Cinderella
“Nakita mo ba kung nasaan si Gangster?” bungad na tanong ko kay Riri pagkakita ko pa lamang sa kanya sa school.
“Ha? Sinong Gangster? Tsaka napano ka? Bakit ganyan ang itsura mo?” pinasadahan niya ako ng tingin mula balakubak hanggang ingrown.
“At,” *sniff* “Ano yang amoy na yan?!” Sabi niya habang pinapaypay niya ang kamay niya sa ere.
“Don’t tell me you stepped on a p--” Her eyes widened as she covered her mouth.
Minsan talaga ang Oa din nitong si Riri e.
“Mahabang storya pero to make it short, Sinira niya ang bike ko and I was forced to walk from home to here and vice versa. Then I… I stepped on a poop just this morning!“ I sounded like a whimpering cat.
“Kasalanan ‘tong lahat nung Gangster na yun!” I added, my blood boils at the mere thought of that person.
“Eh. Sino ngang Gangster? Helloooooo! Madami kayang gangster dito.“
“Yung hambog na Gangster!”
“Lahat naman ng gangster hambog para sayo.” She said as a-matter-of-factly.
Nasapo ko ang noo ko. Minsan talaga ang sarap iumpog ang ulo nitong si Riri sa pader eh.
“Yung Killer!” naiinis kong sambit. Kumunot naman ang noo niya.
"Yung kaklase natin!" Then I saw her face lit up na para bang yung pangalang sinambit ko ay pangalan ng santo.
“Ah… siya pala. Baka Kirill.” she corrected habang tatango-tango.
“Killer Kirill whatever!” I stated while waving a hand in the air. Ang totoo niyan, sinadya ko talagang ibahin ang pangalan niya kasi pati pagmemention ng pangalan niya, kumukulo na ang dugo ko.
“Nakita mo ba?”
Riri placed a finger on her chin, senyales na nag-re-recall siya. “AHA!” She snapped her fingers and smiled brightly at me.
“Nasa West P.L siya. Narinig kong may kikitain daw dun kasama ang gang niya.”
Okay, I heard enough. Prepare yourself Mr. Gangster.
Malayo pa lang ay nakikita ko na si Gangster kasama nung limang alipores niya kaya naman hinubad ko na agad yung isang sapatos ko na may nakadikit na poop ng animal.
Papalapit na sana ako sa kanila nung biglang tumilapon sa sahig si Gangster.
I gasped. Never in my life have I ever imagined na makakakita ako ng gangfight ng LIVE!
Agad namang nakatayo si Gangster. At nagawa pa nitong ngumiti habang pinapahid ang dugo sa pumutok nitong labi.