Ang pagbabalik

30 1 0
                                    

Dumating na ang araw na pinakahihintayo ko! Parating na si Nate! Yehey. Mamaya susunduin ko na siya sa airport. Sana di na siya galit. 

Anak, 

Pa? 

Nak, sasama pa ba kami ng mama mo mamaya? 

Ay sige pa, wag na. ako nalang po. Kaya ko na po. 

Siya sige ah, magingat ka. Kamusta mo nalang kami kay Nathan. 

Opo Pa. Ingat kayo. Love you po. 

AFTER 4 HOURS

Ang tagal naman.... Nate, asan ka naba? *nakatayo sa may waiting area* 

Ano ba yan.... tagal. Ughhh. Siguro na-delay flight nun. Teka, si Nate ba to? Tumakbo papalapit. Nate? NATHAN!!!! 

Ang higpit ng yakap ko sakanya nun. Hindi ko maexplain nararamdaman ko nung mga oras na yun, hinahangad na sana okay lang kami. Hinahangad na sana ako parin yung mahal niya.... 

Ji, bakit ka nandito? 

Sinusundo kita. *umiiyak* Nathan, miss na miss na kita. 

Naramdaman ko yung pagiging cold niya sakin nung mga oras na yun. Hindi ko alam bakit biglang parang naging iba nalang siya. Ganun ba talaga mga nagbabalikbayan? Ang labo naman oh. Mahal na mahal ko yung gagong yun. Gusto ko na siya makasama. 

Ji, aalis na kme. Salamat sa pagsundo. 

Sinundo nga kita, hindi ka naman sasama sakin. 

sorry, next time nalang. 

Nag-expect akong magi-iloveyou man lang sakin. Ni isang bye wala eh. Saklap naman. Para akong tanga dun oh. Pinagtinginan ng mga tao. Ni hindi nga ako pinansin ng parents niya eh. 

BAHAY 

Oh anak, ang aga mo naman nakarating..

Ma. 

Anak, Pa! Umiiyak ang anak mo. 

Oh ano, hindi ka sinipot ng boyprend mo ano? Sinasabi ko na nga ba eh. 

Hindi pa, sumipot. HIndi lang siya sumama sakin. Ang lamig na niya sakin pa. Parang hindi na siya yung Nathan na kilala ko noon. Papa, anong gagawin ko? :(( 

Anak halika nga dito *niyakap si Jia* Anak, mahal mo parin ba si Nathan? 

Opo naman. 

Anak, hindi tayo nakakasusugurado kung ikaw lang talaga ang babae sa puso niya. Masakit man pero baka yun ang totoo. Wag ka umiyak anak. Mahal na mahal mo siya at siya ang buhay mo, eh siya kaya, ikaw padin ba ang mahal? Siguro mas mabuting wag mo na muna siyang kibuin at pansinin. okay? 

Mama Papa, salamat po. :((( 

Basta ikaw anak. Nandito lang ang mama at papa. 

thank you po. 

Ginawa ko yung pinapagawa sakin ng papa ko. Hindi ko talaga siya pinansin. Nakakabigla din kasi wala talaga siyang ginagawa sakin ever since dumating siya. Ang sakit.  

Long distanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon