TULA 10: Tag araw at Tag ulan

794 1 0
                                    

Tag araw noon nung una tayong naglaro

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tag araw noon nung una tayong naglaro.

akala ko noon puro seryosohan at walang halong biro.
Nakakatakot man ito dahil Hindi ko alam kung saan patungo.
Kayat sinugal ang sariling kaluluwa at sariling puso.


Pumayag akong makipaglaro dahil may tiwala ako sayo
umasa ako na iingatan mo ito.
Umasa ako na mahal mo din ako
Umasa ako sa mga pangako mo na Hindi naman pala totoo

Bawat salita ay matatamis na kasinunghalingan
parang biglaang nabulag at wala akong naintindihan
Akala ko pag ibig natin ay walang hanggan.
noong sinabi mo saakin "mahal Hindi kita iiwan."

patapos na ang tag araw at padating na ang tag ulan
unti unti na din tayong di nagkakaunawaan
Pilit kong binabalik ang ating samahan
pero bakit pilit mo din akong pinagtatabuyan?

Palala ng palala ating kalagayan
Hindi ko na alam pano ito masosolusyunan
Nagdadalawang isip kung kaya ko pang lumaban
Dahil nagbago tayo, Hindi na tayo katulad ng nakaraan.

Dumating na ang tag ulan, at tuluyan ka ng nagbago
Nasan na yung dating lalaking nakilala ko?
Hindi ko na maramdaman na meron pang "tayo"
Dahil sa una palang Hindi mo na maipakita na mahal mo ko.

Ayoko ng maglaro dahil nagsimula ng umulan
Umulan, ng Mga luha sa aking mga unan
Bakit ba tayo naging ganito? Hindi ko lubos maintindihan
Pagod na ako, Hindi na kita maunawaan.

Salamat nalang sa ating mga pinagsamahan
Salamat sa mga araw na naging dahilan ka ng aking kasiyahan
Salamat sa mga alaalang hindi ko malilimutan
At salamat dahil minahal mo ako kahit minsan.

Mahal,matatapos na ang tag ulan
Pwede mo na akong palitan
Dahil Hindi ko na kayang lumaban
Ayoko ng masaktan, kaya ako na mismo ang mangiiwan.


PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon