C1

13.4K 210 5
                                    

Contract One: Is that a threat?

 Ah! Umiikot yung paningin ko. Sabi ko na ayoko’ng magpupuyat eh. Kaya lang birthday ko kahapon, hindi ko maiwanan ang mga bisita ko. Buti na lang walang pasok ngayon.

Nakalimutan ko’ng magpakilala. Ako nga pala si Jaimee Cruz, 17 years old. I’m studying at JCFM University taking up BS Tourism Management. I’m only child, kaya medyo spoiled ako, hindi lang ng parents ko pati na din ng Lolo ko. I think short intro will do?

*knock knock*

“Jaimee, its Mom. Pwede ba ako’ng pumasok?”ang aga naman ni Mommy, bakit kaya?

“Yes, Mom!” and she entered my room.

“Good morning, honey. Did you sleep well?” I nod. “Great, you better pack yourself now.”

“Bakit po?”

“Akala ko nasabi na ni Papa kagabi sa iyo?” teka, ano nga ba yung napag usapan namin ni Lolo kagabi? Nahagip ng tingin ko yung papel na nasa night stand sa gilid ng kama ko, at dahil doon na alala ko na kung ano yung pinag usapan namin ni Lolo.

“Naalala ko na po. Ngayon po pala yun. Ibig po’ng sabihin nakauwi na po dito sila Lolo Filipe?”

“Oo, humabol nga sa party mo kagabi si Uncle Filipe. Pero dahil tulog ka na hindi ka na niya naaubatan.” May kinuha si Mommy sa bag niya. Isang envelop. “And he gave me this. Invitation sa hotel nila para mamaya. Doon na lang din daw niya ibibigay yung regalo mo. Sige na mag ayos ka na.”

“Mom, ayoko pa po mag pakasal.”

“Hindi ka pa naman mag papakasal ngayon, pag dating mo pa ng 18.”

“Parehas lang din po yun, pano kung hindi ko po magustuhan si Seb?” nag labas ng picture si Mommy. Hmm, sino kaya 'to? Ang gwapo as in. Don’t tell me siya na si Seb?CLICK HERE

“Yan si Sebastian James. Kuha yan bago siya grumaduate. Sabi ko naman sa iyo magugustuhan mo siya eh. Teka, teka tumutulo na  laway mo.”

“Mom, you’re gross.” Tumawa lang si Mommy. Ang gwapo niya talaga. I like him na. Hahah.

“Dalian mo na. Nag hihintay na si Papa sa baba. Family gathering ang pupuntahan natin ngayon. Simula na kasi ng kontrata.” I can feel, magbabago na ng tuluyan ang buhay ko. Naligo na ako, nag toothbrush, at nagbihis. Cocktail dress daw ang isuot ko, kaya yung niregalo ni Lolo yung isinuot ko. Huminga muna ako ng malalim, bago lumabas ng kwarto. Pagbaba ko ng hagdan, handang handa na silang lahat. Si Daddy at Lolo naka black suit pa, si Mommy naman nakared na dress. Para silang pupunta sa kasal. Lol

“You’re very pretty, hija.” Si Lolo Filipe yun, nandito na kami ngayon sa hotel nila. Ang hotel nila ang pinakasikat, hindi lang sa buong Pilipinas, pati na rin sa ibang bansa. “Halatang alagang alaga ka ah?”

“Thank you po, Lolo.”

“Look, she’s blushing.” Kasi naman, wag niyo na po ako’ng purihin.

“Uncle, stop teasing her. Lalo po iyang magbablush.” Napayuko na lang ako.

“Filipe, asan na si Sebastian?” excited si Lolo? Hahaha. “I’m sure excited na si Jaimee, na makita siya.” Huh?

“Hindi naman po.” Umiwas ako ng tingin, napatingin ako sa elevator. May lumabas na lalaki’ng naka black coat na nakaopen, tapos may V-neck na kulay blue na t-shirt sa loob, naka white pants, at nakawhite shoes. Ang hot ng dating niya. Tinignan ko yung mukha niya, perfect na sana eh, ang gwapo kasi. Kaya lang nakaRizal style yung buhok niya, tapos napakakapal ng salamin. Bigla tuloy ako’ng naturn off. Papunta sa direction namin yung lalaki kaya binalik ko na yung tingin ko sa table namin, baka kasi kung ano isipin niya.

“SJ you’re here!” SJ? Sebastain James? Nandito na siya!!!!!!!!!

*dug dug dug dug*

“I’m sorry, I’m late.” Shocks ang ganda ng boses! Wuu~! Napatingin ako sa kanya. Wasak ang imagination ko nung pagtingin ko sa kanya. Siya yung Nerd na niluwa ng elevator. Bakit ang gwapo niya sa picture? Hindi naman siya nerd dun ah! Napasimangot ako. Ang layo niya talaga sa picture, pati nung bata kami. Hindi talaga eh. Tumingin siya sa akin. “Jaimee?” ngumiti ako tapos nag nod. “Nice to finally meet you again, it’s been... Ahm?”

“7 years, I guess. Belated happy birthday pala. Sorry wala ako’ng dalang regalo, hindi ko kasi expected na uuwi ka ngayon.” Oo, hindi ako pumapalya sa pag reregalo sakanya, pinapadala ko pa nga sa America yun regalo ko sa kanya eh. Siya din naman, bago dumating yung birthday ko pinadadalhan na din niya ako ng regalo. Kaya lang ngayong taon wala siyang pinadala. Kaya nadisappoint ako.

“Belated happy birthday din sa iyo.” tapos ngumiti siya. “Ahm, can you excuse us? Kukunin lang po namin yung regalo ko para sakanya.” Bakit kasama pa ako? Hindi niya ba kaya? At nakahawak pa sa kamay ko ah.

“Teka, yung kamay ko.”

“Bakit naiwanan mo ba?” Joke ba yun? Mukhang hindi naman, seryoso kasi yung mukha niya eh.

“Kailangan ko bang tumawa?” binitiwan na niya yung kamay ko, tapos nag patuloy sa pag lalakad. Problema nun? “Uy, saan ba tayo pupunta?”

“Sa regalo ko sa iyo.” Hindi ko gets.

“Binilan mo na ba ako ng lupain ngayon at kailangan nating puntahan?” Hindi siya sumagot. Sabi nila ‘Silence means Yes’, so I take that as yes. “Aba, big time ka na ah!” dati kasi puro stuff toys, dress, at accessories lang binibigay niya sa akin. Pero kahit ganun, halata naman mamahalin.

“Kailangan ko bang tumawa? Matagal na ako’ng big time Jai and you know that.” Oh, edi ikaw na big time, big time din ako no! Pumasok na kami sa elevator. Pinindot niya yung number 13. Sa 13th floor kami pupunta. Ang taas naman.

“Uy, malas daw sa 13th floor ah.” nag devil smile siya.

“Kaya nga yun ang pinili ko eh, para special yung gift ko sa iyo.” Sumimangot ako.

“Alam mo, hindi kita magets, ganyan ba ang epekto pag nag istay sa America ng matagal?”

“Wag mo’ng idamay ang America, inosente yun.”

*ting!*

“Pikit mo mata mo.” Tapos nag labas siya ng handkerchief.

“Ayoko nga! Baka kung ano’ng gawin mo sa akin.” Napanganga siya sa sinabi ko.

“Grabe ka, Jai.” Napailing siya. “ Ang berde ng utak mo. Wag ka masyadong feeling dyan. Hindi kita type.”

“Asa ka men!” As if naman type kita? Siguro dati oo. Nung 10 years old pa ako. Haller? I’m 17 na po. DUH!

“Wala ka na ngang regalo sa akin, ganyan pa ugali mo. Ako na nga 'tong may special gift ako pa napagbibintangan ng... Argh. Nagtatampo na ako ah.” Nag drama pa walang epekto yan sa akin dong. “Pipikit ka ba o hahalikan kita dito?” Ano daw?

“Is that a threat?”

Marriage ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon