Chapter 7

306 10 2
                                    

Hubo't-hubad

"Humanda ka ngayong Cuevas ka, pagpipira-pirasuhin ko 'yang katawan mo." Pagkasabing-pagkasabi niya noon ay nagkaroon ng kaunting ilaw malapit sa kanyang mukha. Narinig ko naman ang maliit ngunit matunog na pagmumura ni Gangster dahil sa mga pinagsasabi nung lalaki.

Nagpapasalamat ako na nakatalikod siya sa amin kundi malamang sa malamang, ang ilaw na nanggagaling sa lighter niya ang huling ilaw na makikita namin. Diretsong naglakad lamang siya at hindi lumilingon sa direksyon namin—Hindi pa.

"Hoy bilisan mo nga diyan! Baka akala mo tumila na ang ulan! Basang-basa na kami dito!" may sumigaw ulit sa labas.

"Ay bwiset!" napakamot naman 'yung lalaki sa batok niya at biglang humarap sa amin kaya naman ay napasinghap ako. Mabuti na lamang at mabilis na natakpan ni Gangster ang bibig ko.

"Ano 'yun?" mahinang usal nito sa sarili at humakbang ng dalawang beses papunta sa direksyon namin.

Unti-unti niyang inilalapit ang ilaw sa may banda namin. Malapit na. Lumunok ako. Eto na, katapusan na nga namin!

"Hoy! Putcha naman!" nagulat naman ang lalaki sa sumigaw at naihagis ang lighter diretso sa amin.

*plok*

"Peste!" mahina ngunit malutong na mura na naman ng katabi ko. Nilingon ko siya at naramdaman ang paggalaw ng kamay niya sa may noo niya.

"Saglit nga lang! Hahanapin ko muna itong lighter ko!" pagkasabi'y agad-agad siyang yumuko at nagsimulang mangapa sa sahig. Isang pulgada na lang at paa ko na ang mahahawakan niya. Pumikit na lamang ako sapagkat ayaw ko nang masaksihan kung ano man ang sunod na mangyayari. Kung mamatay ako sa maling paraan, gusto ko nakapikit ako.

"Lalabas ka ba diyan o iiwanan ka namin?!"

"Ona!" padabog siyang tumayo at nagpakawala ng naiiritang buntong hininga. "Mga bwiset 'to." Bulong niya pa bago tuluyang tinahak ang daan palabas ng kubo. Binalibag pa nito ang pintuang walang kamalay-malay.

Kahit nakalabas na siya ay nanatili pa rin kami ni Cuevas sa ganoong pwesto. Hindi kami nagtangkang kumilos sa takot na baka matunton kami.

"Oh? Nakita mo ba?" bungad na tanong ng kasamahan niya.

"Hindi eh."

Wala na kaming narinig matapos nun maliban na lamang sa mga yabag nilang papalayo sa kubo. Matapos masiguradong wala na nga sila ay napabuntong-hininga ako. Hindi ko man lang namalayan na kanina pa pala ako nagpipigil ng hininga dahil sa kaba.

"Tsk. Drama."

Ano namang problema ng isang 'to? Dapat nga masayasiya't di kami nahuli.

"Problema mo?" naiinis na tumayo ako para lumipat sa kabilang dako ng kubo, malayo sa kanya. Naiilang kasi ako sa posisyon namin kanina. Sobrang lapit namin sa isa't-isa at talagang ramdam na ramdam ko 'yung hininga niya sa leeg ko.

Hindi siya sumagot. Ni hindi ko nga rin naramdaman na gumalaw siya sa pwesto niya. Tulog agad? Ipinagkibit-balikat ko na lamang ang iniisip at sinubukang matulog.

Maya-maya'y nakaramdam ako ng mabigat na bagay na pumatong sa balikat ko. Agad akong dumilat at mabilis pa sa alas kwatrong gumapang paalis sa parteng 'yun.

Dios mio! Ano namang kababalaghan ito!?

Napalunok ako habang iniisip kung ano iyon. Tuko? Tiktik? O manananggal?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When A Gangster Falls InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon