaya yun!
“Jai, it’s for the better. You must do it. Or you will ruin him.”
“I won’t ruin him. I can’t just let him go. Mahal ko siya.”
“Yang pagmamahal mo ang sisira sa kanya. Jai, you need to do it. Alam mo naman yung kontrata hindi ba? Pwedeng makick out ang boyfriend mo, kung ipagpapatuloy mo pa yung relasyon niyo.”Gagawa ako ng paraan. Hindi pwede 'to! Kay Arryl ko nakikita ang future ko!
“It’s still no, Seb. I will do anything just to make sure, na hindi siya maapektuhan ng kontrata na 'to.”
“You’re being selfish, Jai!” nag walkout na ako. Ayoko ng marinig ang pag pilit niya sa akin na hiwalayan ang boyfriend ko.
*END OF FLASHBACK*
Selfish ba talaga ako? Ano’ng magagawa ko sa mahal ko talaga si Arryl eh.
“Hindi ako mag sosorry, you know I’m right, Jai. It’s for the better. Intindihin mo naman.”
“Ayoko’ng intindihin, Seb. Hindi mo ba maintindihan yun? Ayoko talaga!” Iniwan ko na siya sa bahay. Sumakay na ako, hindi naman siya sumakay. Kaya umalis na kami. Bakit ba hindi niya ako maintindihan? Mahirap bang intindihin na ayoko? After 30 minutes nakarating na din sa school. Bakit parang may mangyayari na hindi ko magugustuhan?
“Good morning, Jaimee!” Sino siya? Sino pa ba? Edi ang aking pinakamamahal na si Arryl!
“Morning! Ang aga mo ata ngayon?” 9am pa kasi ang pasok niya 6:30 am palang kaya.
“Inaabangan ka, hindi tayo masyadong nakapag usap nung birthday mo dahil nakabantay sa iyo parents mo, pati na lolo mo. Namiss kita.” Bigla ako’ng nalungkot, dahil nga sa hindi kami legal sa parents ko, nahihirapan kami pag nasapaligid lang sila.
“I’m sorry, babe. Alam mo naman na hindi pa ako pwede mag boyfriend hindi ba? I miss you, too.” Tapos nag weak smile ako. Kailangan ko bang sabihin sakanya yung sitwasyon ko ngayon? Maiintindihan naman niya ako hindi ba?
“Okay lang yun, babe. Naiintindihan naman kita eh. Alam ko namang may tamang time para malaman nila.” Sana dumating pa yung right time na iyon. “Sige na, babe. Hatid na kita sa room niyo. Baka malate ka pa. Magkita na lang tayo mamayang lunch.” Tapos nag smile siya. Shocks na lulusaw na naman ako. Bakit kasi ang gwapo mo? Bakit kasi mahal kita? Sana kaya ko’ng mag labas ng 100 billion para hindi matuloy kasal namin ni Seb. Hinatid na niya ako sa room. Tumingin ako sa loob, konti pa lang yung mga kaklase ko. Wala pa din si Seb. Kailangan ko’ng sabihin kay Arryl ang sitwasyon ko. Okay, nakapagdisisyon na ako. Sasabihin ko kay Arryl no matter what.
“Babe, may sasabihin ako sa iyo mamaya.”
“Masyado ka namang seryoso. Wag kang makikipagbreak sa akin huh? Baka hindi ko kayanin.” Naku, kaya ko bang sabihin?
“Hindi. Promise. Sige pasok na ako ah? Kita na lang tayo later.” Then he kissed me on my cheek.
“I love you, Jaimee.” Bulong niya.
“I love you, too.” Bulong ko din. Konti lang kasi ang nakakaalam ng relasyon namin sa school. Kailangan din mag ingat. Nag bye bye na ako sa kanya tapos pumasok na sa room. Paano ko kaya sasabihin sa kanya mamaya?
“Good morning, class.” Bakit kaya na late si Sir? 7:10 na ah? Hmm. Irereport ko 'to. Hahaha. Joke ang bad ko naman kung ganun. “Ahm, you’re going to have a new classmate. He is the grandson of the co-founder of this university Mr. Filipe Monreal. Please come in Mr. Sebastian James Monreal.” Kaya naman pala late si Sir. Inasikaso ang bagong student. Tsk. “Sir, please introduce yourself.” Pagkapasok ni Seb nagbulungan yung mga babae ko’ng kaklase.
‘Ang gwapo niya sana 'no? Nerd lang. Ang hot niya pa naman mag damit.’
“Sir, please drop down the ‘sir’. I’m only a normal student here. Don’t treat me like a royal, please?” awkward na ngumiti yung prof namin tapos nag nod. Ngumiti lang si Seb. “As Sir’s earlier said, I’m Sebastian James Monreal, you can call me SJ for short. I think I’m older in some of you, I’m already 18. And I’m Jaimee’s...”
“Childhood friend!” sigaw ko. Naku, ano bang balak nito? Ipagkalandakan sa buong campus na fiancée ko siya? Baliw talaga 'to.
“Right. We’re CHILDHOOD FRIEND.” Nanlalaki yung mata niya nung tumingin siya sa akin. At talagang inemphasize niya pa yung ‘childhood friend’ ah!
“Jaimee, siya ba yung kinukwento mo dati sa akin na gwapo mo’ng childhood friend?” bulong sa akin ni Monique, bestfriend ko nga pala siya.
“Isang malaking OO!” sagot ko sa kanya.
“Eh bakit naging nerd?” nakataas na kilay na tanong niya.
“Aba, ano’ng malay ko? 7 years kaming hindi nagkita niyan.”
“Mr. Monreal, you can seat besides Ms. Jaimee.” What the!? Talagang sa tabi ko pa huh? Nagsmirk si Seb, ang hilig talaga niyang mag smirk, akala mo namang bagay sa kanya. Feeling neto.
“Hi, my CHILDHOOD FRIEND.” Buwisit talaga 'to. Hindi ko siya pinansin, siguro naman mahahalata niya na ayaw ko siyang kausap 'no? “Ano ba Jai? Galit ka pa din ba?” no answer. “Fine, hindi na kita pipilitin. Pero sana hindi ka magsisi.” Nagstart na mag discuss si Sir, hindi naman ako nakikinig. Nakakatamad naman kasi. Si Seb, hindi na nag salita.
“Babe, engaged na ako.” Ang pangit naman ng simula ko.
“What!? You’re kidding me right?” pilit siyang tumawa.
“No. I’m serious. And it cost 100 billion, para icancel 'tong engagement na ito. Babe, naiintindihan mo naman ako hindi ba? Gagawa ako ng paraan para hindi ito matuloy. Hintayin mo ako babe ah?”
“Hintayin? Gaano mo naman katagal ako pag hihintayin Jaimee? Hindi lahat ng pag-ibig nakakapaghintay.”
“Wag ka namang ganyan Arryl. I will do anything, please wait for me.”
“I can’t promise anything, Jaimee.” Tapos umalis na siya. Grabe ang sakit. Bakit ako tinalikuran ng taong mahal ko? Akala ko ba mahal niya ako? Asan na yung sinasabi niyang maghihintay siya para sa right time? Asan na?
“Bakit Arryl? Akala ko ba mahal mo ako? Bakit mo ako iiwan ngayon?” hindi ko na napigilan umiyak na ako.
“Jai!” Seb? Ano’ng ginagawa nito dito? “Jai gising!” gising? “Jai!!!” tapos inalog alog na niya ako. Panaginip lang ba lahat yun? “Jai!!!!!!!!!!!!!!!!!” unti-unti ko ng dinilat ang mata ko. Bumungad sa akin si Seb, nanakahawak pa sa balikat ko. Si Monique naman tumapat sa mukha ko.
“Jai, tinulugan mo lang si Sir Catacutan. Grabe ka.”
“Nakatulog ako? Hindi nga?” binitiwan na ako ni Seb.
“Ang himbing nga ng tulog mo eh. Nagulat na lang kami umiiyak ka na.”
“Ibig sabihin panaginip lang yun?” nagtatakang tumingin sa akin si Seb.
“Ang alin?”
“Iniwan daw ako ni Arryl.”
“Jai, it’s a sign. By the way, I’ll wait you on the main gate after class; we’re going to Monreal’s farm for our da...”
“Fine! I know! Wag mo ng ituloy. At hindi ako naniniwala sa sign kaya tigilan mo ako, Seb.” Tumango tango lang siya tapos lumabas na.
“Wala daw si Ms. Miguel mamaya, wala na tayo’ng klase. Jai, may tinatago ba kayo ni SJ?” ang bilis makaramdam nitong babaeng 'to. “Ops! Wag kang magsisinungaling!”
“Fine.” Kaya ikinuwento ko na sa kanya lahat lahat. Pati yung napanaginipan ko. “Kaya ayun, ang purpose ng pag punta namin sa farm nila.”
“So it’s a date. Ano na nga ba ang mangyayari sa inyo ni Arryl? Sasabihin mo ba?” Bigla ko na namang naalala yung napanaginipan ko. Paano kung ganun ang mangyari?
“I’ll try. Kailangan niyang malaman.” Tapos lumabas na kami sa room. Lunch na kaya diretsyo na kami sa canteen. Tinext ko si Arryl, dahil wala pa siya sa pwesto namin. Pero hindi siya nag rereply. Nakita ko yung kakambal niya si Lynette.
“Ate Lynette!” tumingin siya sa akin. “Si Arryl po?” nagulat siya.
“You didn’t know?” bigla ako’ng kinabahan.
“Know what?” bigla siyang tumawa. Pati si Moniquee nakitawa na din. “Hey! What’s wrong?”
“You should have seen you face, Jai. Namutla ka.” Natatawa pa ding sabi ni ate Lynette.
“I hate you! Niloko mo ako! Nakakainis.”
“You really love my twin that much huh?”
“You scared her, ate Lynette. Bad girl.” Natatawang sabi ni Monique.
“I hate both of you.” I pouted.
“Tantrums? Susunod niyan mag wowalkout na oh?”
“Tse! Ate Lynette, asaan na ba si Arryl? Late na siya ah?”
“Bigla daw silang nagkaroon ng make-up class eh. I was looking for you nga here, buti nakita mo ako. I don’t need to look for you na. Ay, pinapasabi din niya na magkita na lang daw kayo mamayang uwian sa second gate.” Naku, lagot. Hihintayin din ako ni Seb mamaya sa main gate. Saan ako pupunta? “Anyway, Jaimee. I have to go na. Ay, meron pa pala siyang pinapasabi. Empty na daw yung phone niya kaya hindi ka na niya maitetext maghihintay na lang daw siya sa second gate. Bye~!” Redundant ang sinabi ni ate Lynette. Hahaha.
“Oh, baka may nakalimutan ka pa?”
“Wala na. Bye girls ingat kayo~! Love yah~!” Kulit. Natawa na lang kami ni Moniquee.
“Hoy, girl! Sa main gate si papa Seb mo at yung isa mo pang labidab sa second gate. Saan ka pupunta?”
“Saan nga ba ako pupunta?”
BINABASA MO ANG
Marriage Contract
Teen FictionSabi nila ang love daw dapat ipinaglalaban. Hindi mo hahayaang makuha ng kung sino man. Hindi mapapantayan ng kahit anong bagay. Walang katumbas na halaga ang pag-ibig ng isang tao. Dapat handa ka lang ipaglaban ito. Ipaglaban sa kahit sino mang gus...