Chapter 22 Make A Move

5.3K 63 9
                                    

Vote, Comment and Follow. :)

Nag-update parin ako kahit finals week namin. Love ko kayo eh. Hahaha

Eto na nga agad.

Chapter 22 

Make a Move

Kathryn’s P.O.V.

Pagpasok ko pa lang sa gate ng school kumpulan na kaagad yung mga estudyante.

Busy silang lahat sa pagkwekwentuhan. Kapag ganto ang set-up nila isa lang ang ibig sabihin. Mayroon na naman silang pinagchi-chismisan.

At as usual yung mga bulungan nila na halos pasigaw naman ay naririnig din naman ng lahat.

Di ko na sana sila papansinin at didiretso na lang sana ako ng lakad ng madinig ko kung ano yung pinag-uusapan nila.

Binagalan ko yung lakad ko para di nila mapansin na nakikinig ako sa usapan nila.

“Alam mo ba girl yung tungkol dun sa kumakalat na chismis?”

“Oo naman noh. Ako pa? Hindi ako magpapahuli pag dating sa chismis.”

“Yeah. Kalat naman na sa lahat eh.”

“Grabe si Zharm. Sya pa talaga yung nakipag-break kay Prince Daniel.”

“Hayaan nyo sya. Feelingera yung isang yun eh. Tignan nyo sa bandang huli sya ang hahabol habol. Hahaha.”

Dinig ko sa usapan nila at nagtawanan na silang lahat dun.

Break na si Daniel and Zharm? Kelan pa? Totoo nga kaya yun?

Di ko alam pero bigla akong nakaramdam ng tuwa sa balitang narinig ko. Di naman masamang umasa diba?

Nagdiretso na lang ako ng lakad dahil ayoko ng makinig pa sa usapan nilang lahat. Tsaka kailangan ko pang magbasa ng notes ko dahil may quiz kami sa first subject class namin.

Bago ko makapasok sa classroom namin ay may biglang humarang sa dadaanan ko. 7 babae silang lahat.

“Hmm Ms. Kath totoo po ba yung balita na kayo yung dahilan ng break up ni Prince Daniel?” tanong nung isang babaeng nakasalamin

What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon