"Sam, pinabibigay ni Jhane." may iniabot sakin si
Danielle na isang pilas ng notebook."Nasan ba siya? Kanina ko pa siya hindi
nakikita." tanong ko.Sa halip na sumagot ay umalis na siya. Hindi
nakaligtas sa paningin ko ang malungkot niyang
ngiti at ang kanyang mugtong mga mata.Tiningnan ko ang ibinigay niya sakin. Mahaba
ang nakasulat dito at kung hindi ako
nagkakamali ay sulat kamay to ni Jhane.Bakit
naman niya ako bibigyan nito?Bilang sagot sa aking tanong ay mabilis kong
tinungo ang aming silid. Mabuti na lamang at
wala doon ang aking mga kasama kaya
makapag-iisa ako.Binuklat ko ang nakatuping pilas ng notebook at
sinimulan itong basahin.Dear Sam;
Samuel Santiago. Ang ganda pa lang pakinggan
ng buo mong pangalan no? Dapat pala matagal
na kitang tinawag sa pangalang iyan. Samuel.
Bakit ba hindi ko naisip yon?Hehe. By the way,
kung natanggap mo na tong sulat ko, marahil
ay wala na ko. Umalis na ko. Gusto ko lang
malaman mo na sobrang halaga mo kaya di ko
kayang masaktan ka.May nagawa akong malaking kasalanan sayo
at hindi na kakayanin ng puso at konsensya ko
na humarap sayo na parang walang nangyari.I'm sure you will never forgive me once l told you
what was happen.I just wanna thank you for everything you've
done. Thank you for the care, for not leaving by
my side and for your unconditional and uneding love.You're such a
wonderful blessing l've receive in my life.Sino ba naman kasing mag-aakala na yung
dating crush ko lang ay minahal ako ng walang
pag-aalinlangan. Tinanggap mo ako ng buong-
buo at hindi ka nagsawang iparamdam sakin
kung gaano ko kahalaga sayo. And for that,
thank you very much. Always remember that l
love you.I know how much you love me but let me tell
you this... I think, hindi ko na kayang ibalik o
iparamdam sayo ang pagmamahal na kaya
mong ibigay. Hindi mo kasalanan 'to. Kasalanan
ko to. All l know, that night...It was you but
when l ask you, you said you were drunk that
night and it wasn't you. Wala kang kasalanan
Sam.Walang kasalanan ang sinuman. Ako lahat ang
may kasalanan nito Samuel, at walang ibang
sisihin kundi ako lang. Matapos ang gabing yon
ay nag-iba na ako. Nag-iba na ang
nararamdaman ko. Mahirap man paniwalaan at
naging mabilis ang pangyayari pero yon ang
totoo. I love the man who claim me that night.But l dont want to ruin your life so l decided to
run away and go somewhere.Somewhere that l
can fix and myself. My life. Even if it is very hard to
start a new life.I'm so sorry Samuel. Sorry for breaking your
heart. Sorry for ruin your life.Sorry. Sorry. Sorry!
-Jhane
Natapos kong basahin ang sulat niya. Sulat na
siyang dahilan ng pagkawasak ng buong
pagkatao ko. Ng puso ko. Hindi ko alam ang
mararamdaman ko. Sobrang sakit ng puso ko.Tila paulit-ulit itong sinasagasaan ng isang
malaking truck at nagkadurog-durog. Marahil
ay may nagawa siyang pagkakamali pero handa
ko yong tanggapin upang bumalik kami sa
dating kami. Sa masayang kami.Marami na kaming planong binuo at hindi ko hahayaang mawala lang lahat ng yon. Handa ko siyang tanggapin kahit ano pa ang nagawa niya.
Kailangan ko siyang makita. Kailangan ko
siyang makausap.Pinunasan ko ang mga taksil na luhang tumulo
mula sa aking mata at tinungo ang labas.Nadatnan ko ang mga kaibigan namin ni Jhane
na nanonood ng balita.Napahinto ako ng makita ko ang pamilyar na
mukha sa telebisyon. No it wasn't her."Isang pampasaherong uv express ang bumaligtad
sa kahabaan ng Kenon Road kaninang pasado
alas tres ng umaga. Bumaligtad ito dahil sa
madulas na ulan sanhi ng malakas na ulan
kanina. Dead on arrival ang lahat ng sakay
kabilang ang walang pagkakakilanlan na
babaeng ito. Walang anumang nakitang lD sa
biktima. Kaya kung sino man ang nakakakila sa
kanya ay ipagbigay alam agad ito sa
kinauukulan..." hindi ko na natapos ang sinasabi
ng reporter dahil bigla akong sumigaw."NO. HINDI SIYA YAN. KASAMA PA NATIN SIYA
KAGABI DI BA? HINDI SIYA YAN." patuloy na
sigaw ko at hagulgol."Calm down Sam." alo sakin ni Danielle.
"HOW CAN I CALM DOWN WHEN MY
GIRLFRIEND-"Humiwalay ako sa pagkakayakap niya sakin. I
need to see her. She's alive.Mabilis akong tumakbo palabas ng kabahayan.
Malakas pa rin ang ulan pero wala doon ang
aking atensyon. Patutunayan ko na hindi siya
yon. Hindi maaaring siya yon. Hindi pwede.Lakad-takbo ang ginawa ko marating lang kung
nasaan siya. Panay na ang busina sakin ng mga
sasakyan dahil bigla na lang akong tumatawid.
Pero hindi ko yon pinansin.
Nakikita ko na ang isang malapit na police
station para magtanong nang makarinig ako ng
isang malakas na busina ng truck..."BEEEEEP!!!"
Kasabay non naramdaman ko na lang na may
isang matigas na bagay ang dumagan sakin.Nandilim ang paningin ko at ang huling narinig
ko ay ang malalakas na hiyawan ng mga tao.****†***†******
Votes and comments are highly appreciated🙋😊
BINABASA MO ANG
Book 2: Seven Days Together (Completed)
Historia CortaMamahalin pa kaya namin ang isa't isa kung may isang malaking pangyayaring makapagpapabago sa buhay namin? What if our seven days together will be a big mess? What will happen next then? We will still fight for each other or let each other go? Read...