Chapter 6 : meeting him

16 0 0
                                    

Erick's pov.
Ako nga pala si Erickson Guevarra, 18 taong gulang nakatira sa lumang mansion at matagal ng patay. Yan lang ang naalala ko sa aking sarili dahil simula nung mamatay ako ay halos hindi ko na alam kung sino ako.

Kahit nga pagkamatay ko ay hindi ko alam ang dahilan ehh basta ang tanging naalala ko lang ay meron akong minahal na isang dilag sa aming bayan ito ay si maria.

Masaya ang aming relasyon ni maria ngunit hindi mawawala sa isang relasyon ang pag kakaroon ng away at suliranin isa na rito ang kanyang mga magulang

Kahit kami ang pinakamayaman sa aming barrio ay pilit kaming pinaghiwalay ng mga magulang ni maria dinala nila ang dalaga sa maynila at pinutol ang aming kommunukasyon.

Matagal akong nagkulong sa aming mansion at ni hindi rin ako kumakain, sobra na ang pag aalala ng aking mga magulang saakin ngunit isang gabi ay biglang nangyari ang hindi inaasahan.

Ngunit tuwing pilit kong inaalala ang gabing iyon ay hindi ko siya maalala basta nagising nalang ako isang araw ay wala na ang masaya kong pamilya at isa nalang din akong espirutung naghahanap ng hustisya.

Ni hindi ko din alam kung nasan na ang aking pamilya, pinilit kong lumabas ng bahay na ito ngunit tuwing sinusubukan ko ay may parang harang sa gate ng mansion at hindi ako pinapalabas.

Ngunit may isang binatang biglang pumasok sa bahay, nung una ko siyang makita ay parang may kakaiba sa kanya ang kanyang mapupulang labi , ang kanyang mga bilugang mata ang makinis niyang mga balat at ang dimples niyang bumagay sa kanya.

May naalala ako sa kanya ngunit hindi ko maalala kung sino ito basta ang alam ko lang ay kakaiba siya.

Nung una ay pinagmamasdan ko lang siya ngunit hindi ko natiis ang aking sarili at nagpakita ako sa kanya dahil ang akala ko ay hindi siya matatakot sa akin dahil halos 2 oras niyang tinitigan ang aking picture frame.

Ngunit nagkamali ako dahil ng makita niya ako ay bigla siyang nagpanic at nawalan ng malay.

Ng nakarinig ako ng pagbukas ng pinto ng mansion ay agad akong nagtago nakita ko ang isang matandang lalaking nagbuhat sa kanya at nilabas siya sa aking mansion.

Sa hindi inaasahan ay nakaramdam ako ng lungkot sa aking sarili dahil parang maybparte saakin ang mawawala nanaman ngunit biglang may pumasok saakin isipan.

Tama siya lang ang kaunaunahang buhay na nilalang ang nakakita saakin dahil ilang beses ko ng sinubukan ang magpakita sa iba kahit nga sa magnanakaw sinubukan ko na pero hindi parin nila ako makita.

Hindi ko mawari ang sayang naramdaman sa aking natuklasan dahil nagkaroon ako ng pag-asa na siya ang makakatulong saakin para malutas ang dahilan ng misteryoso kong pagkamatay.

Kinabukasan ay narinig ko ang pagbukas ng pinto saakin mansion sa hindi inaasahan ay nakita ko nanaman ang binata kagabi na hinimatay saaking harapan.

Ngunit parang may hinahanap siya dahil narin saakin pagkabahala na baka mawalan nanaman siya ng malay ay hindi na ako nagpakita sa kanya muna.

Nagpunta siya saaking picture frame at dali dali itong kinuha at nilabas ng aking mansion "anong ginagawa niya bakit niya kinuha ang larawan ko??" Ang taka kong tanong sa aking sarili.

Pero parang may humahatak sa akin palabas ng mansion at ng sinubukan kong lumabas at sundan ang binata ay parang wala ng harang sa gate at lubos ko iyong kinasaya pero palaisipan parin saakin ang aking malayang pagkalabas dahil sa mahabang taon kong inilagi sa mansion ay ngayon lang ako nakalabas.

Nararamdaman kong may kakaiba sa binatang sinusundan ko ngayon. Nang makarating kami sa bahay na pinagdalhan niya sa aking picture frame ay dumeretso siya sa kanyang kuwarto at sumunod ako ng wala siyang kaalam alam.

Hindi muna ako nagpakita sa kanya sa makatuwid ay nanatili ako sa ilalim ng kanyang kama at naramdaman ko nalang ang kanyang paglabas.

Nang makabalik siya sa kuwarto ay kinuha niya ang aking larawan sa ilalim ng kama at matagal na pinagmasdan. Nang makatulog na siya ay saka na ako lumabas ng kama at pinagmasdan ang kanyang mukha.

Tama namumukhaan ko siya kamukang kamuka niya si maria ngunit paano ng yari yun.

Lumipas ang ilang oras ay nagising na siya at alam kong wala siya kasama sa bahay dahil kanina nakita ko ang kanyang nanay na lumabas ng bahay at nag iwan ng sulat sa ref kasma neto ang dlawang matanda at isang katulong.

Habang nasa baba siya ay hindi ko sinasadyang matabig ang frame at bumagsak sa lapag naramdaman ko nalang ang pagpasok niya sa kuwarto at sinilip kung ano yun.

Makalipas ang ilang oras ay biglang namatay ang ilaw at narinig ko nalang ang pagalit niyang turan rito.

Pero hindi rin nagtagal ay bumalik ang ilaw at biglang may kumalabog nanaman sa kuwarto pero sigurado ako na hindi na ako yun.

At agad agad siyang umakyat para tignan kung ano iyon, maya maya ay narinig ko nalang ang kanyang pagsigaw at patakbong pagbaba ng hagdan.

Nagtago ako sa gilid ng hagdan upang hindi niya ako makita pero dahil sa pagmamadali niya ay pagulong gulong siyang bumagsak sa lapag. Gustong gusto ko siyang tulungan ng mga oras na iyon ngunit nagdadalawang isip pa ako kasi baka ikatakot niya.

Pero sa hindi inaasahan ay nakita niya ako at bigla siyang nagtanong kung sino ako at nagmamakawa na wag akong lalapit sa kanya pero hindi ko iyon sinunod sa pagkat ay dahan dahan ko siyang nilapitan.

Matagal niya akong tinitigan sa mukha at bigla niyang sinabi ay "ikaw whaaaahaha ".

......chapter 6 done........

Ayan guys mahaba haba na yan don't forget to vote and comment labya all.

Im Inlove To A Ghost (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon