Hey guys. Happy Anniversary dito sa WHAT IF?. Grabe 1 year na pala ang lumipas. Maraming salamat sa pagsuporta nyo at sa pagtyatyaga sa paghihintay ng update. Mas gagandahan ko pa yung plot para mas maging exciting ang story.
Please Don’t forget to Vote, Comment and Follow.
Enjoy!
Chapter 20
Kathryn’s P.O.V.
Last night was the most unforgettable birthday celebration I ever had.
Kung pwede nga lang sana na huwag ng matapos ang gabing yun.
Pero lahat nga ng bagay ay may hangganan. Kaya kahit anong gawin ko ay matatapos din yun.
Sa ngayon nag-aayos na ko ng mga gamit ko sa school.
Eto ang unang araw ko na papasok ng bago ang look ko. And guess what kung ano suot ko ngayon?. Isang DRESS lang naman po. At take note ABOVE THE KNEE pa nga. -_-
Sobrang mapilit ang aking oh so bestfriend na si Julia Montes. Hindi ako nilubayan hangga’t di ko sinusuot yung mga pinamili na dress ni mama.
Kaya in the end no choice na ko kundi suotin yun.
“Bessy tara na. Bumaba ka na nga dyan. Baka ma-late pa tayo.” sigaw ni Julia sa baba
Sabay kasi kaming papasok ngayon ni Julia kaya hinihintay nya ako.
Pero may problema nga kasi ako eh. Pano ko lalabas kung ganto yung suot ko? Nako-conscious ako sa suot ko. Di ako sanay!
Gustuhin ko mang magpalit ng damit pero initago na ni bessy lahat ng t-shirt at jeans ko at puro dress and blouse lang ang itinira nya.
“Hoy aba naman Kathryn Chandria Bernardo! Lumabas labas ka na dyan o gusto mong kaladkarin pa kita?” sigaw ni Julia habang kinakatok ng malakas yung pinto ng kwarto ko.
“Oo na po boss. Palabas na. Wait lang.” sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]
FanfictionWhich one will I choose? WHAT IF's in my head or WHAT IF's of my heart? "Be careful using your eyes, sometimes what you see were not all real." -A story made by johncris14 [Cover Created by: ydelmae_selda] [Trailer Made by: EliteGraphics]