Two.

19 2 0
                                    

Chapter 2: Guardian.

Binitawan niya ang lakake kaya napahandusay ito sa sahig. Wala na itong buhay ngunit nakatirik parin ang mga mata.

Agad namang may namuong kaba sa dibdib ko ng unti unti siyang tumingin sakin. Tumingin sakin yung lalaking kanina pa nakalutang.

Nakasuot siya ng puting damit at at puting pants. mahaba ang buhok niya ng kaunti at parang namumutla siya. Mukha naman talaga siyang tao pero NAKALUTANG kase siya.

Unti unti siyang lumapit sakin kaya agad kong kinuha ang bag ko at tumakbo palabas.

Nilingon ko siya pero wala na siya duon kaya mas binilisan ko na ang paglalakad ko.

Dumiretso nako sa bahay at sinarado ng mabuti ang mga pintuan at tumakbo papunta sa kwarto ko at nagtago sa loob ng kumot ko.

Nakakatakot ang mga nangyare sakin ngayon. MAMA!PAPA! Nakakainis talaga kayo.

Sumilip ako ng kaunti sa kumot ko at tumingin tingin sa paligid.

Nakahinga naman ako ng maluwag kase hindi ako nasundan nung multong yun.

Actually kanina pa ako nauuhaw kaya agad akong pumunta sa kusina at kumuha ng tubig sa freezer.

"Hoy!" Nagulat ako ng may biglang nag salita ee wala naman kaseng ibang tao dito bukod sakin.

Unti unti akong lumingon at laking gulat ko nang...

Makita yung multong lalake kanina na nakalutang na naman sa ere.

"AHHHHHHHHHH!" Nabitawan ko tuloy yung baso at nabasag tsaka ako tumakbo papunta sa kwarto ko at nilock yung pinto at nagtago ulit sa kumot ko.

Sumilip ako at agad ko siyang nakita na naka indian sit pa sa ere.

"Aaaahhhhhhhhhhhhhh!" Sigaw ko sabay hagis sakanya ng unan pero lumampas lang yun sa katawan niya na mas ikinagimbal ko.

God! Please help me. Natatakot ako.

"Hindi ka dapat matakot sakin." Emotionless niyang ani.

"Sino kaba? Bat mo bako sinusundan? Walang akong kinalaman sa pagkamatay mo kaya please lang lubayan mo nako!" Nanginginig kong ani.

"Ako si Alexius." Aniya.

"At ano naman ang atraso ko sayo. Umalis kanang multo ka!" Sigaw ko sabay tago ulit sa kumot ko. Nanginginig nako.

Ito ang unang beses na may multong sumabay sakin papunta dito sa bahay.

"Ako ang inutusang mag bantay sayo dito sa mundo ng mga tao. Lahat ng taong naninirahan dito sa mundo ay may kanya kanyang tagabantay. At ang ipinagkaiba mo lang sakanila ay nakikita moko." Rinig kong ani niya.

"At bakit mo naman ako kailangang bantayan?" Tanong ko habang nagtatago parin sa loob ng kumot.

"Dahil ako ang makakasagot ng mga katanungan mo." Aniya. Kaya agad ko siyang hinarap.

"Ibig sabihin alam mo kung bakit namamatay ang mga taong napapamahal sakin?" Baka siya na ang sagot sa mga tanong ko.

"Hindi ikaw ang may kasalanan sa pagkamatay nilang lahat." Seryoso niyang ani.

"Edi Sino? Ako ang pinaparatangan ng lahat at natatakot na silang lahat sakin." Confuse kong ani.

"Pwede ka nilang mahalin pero hindi mo sila pwedeng mahalin."

"Ano bang ibig mong sabihin?" ugh. Nakakalito.

"May sumpa ka."

"What? At bakit naman ako magkakaroon ng sumpa? Isa lang naman akong ordinaryong babae at wala naman akong ginagawang masama." Naiiyak kong ani.

"Tanging mga magulang mo lang ang makakapagpaliwanag sayo ng mga nangyare sa sinauna." Magsasalita pa sana ako ng bigla na siyang naglaho.

Pwede nila akong mahalin pero hindi ko sila pwedeng mahalin.

Ano naman kaya ang ibig niyang sabihin?

------☆

Buong klase akong lutang. Hindi parin maalis sa isip ko ang mga sinabi ng multong yon sakin.

Ano kayang kinalaman nina Papa at Mama sa pagkakaroon ko ng Sumpa.

I really wanted to ask them but unfortunately they're not here.

Nagulat naman ako ng may biglang may humampas sa likod ko pero hindi naman gaanong malakas.

Nanlamig naman ako bigla at natulala sa babaeng nasa likuran ko.

Buntis siya at puro dugo ang suot niya. nanlilisik ang kanyang mga mata at nakangisi na parang demonyo.

May dala siyang kutsilyo at itinututok niya ito sa kanyang tiyan.

Hindi ako makahinga. Nanigas ako sa kinauupuan ko.

Napasigaw nalang ako ng bigla niyang saksakin ang kaniyang tiyan at pinagsasasaksak ang bata sa loob nito.

"Ms. Dawson ano na naman ba toh? Nasa kalagitnaan tayo ng klase." Sermon sakin ng teacher.

Pagkalingon ko wala na siya.

"Im sorry po." Malumanay kong ani at umupo na ulit.

Ano ba tong mga nakikita ko.

"Okay class Get 1 whole sheet of paper. Let's have a Quiz." Wtf. Hindi naman ako nakinig sa lesson niya ee. Paano ko naman masasagot yon.

"Okay heres your Questioner." Aniya at nagdistribute samin.

Ano ba toh? Wala akong kahit isa dito na alam ang sagot.

Nagulat naman ako ng biglang gumalaw yung ballpen ko. As in literally. At nagsulat duon sa papel ko ng mga sagot.

Teka nga lang baka nagti trip na naman ako.

No! Hindi ako nag iimagine nagsusulat mag isa ang ballpen ko. Ano na naman bato.

Naninindig na naman ang mga balahibo ko.

"Okay pass your papers." Ani ng teacher.

Bahala nato. Inabot kona duon kay ma'am.

Nakita ko namang nagulat siya nung nakita yung papel ko. Baka wrong yung mga answer. Baka kung ano anong kagaguhan ang nasulat duon.

Lunchtime na. Nag punta muna ako dito sa locker room.

Nagtaka naman ako ng makakita ako ng letter.

"Baka nagkamali lang ng lagay."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Curse (lorie Dawson Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon