B LA K E AND A E V Y L
BLAKE'S POV
-Hinihintay ko si Aevyl dito sa labas ng comfort room ng mga babae, as usual, pinagtitinginan na naman nila ako, yung iba ay tumitili pa. Nginingitian ko na lang sila, dahilan para lalo silang kiligin. Tsk. Habang ine-entertain ko yung mga nagkakandarapa saken nang biglang bumukas yung pintuan ng CR. Nakayuko si Aevyl, pinalitan nya na rin yung damit niya; kulay itim na maluwang na t-shirt, nakatali na rin yung buhak niyang nakaunder-cut.
"Aevyl, you okay?" Tanong ko nung nakalapit na siya sa akin. Tiningnan niya lang ako, I'm expecting her to say "Thank you handsome, I'm alright. " pero bigla niya na lang akong tinalikuran at naglakad patungong second floor. Hinabol ko naman siya, at hinawakan sa braso, pinagtitinginan na kami ng mga studyanteng paakyat din sa second floor. Pero hindi ko na sila pinagtuunan ng pansin. Sumulyap ulit ako kay Aevyl, nagtataka siyang tumingin sa 'kin.
"I'm asking you if you're okay. What did they do to you? Did they do more embarassing like that? Tell me." Sunod-sunod kong sabi, nang dahan dahan niyang inalis yung braso niya sa kamay ko.
"I'm good. " she answered while forming a smile-- oh crap! konting-konti na lang pagkakamalan ko na siyang si Monalisa, hindi ko alam kung anong klaseng ngiti yun. Hindi ko na namalayang nauna na siya sa laboratory room, tss. Hindi ba siya marunong makisama?
Pumunta na ako sa seat ko, katabi ko yung mga badboy wannabe dito sa campus, si Phil na trying hard na chick-magnet, at si Drewx na feeling cool. Nasa gilid ako nakaupo, sa tabi ng bintana. Three students in one table kasi dito sa Lab, wala namang problema dahil mahaba naman itong lamesa. Nakaharap kaming lahat sa projector, nagtuturo pa lang naman si maam about sa mga chemicals, and other shits, nang biglang sumagi sa isip ko si Aevyl. Tiningnan ko naman sya sa side ng table namin , nasa second-row siya, while our's in the third-row sa gilid na part.
Her eyes was fixed on the projector, she's really concentrated, I think she can't catch me up staring at her, pinatong ko yung dalawa kong kamay sa lamesa at seryoso kong inoobserbahan ang bawat kilos niya. Kung magsusuot siguro siya ng maayos at mas sexy, lilitaw ang tunay niyang kagandahan. Bat ba hindi siya naa-attract na sa kagwapuhan ko? Tch.
One and a half hour, the discussion was already finished. At sa buong oras na 'yon si Aevyl lang ang pumapasok sa isip ko-- wait, why am I being weird? She's only a nerd Blake, come on, fuck yo' ass and stop thinking of her, asshole. May isa pa kaming subject sa computer room, kaya naman pumunta na kami doon.
Nagsimula na kaming i-start ang PC, kailangan naming gawan ng powerpoint yung article na ibibigay samin ni sir Ramirez, nasa side ko si Aevyl kaya naman sumusulyap-sulyap ako sakanya, inaayos niya yung makapal niyang eyeglasses habang nakatutok sa pagA-analyze sa binigay na article ni Sir Ramirez. Nagsimula na din akong gumawa ng mapansin kong ang bilis masyado magtype ni Aevyl. Five minutes pa lang nang bigla siyang tumayo at pumunta sa table ni sir Ramirez, tss, magtatanong na nga lang pupunta pa sa harapan, bat hindi niya na lang tinanong saken nahi----
"Very good, you did it well Ms. Kentford, you may leave the room. "
O__O
T-tapos na siya? Eh iisang slide pa lang ang nagagawa ko ah, badtrip! Tsaka ano daw? You did it well? What the fuck, once in a blue moon lang maImpress si sir, dahil laging palpak ang nagagawa namin. I did my goddamn best para maimpress ko man lang din sana si sir, kaso pinagkunuotan niya lang ako ng noo. Tangina 'non. Tch.
"It's 11:45 AM. KRIIING KRIING KRIIING KRIIING KRIIING*
Pumunta muna ako sa locker ko para ilagay don yung mga notebooks ko. Dumiretso na ko sa canteen, nang magsimula nang magtilian ang mga babae, god, ang hirap maging gwapo. Nginitian ko na lang sila, dahil nagugutom na din ako. Kumuha ako ng hard meal at dessert na din, habang dala dala ko ang number na binigay sa akin ng counter, naghahanap ako ng vacant table away from the crowd. Nakita ko si Aevyl na mag-isa sa table na pang-apat na tao, wala naman sigurong masama kung makiki-table ako sakanya.
"Hi Aevyl, I'm looking for a vacant table away from the crowd, unfortunately, ito na lang ang nakita kong bakante pwede ba akong maki---"
"Okay, just don't talk to me. " she answered, ni hindi niya man lang ako tinignan, nakatutok lang siya sa pagkain. Binigay na din sakin yung inorder ko, nginitian ko na lang yung seksing waiter na yun, hehe. Bumaling ako sa gawi ni Aevyl na abala sa pagtusok-tusok sa pagkain niya, napansin ko din na hindi galing sa canteen ang kinakain niya, teka, bawal ang packed foods dito ah?
"My Auntie gave me this food." Sinabi niya saken habang nakatingin sa pagkain, seriously? Halatang galing 'yung kinakain niya sa isang mamahaling Restaurant. Tumango na lang ako, sabay subo ng pagkain ko. Sinadya kong bilisan na lang dahil mukhang naasiwa siya sa presensya ko. Tch.
"Thank you for letting me join you, see you around Aevyl. " she nodded as response, I decided to go to our room, since ang init rin lang sa labas, makakadagdag lang ako sa init ng panahon, sa kahot'an ko ba naman na 'to, tch.
Pumasok na din si Aevyl, ilang minuto lang bago ako nagpaalam sakanya kanina. Nginitian ko naman siya, pero parang wala lang sakanya. Kingina, tao ba 'to? Hindi man lang kiligin sa killer smile ng isang Alfonso. Sinalpak ko na lang yung ear phones ko since may thirty-five minutes pa naman bago magstart ang klase. Sinulyapan ko si Aevyl na seryosong nakatingin sa Celphone niya. Napangiti na lang ako, she's so cute, lalo na kung nakakunot ang noo niya.
Everytime you walk into the room,
Got me feelin' crazy,
Check my heart-- boom boom,
🎵 🎵 🎵
Napapapikit na lang ako nang maalala ko siya, bumabalik na naman ang sakit lalo na kapag nakikita ko 'tong babaeng 'to. Nagiging emosyonal na naman ba ako? Tch.
Ganyang-ganyan din siya eh, ganyang-ganyan Aevyl.
-
Vote. Comment. Share
Thankyouu!