.Chapter 1.

442 25 0
                                    

"Kuya, pahingi ng extra catsup"

"Straw please.."

"Can i have water?"

ayan.. ayan ang mga linyang kinabubwisitan ko.. Ang mga costumer na may paa naman ! e bat hindi sila ang kumuha at manghingi ..

kaso .. wala e -_- Lahi na nga mga tao ang maging tamad, haist .

buti pa sila, gastos, gastos, gastos, ako naman -_______- TIPID, TIPID, TIPID.. 

Ako nga pala si Kiara Vin Mendoza, isang simpleng babae na mukhang lalaki na gusto lang e makakain ng tatlong beses sa isang araw, makasama ang pamilya at maging pinakamalakas at pinakamagaling sa KARATE, ayan lang naman ang mga hinihingi ko, hindi naman na ako nag hahangad ng marangyang buhay, Isa ako sa nagtatrabaho dito sa Mcdo. Working Student -_- at nakakapit sa isang scholarship. haist . di bale, isang taon na lang naman at graduate na ko sa high school.

"Hoy Kiareng! Bilisan mo nga kumilos, madami tayong costumer, wag tutulala tulala jan!" Utos sa akin ng katrabaho kong kala mo e manager >_< Haist. Kelan kaya ako makakawala sa nakakapagod na buhay na to ?

"Kiareng! Kiareng! Kiareng! .. May naghahanap sayo sa telepono !" tawag pa sa akin ng isa kong katrabaho .. 

Pumunta naman ako palapit sa kanya .. at inabot nya sa akin ang telepono .

Kinausap ko na yung tumawag..

"Sino to?" tanong ko.

[Is this Melvin Mendoza's daughter, Kiara Mendoza?] *dug.dug.dug.dug* bigla na lang akong kinabahan.

"Yes, who is this?"

[This is Dr.Cliff . . . . . . Your father is dead] *dug.dug.dug.dug*

Nabitawan ko ang telepono at bigla na lang nag-unahan tumulo ang mga luha ko..

Nilapitan naman ako ng katrabaho ko at sya na ang kumausap sa telepono .

Ibinigay nya sa akin ang address, kung saan matatagpuan ang hospital kung nasaan si itang.

Agad akong pumunta doon .

Pasakay na ako sa taxi, at may lalaking pasakay na sana, kaso hinila ko sya palayo at ako ang sumakay. Hindi na ko nakapag'SORRY' at hindi ko na din nakita ang mukha nya, ang mahalaga e makarating ako agad kung nasaan si itang ..

Pagkadating ko . .

Nakita ko si itang . .

Lumapit ako sa kanya .  .

"Tang, bakit naman ganun? Kala ko ba walang iwanan *huk* kanina okay ka *huk* pa ah *huk* Unfair ka!!!! Napakaduga mo itang !!! Bakit si itang pa?"

"Here.. -->" May inabot na sulat sa akin yung nurse, Kinuha ko naman..

"Im sorry about what happen to your father..." huminga sya ng malalim at nagsalitang muli. "Iniabot ng tatay mo ang sulat na iyan, sabi nya sa akin, bago sya mamatay, ibinigay nya sakin ang sulat na ito upang ibigay sayo ang sulat na ito pagdating mo rito" Kinuha ko naman yung sulat.

"Mauna na ko.." Umalis na yung nurse, at binuksan ko na yung sulat .

Mahal kong charo charot -_-

eto na talaga . .

Mahal kong anak,

         Sana ay mapatawad mo ako kung marami akong lihim sayo. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan, ngunit sisimulan ko na ngayon .

            Anak, hindi ako ang tunay mong ama... si BARNEY iyon joke. Ang dahilan kung bakit ako umalis ng bahay madalas e . . Nakikipagkita ako sa abogado ng iyong tunay na ama. Alam kong hindi na ako magtatagal, may kasunduan kami ng iyong ama , na kapag namatay na ako, pwede ka na nyang kunin. Wag mong isipin na ipinamimigay kita. Mahal na Mahal ka ng iyong itang Melvin na matcho at gwapito.

 Nagmamahal,

Melvin Mendoza

Makalipas ang ilang araw..

Ililibing na ngayon si itang, kami ni Viera, ang kapatid ko na hindi ko pala kapatid ang nagluksa ng lubos. Hindi pa man ako nakaka-move on sa pagkamatay ni itang, e agad naman nagpakita ang tunay kong ama.

Hindi ko pa alam, kung paano ko siya haharapin, kaya agad akong tumakbo palayo sa kanya. Naiinis ako, gusto kong tanungin sa kanya bat ganun?, kung bat ba ako wala sa tabi nila noong lumaki ako, gusto ko malaman ang lahat-lahat !!

Habang tumatakbo ako, e biglang bumuhos ang ulan, agad? dinamayan agad ako ni weather >_<, tumakbo lang ako . . . bahala na ang paa ko kung san man nya ako ipapadpad.

Ewan ko kung nasan na ---...

*beep beep beep*

HUH? O_o , , , A-NONG . . NANG-YA-RE ?

"HOY KAYO !" tinuro ako nung mama "KUNG MAY BALAK KAYO MAGPAKAMATAY! HUWAG NYO AKONG IDAMAY!!!!" hmm.. ? may nakawak na kamay sa braso ko . hinila ako nung lalaki na nakahawak sa braso ko kung saan may silungan.

"Hey miss, are you planning to kill yourself?" -_____- ? napansin nyang babae ako?

"HUH ? AKO ? MAGPAPAKAMATAY ? HINDI AH! ANONG PINAGSASABI MO KUYA?" baliw ba sya?

sinabi naman nya sa akin ang nangyari kanina, muntik daw akong mabunggo kundi pa nya ako hinila, pasalamat daw ako sa kanya, ah -___-

"hiningi ko ba na iligtas mo ako? baliw ka ba?" tss -_-

"But you know, stop trying to kill yourself." napatingin ako sa kanya, napatingin ako sa mga mata nyang kumikinang.

"Know what? Hindi ko naman pinagtatangkaang patayin ang sarili ko ah?" 

"FREAK. I mean your killing yourself in sadness."  aww :3 pahiya ako dun .. pero FREAK? ako? tss. inalis ko ang tingin ko sa kanya.

"YEAH, YEAH, WHATEVER !!!" papalampasin ko to ngayon, pasalamat ka, utang ko sayo buhay ko!

"You must deal with your problems freak, look at me, I also have problems . . ."  napatingin ulit ako sa kanya. 

"Ano namang mga problema mo?" tanong ko.

"PO-GI PROB-LEMS . ." nakangiti nyang sabi sa akin .

"Woah! HANGIN MO TOL !!!"  yabang nya! tss. "But, thanks for saving m-me." tumayo na sya at hinawakan ang ulo ko at ginulo-gulo ang buhok ko.

"Its nothing freak"  at naglakad na sya palayo sa akin.

Sa sinabi nya, tama sya, hindi dapat ako tumakbo sa mga problema ko, kasi kahit anong takbo ko, hindi ko malulutas iyon.

Bumalik na ako, Pagkabalik na pagkabalik ko, e andun pa din ang tunay kong ama. Sinalubong nya ako ng kanyang yakap, at pagkatapos ay hinayaan kong pakinggan ang dahilan kung bakit ako wala sa tabi nila. Pinaliwanag nya ang lahat-lahat, At sa wakas, nalaman ko na ang katotohanan . . Ganun pala, haist. Naintindihan ko naman Si Mr. Kiyoshi Lee, ang tunay kong ama.

At dahil nga doon ay inimbitahan nya na ako na tumira kasama sya, pumayag naman ako, sino ba naman ako para tumanggi diba? Gusto ko sana isama si Viera, kaso ayaw naman nya. Siguro daw kaylangan ko muna makasama ang tunay kong pamilya. Hindi ko na sya pinilit, nag promise na lang ako na bibisitahin ko sya kapag may oras ako . .

Ilang araw na lang . .

Aalis na ako sa lugar kung saan ako pinalaki ni itang .

Say You Like Me (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon