"LOLO, OKAY lang po ako!" Ang nawika ni Ina, ayaw niyang mapagalitan ang matanda dahil lang sa kanya.
"Bitiwan mo sabi siya, Yujin!" May diin sa tinig ng don.
Naningkit ang mga mata ng binata. Pasalya niyang binitawan ang braso ng dalaga. "What's going on? You mean, kilala mo ang babaing ito, lolo?" Sarkastikong tanong pa niya.
"L-lolo? Lolo?" Nagtatanong ang tinging ipinukol ni Ina sa matanda, pagkatapos ay sa binatang halata ang galit sa mukha.
"Cora, ipasok mo sa kanyang k'warto si Ina." Utos ng don sa mayordoma. Maging ito ay naalarma ng makitang ang sitwasyong kinasangkutan ng dalaga. Agad na inalalayan ni Manang Cora si Ina papasok sa loob ng mansyon.
"Nanay Cora, ano po ang nangyayari? Bakit ganu'n po ang tawag ni Sir Yujin kay lolo?"
"Maririnig mo ang sagot sa iyong katanungan pero hindi sa akin magmumula. Sa ngayon ay pumasok na muna tayo sa loob at maghintay." Sabi ng matanda. Inalalayan niya ang dalaga na bagamat nagsimulang maglakad papasok sa loob ng mansyon, nanatili pa ding nakapako ang tingin sa dalawang lalaki.
"Sumunod ka sa akin." Wika ni Don Rogelio sa apo, nagsimula itong maglakad patungo sa library.
Matiim pa din ang tinging ipinukol ni Yujin sa abuelo. May hinalang nabuo sa kanyang isipin hinggil sa matanda at sa dalagang kinaiinisan. Walang salita siyang sumunod sa matanda.
Nakaupo na si Don Rogelio sa sofa ng pumasok si Yujin. Naupo din ito sa tapat mismo ng lolo.
"You can explain now, lolo." Sarkastikong wika ng binata.
"Tulad ng alam mo, ako ang nag-hire kay Ina bilang katulong dito sa mansyon. Anuman ang may kaugnayan sa kanya, ako ang magdedesisyon."
"Why? Is she that important? Wait! Don't tell me, she will become my grandfather's wife? Oh, I knew it! She'e one of the golddigger!" Bulalas ni Yujin.
"Watch your mouth! Hindi siya tulad ng nasa isipan mo. She didn't know that I am the owner of this mansyon. All she knew was I am a beggar who work now as a gardener. Tinutulungan ko lang siya kapalit ng naging pagtulong niya sa akin. Don't dare touch her!" Paliwanag ng matanda na may kalakip na pagbabanta.
"Com'on! Begger? Gardener? You? Are you making fun of me, my dear grandfather? You don't even know how to look after your employees and now, you're saying that you're helping that woman? A nonsense excuse!"
"Yujin! Sumosobra kana! Masyado ng nawawala ang paggalang mo sa akin! Baka nakakalimutan mo kung sino ako?" Sigaw ng don.
Isang sarkastikong ngiti ang pinakawalan ng binata bago muling tinitigan ng matalim ang matanda. "Don't try to teach me how to respect you. Because you are the last person who will gain my respect!" May diin pa nitong wika bago tumayo at walang paalam na iniwan ang don.
Nanginig ang buong katawan ng don dala ng sobrang galit. Bahagya pa niyang nasapo ang naninikip na dibdib. Habol-habol niya ang paghinga hanggang sa tuluyang gumaan ang kanyang pakiramdam.
PABALAGBAG na isinara ni Yujin ang pintuan ng kanyang kotse at agad na pinaandar ang makina at pinaharurot ng takbo ang sasakyan. Ramdam pa din niya matinding galit buhat sa namagitang usapan sa kanila nang kanyang lolo. Hindi man niya aminin, malaki ang naging impact sa kanya dahil sa ipinapakitang concern ng matanda sa kanilang katulong. He didn't even remember na naging concern ito sa kanya at sa kanyang mga magulang. Lumaki siyang laging nasasaksihan ang lihim na pag-iyak ng kanyang mama dahil sa kanyang lolo. Malupit ang matanda sa kanyang ina. Maging ang kanyang papa ay walang magawa, hindi masuway ang salita ng matanda. Madalas magtalo ang mama niya at ang kanyang lolo. Maraming bagay na nais ipilit ang matanda na ayaw gawin ng kanyang mama. Nais ng don na manipulahin ang buhay ng nag-iisa nitong anak, maging ang kaligayahan. Kaya walang sandali na hindi nag-aaway ang mag-ama. Bagamat nagbibigay ng ngiti ang kanyang mama sa harap niya, bakas pa din sa mga mata nito ang kalungkutan. Hanggang sa dumating ang araw na bumago sa kanyang buhay. Isang gabi ay muling nagtalo ang kanyang mama at lolo na nauwi upang saktan ng huli ang anak nito. Luhaang tumakbo palabas ng mansyon ang kanyang mama, kasunod ang kanyang papa. Sabay silang umalis, habang ng mga sandaling iyon, humahabol siya upang sumama sa mga ito. Hindi siya narinig ng mga magulang kaya naiwan siya sa mansyon. Sa edad niyang labing-lima, ang namumuong galit para sa abuelo ay mababakas sa kanyang mukha. Kinabukasan nga, isang balita ang tuluyang sumira sa buhay ni Yujin. Naaksidente ang kanyang mga magulang at dead on the spot na ang mga ito ng makarating sa ospital. Simula ng oras na iyon, ang dating tahimik at laging nakamasid na binatilyo ay naging palaban, ang bawat tinging ipinupukol nito sa matanda ay tila isang patalim na anumang oras ay kikitil sa buhay ng don. Nagsimula ang 'war' sa pagitan ng mag-lolo. Walang sinoman ang handang magpatalo. Ngunit habang lumilipas ang taon, mas lalong sumisidhi ang galit na nasa dibdib ni Yujin. Galit na lalong tumindi sa pagdating ni Ina sa buhay nilang mag-lolo.
BINABASA MO ANG
INA: MAID IN HEAVEN (B1: INAMORATA) BY: REINAROSE
RomancePara makapagtapos ng pag-aaral, lahat ay handang pasukin ni INA. Ang pagiging isang KATULONG ang ang naisip niyang unang hakbang upang makamit ang nag-iisang pangarap na nais niyang matupad. Sa pagtapak niya sa mansyon ng mga ARELLANO, tuluyang magb...