"OKAY KA LANG BA TALAGA, INA?" Tanong muli ni Don Rogelio sa dalaga habang ginagamot ang nasugatan nitong kamay.
"Opo, okay lang po ako. Boss lolo, usapan na po natin na hindi ninyo ako papaburan. Lalo lang po magagalit sa inyo si Sir Yujin."
"Hindi kita pinaburan. Mali ang ginawa ng apo ko, gusto ko lang palitan ng kabutihan ang ginawa niya sa'yo."
"Huwag po ninyo akong alalahanin. Hindi ko man po alam ang dahilan kung bakit mabigat ang loob ng apo ninyo sa inyo, alam ko po na darating ang panahon na magkakaayos din kayo."
"Sa tingin mo? Pero mukhang malabong mangyari ang sinabi mo dahil abot hanggang langit ang galit sa akin ni Yujin."
"Boss lolo, ang kapatawaran po ay hindi nakukuha ng agaran. Kailangan po ng sapat na panahon para maghilom ang sugat na dulot ng mga naganap na kasalanan. Pero mas mararamdaman ng isang tao ang pagsisisi kung sasamahan ng gawa."
"Hindi mo nga ako kilala. Hindi ako ang tipo na bababa para lamang sa kapakanan ng iba. Hindi ako ang klase ng taong iyuyukod ang sariling ulo para lang makuha ang kapatawaran nila." Sabi pa ng don.
"Pero unti-unti na po ninyong ginagawa na hindi namamalayan. Ang pagprotekta sa akin, ang pagtulong at pag-aalala ay senyales ng inyong pagbabago. Masaya po ako at nagpapasalamat, pero mas magiging masaya ako kung ipapakita din ninyo sa inyong apo ang mga bagay na ipinapakita at ipinaparamdam ninyo sa'kin." Wika ng dalaga.
"Bakit puro positive ang mga nasa isip mo? Hindi kaba minsan man naghinala sa mga taong nasa paligid mo? Na maaaring pinakikisamahan ka lang nila dahil may iba pa silang intensyon sa'yo?"
"Hindi po. Hindi ko po hawak ang isip ng bawat tao, pero ang sarili kong isip ay karugtong ng aking puso. At sa puso ko, isa lang ang tanging hiling, maging masaya ang lahat ng tao. Alam ko po na hindi lahat ng hiling ko ay matutupad, pero naniniwala ako, basta nasa puso natin ang Diyos at may takot tayo sa Kanya, walang imposible. Hindi imposible na maging masaya tayo sa kabila ng hirap at sakit na ating nararanasan."
Natigilan na naman ang matandang don. Ngayon lang talaga siya nakatagpo ng tulad ni Ina. Walang halong pagkukunwari, walang halong paghihinala. Ang kainosentehan nito at kalinisan ng puso ang siyang makapagpapabago kahit sa pinaka-masamang tao na nabubuhay dito sa mundo. Isang ngiti ang kumawala sa labi ng don. "Tutal, hindi ka nakapag-day off kahapon, pinapayagan kitang umuwi ngayon para makasama ang iyong mga kapatid. Bukas ng umaga kana bumalik dito."
"Ho? Naku, 'wag na po, boss lolo!"
"Hindi ito isang pabor, kasalanan ko kung bakit 'di ka nakaalis kahapon. Isipin mo na lang na ito ang kapalit ng pahinga mo. Hindi din ako papayag na tatanggihan mo ako."
Isang tipid na ngiti ang pinakawalan ni Ina. Kay bait talaga ng matanda. Alam niya na mapapatawad din ito ng sariling apo, sa tamang panahon.
"Sige na, maghanda kana. Alam ko na sabik ka nang makita ang mga kapatid mo." Wika pa ng matanda, tumayo at nagpasyang lumabas sa k'warto ng dalaga upang bigyan ito ng pagkakataong maayos ang sarili.
EXCITED SI INA habang namimili ng ilang pagkain na dadalhin sa bahay na tinutuluyan ng kanyang mga kapatid. Alam na niya kung saan nakatira ang mga ito. Ibinigay kasi niya ang telepono sa mansyon para kahit paano ay magkaroon sila ng komunikasyon. Nang makarating siya sa tapat ng bahay, isang ngiti ang kumawala sa kanyang labi. Hinanap niya ang susi na itinago ng mga kapatid na para talaga sa kanya. "Tada!" Bulalas pa niya ng makita ang susi. Agad na binuksan ang bahay para lang magulat. Kalat here, kalat there at kala everywhere. Iiling-iling ang dalaga ngunit nanatili ang ngiti sa kanyang labi. Ipinatong na muna niya ang mga pinamili sa lamesa at nagsimulang linisin ang buong bahay.
BINABASA MO ANG
INA: MAID IN HEAVEN (B1: INAMORATA) BY: REINAROSE
RomancePara makapagtapos ng pag-aaral, lahat ay handang pasukin ni INA. Ang pagiging isang KATULONG ang ang naisip niyang unang hakbang upang makamit ang nag-iisang pangarap na nais niyang matupad. Sa pagtapak niya sa mansyon ng mga ARELLANO, tuluyang magb...