Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan. Ngayon nga ay sem break na namin. Kaya naman napagdesisyunan ng barkada na mag-out of town. Napagkasunduan na sa terminal na lang magkita-kita. Eksaktong alas dose ng tanghali upang hindi kami gabihin sa daan.
Ngunit tulad ng ibang magkakaibigan ay mayroon talagang mauuna sa tagpuan at mahuhuli ng dating. At ngayon nga ay ako ang nauna. Tulad ng dati.
Mga 30 minutes pa akong naghintay bago dumating sila Jhana at Jhanice. Remember them? My twin bestfriends?"What takes you two so long?" tanong ko sa
kanila sabay beso."Sorry na besie, antagal kasing gumayak nitong
si Jhana eh."katwiran ni Jhanice"Hmp! Okay na nga, nandito naman na kayo!"
nakangiting sagot ko"By the way, who's with you? Bakit parang nahihiya sila?" tanong ko pa
Tila nahiya naman si Jhanice kaya si Jhana ang sumagot para sa kanilang dalawa."Ahm, this is Jorem and Joem.
Mas matangkad si Jorem kaysa kay Joem bukod dun ay wala na silang pagkakaiba. Maputi ang kutis nila na kung pakatitingnan ay masasabing galing sila sa mayamang angkan. Matangos ang ilong at tulad ng dilim sa gabi ang kanilang mga mata. May natural na pula rin ang kanilang mga labi.
Kambal din sila tulad nila Jhana at Jhanice. Manliligaw daw nilang dalawa. Kaya
napagpasyahan nilang isama. Taga Maynila raw ang mga ito at tuwing bakasyon lang umuuwi sa probinsya. Naging magkakaibigan daw sila simula pa noong mga bata pa kaya di maipagkakailang nahulog ang mga ito sa kanila.Kay ganda nilang pagmasdan lalo pa nga't pareho silang mga kambal.
"Nasaan na ba sila Sam?"untag na tanong ni Jhana
"Malapit na raw sila eh." tugon ko
"Oh, speaking of, andyan na sila." wika ni Jhanice
Hindi pa man nakalalapit ay nakangiti naman na agad si Sam sa amin.
"Sorry we're late!"paumanhin ni Sam saka humalik sa pisngi ko.
"By the way this my best friend Danielle!
Danielle, she is my girlfriend Jhane."pakilala ni Sam sa kasama.
Ayoko sanang pumayag na sumama siya pero nagpulit daw ito kaya wala na kong nagawa. Siya kasi yung sinasabi ni Sam na nagtapat sa kanya na gusto raw siya nito pero hindi naman siya gusto ni Sam. Ngumiti na lang ako ng pilit at nakipagkamay sa kanya.
"Ito naman si Kuya Shin, kilala ninyo naman siya hindi ba?"pakilala muli ni Sam sa kuya niya. Nakilala na namin siya nila kambal nung minsang magpunta kami sa bahay nila. Mukha siyang masungit at talaga namang madalang lang siyang magsalita. Kaya nga nagtataka ako kung bakit sumama siya. Nakatatakot rin siyang tumingin, ewan ko kung sa akin lang ba siya ganoon pero iba ang pakiramdam ko sa kanya.
Matapos ang mahabang diskusyunan at pagpapakilala ay sumakay na kami sa pampasaherong suv papuntang Baguio.Magkakatabi sina Jhana, Joem at Kuya Shin, si Jhanice, Jorem at Danielle at siyempre si Sam at ako. Noong una ayaw pumayag ni Danielle na iba ang katabi niya dahil hindi raw sila magkakilala pero dahil sa nagalit na yung konduktor ay wala na siyang nagawa pa. Gusto niya kasing katabi si Sam pero ayaw naman nito
sa kanya dahil sa'kin.***********
Votes and comments are highly appreciated🙋😊
BINABASA MO ANG
Book 2: Seven Days Together (Completed)
Kısa HikayeMamahalin pa kaya namin ang isa't isa kung may isang malaking pangyayaring makapagpapabago sa buhay namin? What if our seven days together will be a big mess? What will happen next then? We will still fight for each other or let each other go? Read...