So here's the update. Medyo natagalan lang pero heto na nga. Sana magustuhan nyo at maraming salamat sa walang sawang pagsuporta.
Please VOTE, COMMENT and FOLLOW!
Enjoy guys!
Chapter 32
Unexpected Turn of Events
Kathryn's P.O.V.
Gaya nga ng inaasahan, lahat ng estudyante ay nasa kani-kanila ng room. Pagdating ko nga sa room namin halos lahat ng mga kaklase ko ay nandito na. Buti na lang wala pa yung teacher namin.
Umupo na ko sa upuan ko sa dulo at hinintay na lang 'yung pagdating ng teacher nga namin.
Sa sobrang tagal dumating nun ay yumuko na lang ako sa desk ko. Bigla kasi akong nakaramdam ng antok.
Out of nowhere ay may biglang kumalabit sakin sa likod ko kaya napalingon kaagad ako at nakita ko 'yung kaklase ko na may inaabot na papel sakin.
"Uhm, may nagpapabigay nyan sayo." sabi nya sakin at inabot na nga yung envelope na kulay white
"Sino nagpapabigay?" nagtataka kong tanong habang tinitignan kung may nakalagay kung kanino 'to galing pero sa kasamaang palad ay walang nakalagay
"Ay! Hindi ko alam eh. Basta ang sabi nya ibigay ko na lang daw sayo. Ang gwapo nga ni kuya eh. Haha." sabi nya na parang kinikilig doon sa pwesto nya at parang nagde-day dreaming pa
"Ah, sige. Salamat ng marami." sabi ko na lang sa kanya at pumunta na sya dun sa upuan nya
Tinignan ko naman 'yung sobre at tsaka binuksan. Nakaka-curious kasi kung anong laman neto eh.
... to you is...
-UG
Ayan 'yung nakasulat doon sa loob. Huh? Ano naman kayang ibig sabihin neto?
Aiish! Ewan ko dun sa nagbigay neto. Siguro wala lang magawang matino sa buhay nya kaya kung ano-ano mga pinaggagagawa nun.
Nilagay ko na lang sa bag ko 'yung sobre. At di ko na lang 'yun pinansin kasi for sure nonsense naman 'yun.
30 minutes ng late yung teacher namin. Baka naman di na dadadating yun ngayon.
Biglang bumukas 'yung pinto sa harapan at pumasok ang taong di ko inaasahan na makita sa ngayon.
Ano naman kayang gnagawa ng isang 'to sa harapan ngayon? Don't tell me gagawa na naman sya ng kalokohan.
"I just want to inform you guys that Mrs. Coelho is not around, so you can now proceed to your next class if you want." sabi ni Daniel sa amin
Ako lang ba o parang may something sa kanya ngayon?
BINABASA MO ANG
What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]
FanficWhich one will I choose? WHAT IF's in my head or WHAT IF's of my heart? "Be careful using your eyes, sometimes what you see were not all real." -A story made by johncris14 [Cover Created by: ydelmae_selda] [Trailer Made by: EliteGraphics]