*NOTE: NO PROOFREAD. ENJOY READING! *WINK* *WINK*
Tutor
Nakakainis!! Nakakainis!!
Ba’t ba parating nagre-replay yung pangyayaring yun sa isipan ko?! Jusme! Pinagsuot lang naman ako ng sapatos nung Gangster na yun! Kahit sinong matinong tao kayang gawin yun no!
Ang tanong, matino ba yung taong yun? Di ba hindi?
“Argh! Baliw!“ sinabunutan ko ang sarili ko sa realisasyon ko.
That time, I felt like I was Cinderella…
Binatukan ko pa ng tatlong beses ang sarili ko para tumigil na sa kakaisip sa pangyayaring yun.
That time, I felt like I was Cinderella…
Waaaaaaa~! Ba’t ayaw pa ring mawala?!
*TING!*
Isa nalang ang alam kong solusyon! Kahit masakit, gagawin ko! Para rin ‘to sa ikakabuti ko!
Iniuntog ko ang ulo ko sa lamesa. Nakakapang-apat pa lamang akong untog nang may biglang nagsalita.
“Tss.. Lunatic.”
Automatic na napatingala ako sa pinanggalingan ng boses.
Si Gangster lang naman pala..
Tinitigan ko lang siya tsaka pumusisyon ulit para sana iuntog na naman ang ulo ko nang medyo magsink in na sa akin ang nakita ko.
Teka.. Si Gangster?!
Si GANGSTER?!!
Kinusot-kusot ko ang mata ko para makasigurado at tumingala ulit.
Andun pa rin siya!!
Ano namang gagawin ng isang Gangster sa library?? Tsaka bakit di niya kasama yung 5 alipores niya?! Siya ba talaga yan??
Para mas sigurado, inabot ko ang braso niya at kinurot yun ng pinung-pino.
“Putcha ano ba?!” sigaw nito at malakas na pinalo ang kamay ko.
Napanganga ako sa hapdi ng pagkakapalo niya sa kamay ko, pero mas napanganga ako sa katotohanang, nandito nga sa harapan ko ang lalakeng laman ng isipan ko…
Uwaaaaaa! SI GANGSTER NGAAAA!!!!