Jia ano ka ba! Naloloka ka ba? Bakit hindi mo sasabihin na buntis ka?!
Peachy, ayokong lumaki ang anak ko ng may ibang pamilya ang tatay niya. Alam mo namang gusto kong buo lagi. BUO.
Mas pinapalala mo pa. Kung ayaw mo ako magsasabi.
Wag na! Wag na! Sige na ako na.
Pano nga ba? Pano ko sasabihin kay Nathan? Engaged na siya. Ikakasal na siya dun sa babaeng tinakda sakanya.
Mama, Papa. Patawad po.....
Napakairesponsable mo talaga! Ano bang tingin mo sa pagiging nanay? Laro laro lang? Ano ka ba!
Huminahon ka nga Arturo! Ang anak mo ay buntis.
Ma, ma si Jia buntis. Ang unica hija natin ay nagdadalang tao na. Anak madami pa kaming pangarap sayo nak. Bakit pinabayaan mong mawala lang lahat. Hah?
Kahihiyan. Naramdaman ko nun.
Anak,
Mama. Mama sorry po Ma.
Bakit mo ginawa yun nak? 18 anyos ka palang..
Ma sorry po. Akala ko kasi
Anong akala mo? Haa!! Na babalikan ka nung hayup na lalaking yon? Sinasabi ko na nga ba. Pano ngayon yan ha? Pano yang dinadala mo? Alam ba niya yan?
Papa, sasabihin ko naman po eh...
Sasabihin mo nga lang, pananagutan niya ba? Hindi diba?
Tama nga siguro si Papa. HIndi niya pananagutan. Dahil nasa iba ang responsibilidad niya. Iba ang prioridad niya. Hindi ako, hindi kami ng anak niya....
The subscriber cannot be reached, please try again later. Laging yan naririnig ko..... Iba na siguro number nun?
Nathan is calling......
What do you want ba? Ha?
Ano?
Stay away from us please! We're getting married. Get over it! For God's sake.
Pano ko na ngayon sasabihin sakanya? :(( Lord, please help me po.
Oh ano... Nasabi mo na?
Papa.... *hindi nakakibo*
Sabi ko sayo hindi ka na niyan papansinin eh. *niyakap ako* Hayy ang anak ko, biktima din ng pag-ibig.... Naaalala ko nung kabataan namin ng mama mo. Ang hirap suyuin niyan. Hirap ako suyuin pati mga magulang niya... Hanggang sa sabi ng Mama mo sakin na layuan ko na daw siya kasi di niya daw ako gusto.. Syempre hindi naman ako agad sumuko. Eh mahal ko ang mama mo, ang ginawa ko.. Hindi ko muna siya pinansin, nabalitaan kong hinahanap niya daw pala ako.. Namimiss niya daw ako sabi nung kaibigan namin.. Ang mama mo nagpakipot pa. Pero alam mo, kahit kailan hindi ako sumuko sa mama mo. Hindi ako naghanap ng iba. HIndi ako nagmahal ng iba. Siyang lang talaga... Yan ang wala si Nathan. TIYAGA. Sumuko agad eh. Anak, kung iniisip mo na galit ako. Oo nak, medyo may sama ng loob ako. Minorde edad ka palang. Pero wala na tayo magagawa. Naja-diyan na yan. Basta lagi mong tandaan. Nandito kami ng Mama mo. Okay?
Salamat po papa. Salamat po talaga..
Gumaan na ang loob ko nun...
BINABASA MO ANG
Long distance
RomanceAng hirap naman neto oh. Nathan, sana hindi ka nalang umalis......