Kubo
"Te-teka..." pigil ko sa kanya nang akma niya nang itutulak ang pintuan ng kubo.
"Ano na naman ba? Kanina ka pa eh."mahinang pag-angil niya.
Napalunok ako. Magkadikit nga pala ang mga katawan namin kaya ang lapit-lapit na ng mukha niya sa akin. Idagdag pa na basang-basa kami ngayon kaya malagkit pa sa malagkit ang pagkakadaiti ng mga balat namin. Ayan tuloy, amoy na amoy ko na 'yung hininga niya. Amoy mint na may halong sigarilyo at...alcohol?
"U-uminom ka ba?" wala sa sariling tanong ko sa kanya.
"Wala ka nang pakialam dun." He bluntly responded.
Anong wala?! May pakialam ako! Paano kung may...may...may mangyari?
"Nagtatanong lang naman ako ah! Tsaka, oo at hindi lang naman eh! Mahirap bang sagutin yun?"
"Tss. Edi wag kang magtanong! Oo nag-iinuman kami nung biglang tumawag ang putakteng Fortalejo para ibalita na kinidnap niya DAW ang girlfriend ko. Ni wala nga akong girlfriend. Malay ko bang ikaw LANG pala 'yun." Mahabang sagot niya at diniinan pa talaga ang mga salitang 'DAW' at 'LANG'.
Nagbalak na naman siyang itulak ulit pabukas ang pintuan.
"O-oy teka lang ulit..." muling pigil ko sa kanya.
"Tang ina naman Legaspi! Ano?!"
Alam kong sobrang naiinis na talaga siya sa akin ngayon. Pero kasi...
"Ah...eh..." Nilalaro ko ang mga kamay kong nakakapit sa leeg niya. Pano ko ba sasabihin sa kanya?
"Natatakotkasiakoeh." Sabi ko sa pinakamahina kong boses. Nakakahiya naman. Nakayuko ako habang inaabangan ang reaksiyon niya.
"HAHAHA!"
te-teka, tinatawanan ba niya ako? Tumatawa siya? Medyo gumagalaw pa ang balikat niya gawa ng pagtawa niya.
Minasdan ko lang siya.
Ba't ang cute niyang tignan pag nakatawa siya? Bakit parang umiinit ang tiyan ko't mukha sa nakikita ko ngayon?
"Sige lang. Umutot ka lang." sagot niya matapos ang ilang segundo. Halata pa rin na nagpipigil siya ng tawa. Tawanan ba naman ako! Tsaka anong umutot? May sinabi ba akong gusto kong umutot?
Teka, umutot? Ang layo nun sa natatakot ah! Ngayon, ako naman ang tumawa ng malakas.
"Pfft—HAHAHA! Ano ka, bingi? Wala akong sinasabing nauutot ako! Hahaha!" Pinagpapalo ko pa ang braso niya. Oy, matigas ha.
"Ha? Eh ano 'yung sinabi mo?" takang tanong niya. Ni hindi man lamang nagalit at pinalo ang mga kamay kong panay pa rin ang pagpapalo sa matigas niyang braso.
"Sabi ko, natatakot ako. Hindi nauutot!" sabi ko habang pinipigilan ang tawa ko. Nang makita kong namula siya ay bumunghalit uli ako ng tawa. Bingi!
"Tss. 'Yun lang pala. Ano pang silbi ko rito kung di kita kayang protektahan?" sagot niya na nagpatikom sa bibig ko.
Dub...dub...dub...
Bwiset. Ba't ang bilis ng tibok ng puso ko?
"H-ha?" Pakiulit please.
"'Wag kang matakot. Poprotektahan kita." Pagkasabi'y, nilingon niya ako tsaka ngumiti ng tipid.
Dubdubdubdubdubdubdubdubdubdub...
Ba't mas bumilis? May sakit na ba ako sa puso?
Ibinaling na ulit niya ang paningin sa pintuan at agad na sinipa ito pabukas.