One.

14 2 0
                                    

Chapter 1: Avoid me.

"Wag nga kayong tumabi jan. May sumpa yang babaeng yan."

"Lahat nalang ng mga kaibigan niyan namamatay o di kaya napapahamak."

"Nakakatakot talaga siya."

Rinig kong bulungan nila pero hindi ko nalang pinansin at pinagpatuloy ang pagkain ko.

Sanay nakong makarinig ng mga ganyan mula sa kanila.

I cant blame them. They must avoid me. Bakit? You will know soon.

Pagkatapos kong kumain nag punta nako sa library. Dun kase. Walang masyadong tao. Wala akong maririnig mula sakanila.

Pumunta nako sa may book shelves at kumuha ng mga babasahin ko.

Pagkakuha ko ng isang book nagulat nalang ako ng may isang babaeng duguan ang nakasalip mula sa kabilang side.

Sa Gulat ko nabitawan ko agad ang mga dala kong libro.

Kinuha ko agad ang mga libro at laking gulat ko ng may duguang kamay ang tumulong sakin.

Kaya agad akong napaatras.

Babaeng nakasuot ng uniform na parang naliligo sa sarili niyang Dugo.

Kahit Gustuhin ko mang sumigaw alam kong wala rin namang maniniwala sakin.

"A-anong kailangan mo?" Nauutal kong ani.

Ngumisi lang siya at tumawa ng tahimik. Agad siyang tumakbo papunta sakin at hinila ako mula sa aking magkabilang paa dahilan para mapasigaw ako ng pagkalakas lakas.

"Ms. Lorie why are you shouting?" tanong sakin ng Librarian.

Nakatayo lang sa harap namin ang babaeng duguan habang nakangisi. Ngunit bakit? Bakit hindi nila nakikita.

"Ma'am may babaeng duguan." Ani ko sabay turo dun sa babae.

"Ms. Lorie wala naman akong nakikita ee. Can you please just go. Tinatakot mo ang ibang mga student dito." Galit na ani niya.

"Sorry po ma'am." Ani ko sabay takbo palabas.

Dumiretso nako sa room.

Halos lahat nalang ng mga student na nadadaanan ko tumatabi. Bakas ang takot sa kanilang mga mukha na para bang ako ang kamatayan na papatay sakanila.

Kahit ako mismo. Natatakot ako sa sarili ko. Natatakot ako sa mga nakikita kong ako lang naman ang nakakakita.

Pagkapasok ko palang sa room dumiretso nako sa upuan ko dun sa pinakadulo. Ako lang mag isa sa isang Row. Dahil walang kahit isang gustong tumabi sakin.

Nakakalungkot mabuhay sa ganitong klaseng kapalaran.

----☆

Uwian na. Pero gusto ko ako ang huling lalabas sa classroom.

"Bilisan nyo na nga gusto nyo bang maiwan dito kasama niya?"

Rinig kong ani ni Chloe. Class President namin.

"Ayoko nga. Bilisan na natin baka kung ano pang mangyare dito."

Ani nila sabay takbo palabas.

Pagkalabas nila lumabas narin ako. Napatigil ako sa paglalakad kase napadaan na naman ako dito sa Court.

Nakita ko na naman si Travis. He's a basketball player. Lagi silang nag papractice dito kapag uwian na.

Halata naman sigurong may gusto ako sakanya dati pa. Pero ngayon imposible na dahil sa mga Rumors tungkol sakin siguro pati siya takot din.

Agad ko namang iniwas ang tingin ko kase bigla siya napatingin sa direction ko ngayon.

Pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko.

Naglakad lakad muna ako kahit medjo dumidilim narin ang paligid. Wala rin naman akong kasama sa bahay Although na sakin na lahat ng mga material na bagay pero wala naman akong kaibigan. At yung mga parents ko wala nang ibang ginawa kundi magtrabaho ng magtrabaho. Nakalimutan na siguro nila na may anak pa sila.

By the way Im Lorie Ann Dawson. 17 years old nako ngayon. 2 years na simula ng katakutan ako ng lahat dahil sa pagkamatay ni Ruth. My bestfriend.

Simula nung araw nayon. Lahat nalang nang mga nagiging kaibigan ko naaaksidente o di kaya naman namamatay dahil sa sakit. Kaya yun ang naging dahilan nila para katakutan ako.

kahit ako nagtataka sa mga nangyayare sakanila bigla bigla nalang silang nawawala lalo na pag napamahal nako sakanila.

At simula din ng araw na yon lagi nakong nakakakita ng mga bagay na hindi naman nakikita ng iba.

Someone pulls me to reality. Bigla nalang akong hinawakan sa braso ng isang lalake. Nakakatakot ang itsura niya.

"Bitiwan moko!" Pagpupumiglas ko.

"Wag kang matakot sakin. Magpapakasaya tayo ngayong gabi." Sa tono ng pananalita niya at parang may binabalak siyang masama.

"Ayoko! Bitawan moko! Tulong! Tulungan nyo ko!" Sigaw ko.

Bigla niyang tinakpan ng panyo ang bibig at ilong ako. Parang may nilagay siya duon dahilan para mahilo ako.

Everything went black.

------☆

Ang sakit ng ulo ko. Nahihilo parin ako. Wait. Nasaan ako.

Nag flashback ulit sakin ang mga nangyare kanina.

Thank God may suot pakong damit at alam kong hindi ako narape pero nasaan ba talaga ako.

Nagulat ako ng unti unting bumukas ang pintuan at pumasok yung lalake kahapon.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Can someone just help me.

"Ms. Wag kang magalala hinintay muna kitang magising para sabay tayong magpakasaya." Ani niya sabay halakhak na parang demonyo.

"Palabasin nyo na po ako. Kailangan ko na pong umuwi ." pagmamakaawa ko. Anytime tutulo natong luha sa mga mata ko.

"Wag muna mamaya na." Ani niya sabay lakad papunta sakin at hinawakan ang magkabilang braso ko.

"Bitawan moko!" Pagpupumiglas ko.

Sinipa ko yung kanya kaya agad niya kong nabitawan. Tumakbo agad ako papuntang pintuan pero agad niya naman akong naabutan at sinabunutan niya ko sabay tulak sakin dahilan para mapahandusay ako sa sahig.

Pumikit nalang ako. Katapusan ko na ba talaga ngayon?

"Aaah!!!" Sigaw nung lalake kaya agad akong napatingin sakanya.

At laking gulat ko nang may sumasakal sakanya to the point na halos hindi na siya nakaapak sa sahig.

mas lalo akong nagulat nang makita ko yung lalakeng sumasakal sakanya.

Hindi siya tao. Dahil nakalutang lang siya sa ere at sa katawan niyang yan hindi normal ang lakas niya na halos madala niya na yung lalakeng doble ang laki kumpara sakanya.

Wala akong ibang magawa kundi panoorin ang unti unting pagkaubos ng hangin mula sa katawan ng lalake dahilan para mamatay ito.

Binitawan niya ang lakake kaya napahandusay ito sa sahig. Wala na itong buhay ngunit nakatirik parin ang mga mata.

Hindi ako makapaniwala sa mga nasaksihan ko ngayon.

Dapat ba akong magpasalamat sakanya O Dapat katakutan ko siya dahil sa ginawa niya?

[A/N: This is my First Horror Story kaya pag pasensyahan nyo na kung medjo Corny 😂 Nga pala Thanks Azi Dagam sa paghingi ng Update 😘]

The Curse (lorie Dawson Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon