Ilang buwan nadin nakalipas... Malaki na tiyan ko.. Malapit nadin ako manganak. Hanggang sa ayun nga, nanganak na ako.... Natutuwa ako ngayon, may isang lalaki namang pumalit ng galit sa puso ko eh. Si Luis.. Siya ang naging bagong Nathan sa buhay ko... Tumayo nadin siyang tatay ng baby ko. Pinangalanan ko siyang Andrei. Hindi parin alam ni Nate na may anak na siya. Siguro nababalitaan niya pero. Hayaan mo na. Bahala na...
Eto nanaman. Isang insidente....
Nathan? Nathan bakit ngayon ka lang? Hah? bakit ngayon ka lang?
Siya ba?
Oo, Andrei... Anak mo..
Anak, anak patawarin mo ako ha. Hindi ko kayo naalagaan ng mommy mo...
Agad akong tinignan ni Nathan, may halong lungkot at pangamba sa mga mata niya...
kasal na ako Jia...
Alam ko, kaya nga hindi nadin ako nagpaparamdam sayo..... Nathan, bakit mo pa ako pinaasa? Sana hindi mo nalang sinabi yun. Sana tinapos mo nalang. Sana hindi ka nalang nagsalita...
Kung alam mo lang Jia, araw araw ako binabagabag ng konsensya ko... Matagal ko nang gustong makita ka. Kasi alam kong nahihirapan ka na. Pero Jia, alam mo naman na mahal ko si Agnes....
Yun nga eh... Sana hindi mo nalang ginawa yun. Kung alam mong makakasira... Nathan.. Tignan mo ang anak mo. lalaki siyang hindi kasama ang ama niya. lalaki siyang hindi nararamdaman ang kabuuan ng pamilya niya..
Pinapangako ko Ji... Susuportahan ko siya...
Suporta? Suporta? Yun lang ang kaya mong ibigay? Salamat ah! Salamat.
Jia nakabili na ako ng............Jia?
Sino to?
Bakit sino ka rin ba?
Ano ba tama na!
Luis, si Nathan.
Ah ikaw pala! Ikaw pala yung lalaking walang bayag!
gago ka ah!
Ano ba tama na sabi eh!
Pare, para ka namang gago. Bakit ka gumawa ng ganung bagay kung hindi mo rin naman pananagutan? Pare para kang hindi lalaki. Iresponsable ka! Hindi mo inisip kapakanan nung bata. Papano lalaki yan si Andrei? Tingin mo kaya ni Jia yan ng mag-isa? Wala kang puso! Hinayaan mong mawala ang mga taong minamahal ka ng sobra. Wala kang utang na loob.
Siguro naman napagisip isip niya na. Na masyado akong namuhi sakanya...
BINABASA MO ANG
Long distance
RomanceAng hirap naman neto oh. Nathan, sana hindi ka nalang umalis......