GABI, MASAYANG nagkuk'wentuhan ang apat na magkakapatid. Ang hindi maipaliwanag na biyaya ay sadyang nakapagdulot sa kanila nang lubos na kasiyahan.
"Ate Ina, sa ating apat ikaw lang ang mapapalayo. Nag-aalala kami para sa'yo." May lungkot na wika ni Tata.
"Okay lang naman ako, mababait din sila. Hindi naman nila ako pagkakatiwalaan ng lubos kung hindi sila mabuting tao. Magkikita naman tayo tuwing day off ko, 'di ba?" Nakangiti man si Ina, bakas pa din sa mga mata nito ang lungkot. Siya lang ang mapapahiwalay sa apat na kapatid. At unang pagkakataon na hindi niya makakasama ang mga ito. Pero gaano man ang kanyang lungkot na nararamdaman, hindi na kailangan pang malaman ng tatlo dahil ayaw niyang bigyan pa ng alalahanin ang mga ito.
"Oo naman! Basta aalagaan mo ang sarili mo, ha, Ate Ina? Kung makaramdam ka nang pagod, magpahinga ka. Huwag mong pupuwersahin ang sarili mo sa trabaho, wala kami para alagaan ka." Sabi ni Ranna.
Tango lang ang itinugon ng dalaga. Pilit niyang pinipigilan ang luha sa pagpatak.
"Kung hindi mo na kaya, bumalik ka dito, ha? Ate Ina, ihahanap kita nang ibang trabaho para magkakasama pa din tayo." Ani Amour, palaban man ito, pero pagdating sa mga kapatid kay babaw ng luha.
Tuluyan ng nag-iyakan ang apat. Simula pagkabata nila ay walang sinoman ang napahiwalay sa kanila, ngayon lang. Pero kailangan nilang magtiis para sa kanilang kinabukasan.
Ilang sandali pa ay kinuha ni Ina ang sobreng may lamang pera na ibinigay ni Manang Cora sa kanya "Mga ate, tanggapin ninyo ang perang ito para idagdag sa pambayad sa bahay."
"Hindi! Sa'yo 'yan, ate. Tandaan mo na kailangan mong mag-ipon para makapag-enroll ka sa susunod na pasukan." Tanggi ng tatlo.
"Mga ate, ngayong nagpasya na tayong humanap ng bagong bahay, kailangan natin nang sapat na pera. Gamitin ninyo ito at sa susunod kong sahod, iyon ang iipunin ko. Dahil nasa bahay lang ako, wala aking gastos kaya para sa inyo ang perang ito. Magtatampo ako kung tatanggihan ninyo ang kaunting mibibigay ko." Wika ni Ina.
Hindi na nagsalita pa ang tatlo. Mahigpit lang silang nagyakap-yakap habang patuloy ang pag-agos ng luha sa kanilang mga mata. Gaano man kahirap ang kanilang pagdadaanan, mapalayo man ang isa sa kanila, hindi magbabago ang turingan nila. Hindi magbabago ang pananampalataya nila na may Diyos na laging nakagabay sa kanila. Magmadag na nagk'wentuhan ang apat. Hindi sila nakaramdam ng antok o pagod habang kausap ang bawat isa dahil ang simpleng bonding na iyon ay kasiyahan na nila.
ALAS-SINGKO Y MEDYA pa lang ng umaga, nasa tapat na ng gate ng mansyon ng mga Arellano si Ina. Unang araw niya sa trabaho kaya hindi dapat siya mahuli. Pumikit ng mariin ang dalaga, pinagsalikop ang dalawang palad at taimtim na nanalangin. " Panginoon, maraming salamat po sa panibagong araw, sa biyaya na muli kong masilayan ang magandang liwanag na dulot mo. Isa lang po ang hiling ko, gabayan mo po sana ang aking mga kapatid saan man sila naroroon. Sa ngalan mo, Ama, amen" Anas niya at isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan upang alisin ang tensyon sa kanyang dibdib bago tuluyang pumasok sa loob ng mansyon.
"Dumating kana pala, Ina. Kumain kana ba?" Nakangiting tanong ni Manang Cora ng makita nito ang dalaga.
"Opo, kumain na po ako. Nanay Cora, kayo na po ang magpapasensya sa akin kung may mga mali aking magagawa."
"Huwag kang mag-alala, ipapaliwag ko sa'yo mamaya ang mga dapat mong gawin. Anuman ang iyong katanungan ay aking sasagutin. Sige na simulan na nating ihanda ang mesa dahil alas-siyete ng umaga kung bumaba si Sir Yurih para mag-almusal."
"Okay po!" Masiglang wika ng dalaga, inintindi niyang mabuti ang lahat ng bilin ng matanda.
TULAD NG nakagawian, eksaktong alas-siyete ng umaga ay pababa na ng hagdanan si Yujin. Nagderetso ang binata sa dining table kung saan ay naka-ready na ang kanyang almusal. Naupo ang binata sa nakatalagang upuan para sa kanya. "Nasaan ang lolo?" Tanong niya kay Manang Cora, hindi niya maiwasang hindi magtaka dahil kadalasan ay nakaupo na ito sa p'westo tuwing bumababa siya para mag-almusal.
BINABASA MO ANG
INA: MAID IN HEAVEN (B1: INAMORATA) BY: REINAROSE
RomancePara makapagtapos ng pag-aaral, lahat ay handang pasukin ni INA. Ang pagiging isang KATULONG ang ang naisip niyang unang hakbang upang makamit ang nag-iisang pangarap na nais niyang matupad. Sa pagtapak niya sa mansyon ng mga ARELLANO, tuluyang magb...