CHAPTER 18:

2.1K 55 2
                                    



WALANG SANDALI na hindi nagdadasal si Ina. Walang sandaling hindi niya kinausap ang matanda. Kahit ano'ng hirap at pagod ang kanyang nararamdaman ay pilit na binabalewala para lang manatili sa tabi ng don. Maaga siyang gumigising para maglinis sa mansyon, pumapasok sa university at kapag oras ng uwian, deretso na siya sa ospital. Kahit ano'ng pilit ang gawin ni Nanay Cora, hindi pumapayag si Ina na hindi siya ang magbantay sa don tuwing gabi. Aalis siya nang maaga sa ospital babalik sa mansyon para maglinis, papasok at muli ay pupunta sa ospital. Ilang linggo na ganu'n ang naging routine ni Ina.

Sadyang hindi natutulog ang Diyos. Ang lahat ng dasal, paniniwala ng dalaga ay nabigyan ng katuparan. Isang umaga, walang pasok si Ina kaya nanatili siya sa ospital. Pagkatapos niyang maghilamos, nagbalik siya sa tabi ng don. Naupo at muling minasahe ang katawan ng matanda.

"Boss lolo, paggising ninyo, alam ko na agad kayong lalakas. Kaya nga lagi-lagi ko kayong minamasahe, eh! Sabi ni Lolo doktor, makakatulong daw po sa inyo ang masahihin. Huwag po kayong mag-alala sa'kin, kasi okay na okay po ako. Magaganda din po ang grade ko, paggising ninyo ay ipapakita ko at ipagmamalaki ang pinaghirapan kong grado." Biglang nakaramdam ng pagkasabik ang dalaga. Agad na tumakbo ang imahinasyon niya, nakikita ang kagalakan ng matanda oras na makita nito ang matataas niyang grade. Hindi tuloy maalis ang ngiti sa kanyang labi. Matapos masahihin ang braso ng matanda, isinunod naman niya ang mga daliri nito. Ngunit ganu'n na lang ang gulat ni Ina nang maramdaman na tila gumalaw ang daliri ng don.

"Boss lolo, naririnig po ba ninyo ako? K-kung naririnig ninyo ako, i-igalaw po ninyo ang inyong daliri." Gumaralgal agad ang boses ng dalaga. Pinakatitigan ang kamay ng don. Tuluyang tumulo ang kanyang luha ng makitang gumalaw ang daliri ng matanda. "Boss lolo! Boss lolo!"

Saktong bumukas ang pintuan ng naturang k'warto at pumasok si Lolo Noel at Yujin.

"I-ina ano'ng nangyari kay lolo?" Bigla ang kabang dumapo sa dibdib ni Yujin nang makitang umiiyak ang dalaga.

"G-g-gising na po si boss lolo! Gumalaw ang daliri niya!"

Napasugod ng lapit ang matandang doktor at agad na ininspeksyon ang kaibigan. Tuluyan itong nakahinga ng unti-unting nagmulat ang mga mata ni Rogelio. "Ligtas na siya." Anas man ngunit sobrang saya ang nararamdaman nito sa muling paggising ng kaibigan.

"I-i-ina. I-ina," kahit nahihirapan ay anas ng don. Unti-unti nitong itinaas ang kamay upang abutin ang dalaga.

"Boss lolo, nandito po ako!" Ginanap ng dalaga ang kamay ng matanda. Walang kasing saya ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.

"A-a-apo ko," naglandas ang luha sa pisngi ng matanda. Sa kakaunting lakas, hinila niya ang dalaga at pinilit na mayakap. "A-apo ko!"

"Boss lolo!" Humagulhol na din si Ina. Mahigpit na ginantihan ang yakap ng matanda.

Si Yujin, nagpasya na lumabas ng k'warto at bigyan ng pagkakataon ang dalawa. Kailangan niyang malaman ang katotohanan. Alam niya na may 'missing' sa k'wento ni LoloNoel. Iyon ang dapat niyang alamin, dahil hindi siya mapapanatag hanggat hindi nagiging malinaw sa kanya ang lahat.

ISANG LINGGO pa ang matulin na lumipas, tuluyan ng nailabas sa ospital si Don Rogelio. Nagkaroon ng munting salo-salo ang lahat ng kasama ng don sa mansyon, pa-welcome party para sa tuluyan nitong paggaling. Hindi inaasahan ni Don Rogelio na mararanasan niya ang i-welcome at may mga taong nalungkot noong mga panahong nasa kritikal ang kanyang kalagayan. Taos pusong pasasalamat ang ibinigay niya sa lahat, samahan pa ng pangingilid ng luha dahil sa hindi maitagong kasiyahan.

"Boss lolo, sabi ko naman po sa'yo, marami kami na naghihintay sa pagbabalik mo." Ani Ina, inaayos nito ang pagkakahiga ngmatanda sa sariling kama.

INA: MAID IN HEAVEN (B1: INAMORATA) BY: REINAROSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon