CONTRACT FOUR: Ano’ng date?
“J, may 2 hours ka pa para makapag isip kung saan ka pupunta mamaya.” Isang oras na nga kaming naiisip dito pero wala pa din. Ang hirap naman.
“Naku, M. Sa third gate na lang ako pupunta. Nakakaimbyerna ah. Nag sabay pa silang dalawa.” Nagtataka ba kayo kung bakit J at M na ang tawagan namin? Tawagan na naming yan since highschool. Yung first letter lang ng pangalan naming ang ginamit naming endearment. Meron pa kaming dalawa pang kasama. Si A at L.
“Wala ka’ng pupuntahan? Panu na yung mahal mo? Paghihintayin mo dun sa second gate? Kawawa naman.”
“So sa second na ako pupunta, kasi 'di ba kawawa nga naman si Arryl kung hindi ko pupuntahan.”
“Paano naman si Hot Papa SJ?” Ano daw? Hot ano? “Paghihintayin mo siya dun sa main gate? Kawawa naman.”
“Alam mo, M. Ang gulo mo. Hindi ko maintindihan ang takbo ng utak mo.”
“Wala naman ako’ng sinabing intindihin mo ako. Ako ay nag susuwestiyon lamang sa maari mo’ng maging desisyon.” Kinapa niya ng kamay niya yung ilong niya. “Teka, hindi pa ba ako nag nonosebleed? Ang lalim ng tagalog ko.”
“Naku, ewan ko talaga sa iyo.” Tinignan ko ulit yung wrist watch ko, ilang beses ko na nga ba itong tinitignan? May bigla ako’ng naalala. “M, hanggang what time nasa baking building si L?” wala pa pala ako’ng regalo kay Seb. Kailangan ko’ng bumawi.
“Hmm. Monday ngayon hindi ba? Hanggang 4:30 siya dun. Bakit?”
“Kailangan ko’ng magbake ng strawberry cake. As in now na!” strawberry kasi ang favourite ni Seb.
“Atat naman, may iniisip ka pa 'di ba?”
“Pwede naman ako’ng mag-isip habang nag bebake.” Nag nod na lang siya tapos tinawagan si L. After niyang tumawag diretsyo kaagad kami sa Baking Building. May private baking room kami doon. Kasi mahilig si L na ipagbake kami ng pastries or something basta ibebake. Kaya nagrequest ako ng sarili naming baking room. Kahit 16 pa lang si L nagawa na niyang magtayo ng sariling business dito sa JCFM. May sarili siyang bakeshop na pinatatakbo dito. Sosyal 'no?
“J, mali ulit yung sukat mo ng salt, ang gara ng lasa nito ang alat.” Sermon ni L. Ilang ulit na kasi ako’ng nagkakamali sa sukat ng mga ingredients kaya palpak lagi ang lasa. “Jaimee naman, sayang yung mga ingredients ko. Ayusin mo naman, tsaka bakit ayaw mo ba na ako na lang ang mag bake niyan para hindi ka na mahirapan.”
“Michelle Ann, mas special pag ako nag bake 'no! Tsaka magagawa ko din yan ng tama.” Nagtataka ba kayo kung bakit L siya tapos M nag sisimula ang pangalan? Hindi? Oh sige sasabihin ko pa din. Since kasi M na si Monique at Elle naman ang nickname niya naisip ko na simple L na lang ang itawag. Wag humanga alam ko’ng magaling ako. Ang feeling. Hahaha.
“Para kanino ba kasi yan? Sa labidab mo na si Arryl? Himala! Dati bumibili ka lang sa bakeshop ngayon ikaw na gagawa.” Oo na, hindi na ako masyadong sweet kay Arryl wag mo ng ipag dukdukan sa mukha ko.
“Hindi naman 'to para kay Arryl.” Nagulat siya tapos yung kamay niya tinakip niya sa bibig niya.
“Omy~! May iba ka na? Paano mo na gawa iyan kay Arryl? Bakit ka ganyan J! Ang sama mo!” Ay, over ka te.
“Ang OA ah! Sa friend ko lang 'to birthday niya kasi nung Friday kaya lang wala ako’ng gift sa kanya.”
“Friday? Birthday mo yun hindi ba? Wala ka bang regalo sa sarili mo at kailangan mo pang regaluhan.” Ay, ang babae na ito talaga.
“Naku naman L. Ako lang ba may karapatang mag birthday nung Friday? Hindi ba pwede ang ibang tao?”
“Pwede naman, pati ngayon ko lang kasi nalaman na may kabirthday ka pala.”
“Eto na yung strawberries mo. Grabe kung saan saan ko yan hinanap sa fridge nitong room na 'to.”
“Kaya pala ang tagal mo. J, ako na lang gagawa tapos ikaw na lang ang mag design. Para matapos na tayo.” Nag nod na lang ako. Mukhang inis na din kasi si L ayaw niya pa naman na nasasayang yung ingredients niya.
“Yan tapos na.” After 10 years na tapos ko na ang pag dedesign. Actually simple lang naman siya eh. CLICK HERE
“J, 4:00 na. Nasa gate na yung mga yun. Saan ka ba pupunta?” Ay oo nga pala, nawala sa isip ko yun. Isip... isip... isip... Brain blast!
“Ganito na lang, M. Puntahan mo si Seb sa main gate tapos sabihin mo susunod na lang ako sa farm nila mamaya, mag papasundo na lang ako kay Manong Daniel. Para mapuntahan ko si Arryl sa second gate.”
“Teka, sino si Seb?” Err. Hindi ko pa pala nakukwento kay L.
“M, ikaw na bahala mag kwento kay L ha? I need to go na~!” kinahon ko na yung cake na ginawa ko, este naming ni L. Tapos half running ako’ng nag punta sa second gate. After 10 minutes nakarating din ako sa dapat ko’ng puntahan. Nakita ko si Arryl nakasandal sa may gilid ng gate tapos nakayuko, parang ang lalim ng iniisip. “Hoy!” untag ko sa kanya.
“Wag ka namang manggugulat.”
“Ang lalim naman kasi ng iniisip mo eh. May problema ba?”
“Wala naman.” Napatingin siya sa hawak ko’ng box. “Para sa akin?” Naku lagot.
“Ah, eh... Hindi eh.” Napataas yung kilay niya.
“Eh, para kanino yan?”
“Sa friend ko. Birthday niya kasi kaya bumili ako dun sa bakeshop ni L.” Liar! Tumango tango na lang siya.
“Tara, miryenda tayo. Treat ko. Saan mo gusto?” nag smile ako kasi nag smile din siya eh.
“Sa Less Fortune Cafe.” Nag lakad na lang kami tutal malapit lang naman yun sa JCFM. Ang cute ng cafe na yun, mga orphan student and nagdesign ng lugar. Tapos yung profit nun sa araw araw na kita sa orphanage na pupunta. Kaya gusting gusto ko dun. Nagkwentuhan lang kami ni Arryl kung what nangyari sa buong maghapon niya, sa buong mag hapon ko. At kung anu-ano pang topic under the sun. Ganyan lang kami palagi, kontento na kami na magkasama at nakakapag-usap ng matagal.
“Jaimee, 6:30 na pala, hindi ka pa ba uuwi?” Shocks! Two hours na kaming nag uusap? Ang tagal na pala. At gabi na, pupunta pa ako sa farm nila Seb. Tinext ko kaagad si Manong Daniel na sunduin ako sa maingate. Hinatid na ako ni Arryl sa maingate tapos iniwan niya ako kaagad dahil may tumawag sa kanyang kaklase important lang daw. Naintindihan ko naman pati kaya ko naman mag-isa.
“So, siya pala si Arryl, eh sus. Mas gwapo pa ako dun eh!” Anak ka ng nanay mo!
“Ano ka ba Seb!? Wag ka ngang mang gugulat!” Teka, si Seb nga ba 'to? “Seb?” nag nod lang siya. “Ano’ng ginagawa mo dito? 'Di ba pinasabi ko kay M mauna ka na sa farm niyo?”
“Oo nga, pero'di ba sabi ko hihintayin kita dito? Kaya eto hinintay kita.” Ibig sabihin... “Ang tagal mo nga eh, two hours kitang hinintay dito, tapos kasama mo lang pala yung boyfriend mo na soon-to-be-ex-boyfriend mo.”
“Sino ba kasi nag sabing hintayin mo ako dito? Di ba nga sabi ko mauna ka na. Susunod na lang ako. Tsaka ano’ng soon-to-be-ex-boyfriend ka dyan! Hindi mang yayari yun no!”
“Di ba nga rin sabi ko hihintayin kita dito. Tsaka ano’ng gagawin ko sa farm kung wala ka naman dun? Makikipagdate sa sarili ko? You’ll never know Jai malay mo bukas lang break na kayo.”
“Magandang idea yan ah? Bakit nga ba hindi mo subukan makipagdate sa sarili mo? Seb, akala ko ba titigil ka na? Hindi nga mangyayari yun okay?”
“Ewan ko sa iyo, Jai. Tara na. At nang matuloy na ang date natin. Two hours mo ako’ng pinaghintay, ang sakit na ng paa ko kakatayo dito.”
“So, kasalanan ko pa? Pwede ka namang pumasok sa kotse mo habang hinihintay mo ako 'di ba?”
“Hindi ko na naisip yun eh, ikaw lang kasi iniisip ko buong mag hapon.” Ay, ano yan banat? “Uy, namula siya, wag mo’ng masyadong dibdibin yun, walang meaning yun.” Wala naman ako’ng iniisip na ganun ah? Pati nagbablush nga ako? “Tama na nga yang pag bablush mo.” Inakbayan niya ako. Chansing ah! “Tara na sa date natin wifey!”
“Ano’ng date?”
BINABASA MO ANG
Marriage Contract
Teen FictionSabi nila ang love daw dapat ipinaglalaban. Hindi mo hahayaang makuha ng kung sino man. Hindi mapapantayan ng kahit anong bagay. Walang katumbas na halaga ang pag-ibig ng isang tao. Dapat handa ka lang ipaglaban ito. Ipaglaban sa kahit sino mang gus...