CHAPTER 1:

4.9K 94 0
                                    



MALUNGKOT NA nakatingin ang apat na magkakapatid sa lugar kung saan sila lumaki. Oras na para iwan nila ang lugar na 'yun at harapin ang tunay na mundo.

"Salamat po, Mother Cecilia." Sabi ni Ina habang pinangingiliran ng luha ang mga mata.

"Kung p'wede lang na manatili kayong apat dito. Sana maintindihan ninyo na hindi na kaya pa ng kumbento na pag-aralin kayo at ibigay ang iba pa ninyong pangangailangan. Pero kung may maitutulong ako, 'wag kayong mahiyang lumapit sa'kin." Sabi ng butihing madre.

Tuluyan ng napaiyak sina Ina, Amour, Ranna at Tata. Napayakap sila sa pinakamamahal na madre. Sa edad nilang labing-pito, kailangan na nilang bumukod at buhayin ang mga sarili. Lumaki silang apat sa kumbentong iyon. Iniwan sila ng kanilang mga magulang noong sila ay sanggol pa lang at hindi na binalikan.

"Siya, mag-iingat kayong apat. Ito lang ang huli kong maibibigay sa inyo." Sabi pa ng madre sabay abot ng sobre na naglalaman ng kaunting halaga ng salapi.

Labag man sa kalooban, tinanggap iyon ng apat. Kailangan nila nang pera para sa panimula ng buhay sa labas ng kumbento. Kailangang maging malakas ang kanilang loob para matupad ang kanilang mga pangarap.

"Magpapaalam na po kami. Oras na maging matagumay ang aming buhay, babalik kami dito upang tulungan kayo." Ani Ina.

"Bumalik lang kayo na ligtas at matagumpay, kuntento na ako. Mag-iingat kayong apat."

"Mother!" Sabay-sabay na humagulhol ang magkakapatid habang mahigpit na nakayakap sa madre. Ilang sandali pa ay nagpaalam na sila. Kahit hindi alam kung saan patungo, kahit wala pang anumang plano, magpapakatatag sila para matupad ang nag-iisang pangarap, iyon ay ang hanapin ang mga magulang na umabanduna sa kanilang apat.

"ATE AMOUR, natatakot ako!" Umiiyak na wika ni Ina. 'Ate' ang tawagan nila sa isa't-isa dahil hindi nila alam kung sino ang mas matanda sa kanilang apat. Ayon sa k'wento ni Mother Cecilia, silang apat ay natagpuan sa tapat ng pintuan ng kumbento. Walang anumang sulat o palatandaan na mapagkakakilanlan sa kanilang mga magulang. Hindi din alam ang eksakto nilang kaarawan kaya ang araw kung kailan sila nakita sa may pintuan, 'yun na din ang araw ng kanilang kaarawan. Pare-praeho na din ang edad nila seventeen, turning eighteen. Magkakapatid sila ngunit may iba't-ibang katangian. Si Ina, mahinhin at may butihing puso, mabilis magpatawad at umunawa. Si Amour, ang palaban sa kanilang apat. Si Ranna, malakas ang loob, gusto laging may thrill. At si Tata, 'tata-ba-chingching', ang katawan nito ay doble sa katawan ng tatlong kapatid. Oh, well, favorite hobby, 'kumain'.

"Huwag kayong mag-alala, basta magtulong-tulong tayong apat. Kung paiiralin ang kahinaan ng loob, wala tayong mararating." Wika ni Amour.

"Though, I'm sad, but, I think it's better for us. Hindi tayo p'wedeng manatili habang buhay sa kumbento. Ay dapat tayong gawin at hanapin, 'wag ninyong kalilimutan." Segunda ni Ranna. Sa kanilang apat, ito ang may pinaka-mataas na I.Q, sumunod si Ina, next si Amour at pang-huli si Tata. Pero si Tata, the best kung pag-uusapan ay tungkol sa pagkain.

"Alam ko naman, pero wala tayong plano. Ano na ang gagawin natin?" Bakas ang takot sa mukha ni Ina.

"Hanggat nandito ako, hindi ko kayo pababayaan." Ani Amour.

"Mga ate, gutom na ako!" May pag-angal sa tinig ni Tata.

Nagkatinginan ang tatlo. Para kay Tata, walang ibang magiging problema basta may pagkain. Sabay-sabay silang napabuntong-hininga bago ipinagpatuloy ang paglalakad upang makahanap ng murang makakainan. Kailangan nilang magtipid dahil kakaunti lang ang perang dala nila. Kailangan din nilang makahanap ng murang matitirhan. Saang lupalop pa kaya ng Pilipinas makakakuha ng murang bilihin at murang tirahan? Si Mura na lang ang hindi nagmamahal.

INA: MAID IN HEAVEN (B1: INAMORATA) BY: REINAROSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon